Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Monday, June 1, 2009

Buhok Nino?

Wala akong talent sa pag aayos ng buhok. Madalas kundi man nakalugay ang buhok ko, nakagapos lang ito kagaya ng pony tail. Gusto ko palaging mahaba ang buhok ko, kung iksian man, basta iyong sayad sa may balikat. Ayoko ng sobrang iksi kasi lalo akong lumiliit at hindi yata bagay aking mukha. Gusto ko na sana magpagupit at magpalit ng style, kaya tumitingin tingin ako sa mga catalog kung ano ang babagay sa aking gupit. Hanggang mapadpad ako sa isang site na pweding sumubok ng ibat ibang style ng buhok. Sinubukan ko. Eto o...


Style at kulay ng buhok ni Jessica Alba

Biglang dumating online si wildcat, kaibigan ko. Ipinasa ko ang litratong ito, at itinuro kung saang site, ayun sinubukan ako ng ibang hair styles (wala kaming magawa kanina, buhok ang pinagtripan). Eto o'...

Buhok daw to at style ni Beyon'ce


Style ng buhok ni Reese Witherspoon

Bagay ba sakin, hawig ko yata si Madam A jan. Hahahaha.. Masarap din mag ayos pero sa mas maigi pa rin ang simple basta malinis. Nag aayos ako depende sa okasyon. Hindi ko yata type magpakulay ng hair, iyong sis ko nasubukan na yata lahat ng kulay. Kanya-kanyang trip lang yan. Ika nga kung saan masaya.

So ito pala ang mukha ko kung ganito ang mga kulay ng buhok ko. Hmmm...okay! Taka lang ako if I'll try Britney style. Kalbo? ok lang din naman siguro ibat ibang kulay pero mas gusto ko pa rin buhok Pinay. Hindi naman ako amerikana. Ay! malapit na...Hehehe. Nakaprocesso na iyong citizenship application ko, balitaan ko kaya kapag na approve na ako. Sana maapprove agad para wala nang hassle bumyahe.

Gusto mo bang sumubok ng iba't ibang hairstyles? Nagpost ako sa kabilang blog ko kung paano at saan sa bingkay.net ♥. Silipin mo.

Tanong lang:
1. Ang buhok ba ay isa sa mga basehan mo ng pagkakagusto sa tao?

2. Para sa mga lalaki → Ano type mo sa babae? Long hair o' short hair? Bakit?

Para sa mga babae → Turn off ba para sa iyo ang kalbo?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...