Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, June 23, 2009

Mga Sagot sa Tanong Ni Ano

Mapangahas na mga tanong ni Ano (ayaw niyang pangalanan siya...siguro may utang o' hinahanap ng batas). Sinagot ko naman, natyempong wala akong magawa at nakikichikka lang din (utuin din). Sige basahin niyo, hindi ko na kasalanan kung maantok kayo, mainis, masuka, magutom at iba pa. Kilalanin daw si Ako. (Updated: January 06, 2010)



1. Sino si Bing?

Simpleng tao. Tahimik na madaldal. Seryosong mapagbiro.

2. Pwedi bang dagdagan? Sobrang iksi, yong mas malinaw.
Isa akong lisensyadong guro sa Pilipinas na dating nagtuturo sa Pinas ng Mathematics at Physics sa Highschool. Nagtutor din ako sa mga estudyanteng nasa kolehiyo at elementarya noon. Six ako nang mag-grade 1. Nineteen ako nang matapos sa kolehiyo, 20 ako noong magsimulang magturo sa isang napakalaking unibersidad sa amin.

3. Huh? 20 nagturo ka na?
OO maaga akong naggrade 1.

4. More pa...
Tama na yun.

5. Saan Ka Ngayon?
Nandito ako ngayon sa US. Matagal-tagal na rin ako dito. Mga ilang taon na, pero nami-miss ko pa rin ang Pilipinas, ang mga mukha ng mga taong nagmamahal sa akin, mga kapitbahay na kahit tsismosa ang iba, totoong may pakialam naman at malasakit ang karamihan, ang mga pagkaing gulay at prutas na mga paborito ko, ang mga natural na magandang tanawin. Ang jeepneys nag-iingay ng teeeettttttttttttt..tettt...tettt... Busina dito at doon, kahit obvious nang traffic at walang mapagdaanang iba. Hahaha. Lahat ng iyon, miss ko. Totoong ibang-iba ang Pilipinas at ibang-iba ang mga kaugaliang Pilipino. Mas namiss ko at mas naging makabayan nang malayo ako.

6. Ano ang Ginagawa mo jan?
Nagt-trabaho. Nagb-blog. Nag-gagarden din ako. Nag-aaral, balik-estudyante ako. This time sa linya ng Medisina naman. Sana matapos ko.

7. American Citizen ka na?
OO. Filipino at American Citizenship.

8. Edad?
Secret. Huluaan mo kaya? Nasa kalendaryo pa ang numero ko.

8. Status?
Civil. Lolz.

9. Maganda Ka.
Tanong yan?

10. Hindi... Ano ang maganda para sa'yo?
T.Y kung ganon. Ang kagandahan ng tao ay nasa tumitingin nito. Para sa akin ang kagandahan ng tao ay ang kabuuan nito; ang pisikal, moral, intelektwal, social at iba pa. Tamang timpla lang. Tamang asal, tamang galaw, tamang pag-iisip, tamang pilosopiya, tamang matapang, tamang duwag, linis sa katawan, tamang daldal, tamang tahimik at tamang biro. Kung ano ang timbang ng "tama", depende na sakin. Katulad mo, may mga criteria ka rin kung ano ang maganda at ano ang tama sa paningin mo.

11. Pilosopo Ka Ba?
Parang naririnig ko ang mga friends ko nagsasabing Mismo! Hahahaha. Sige na nga.... Oo, pero hindi ako namimilosopo. Makikinig lang ako at mag-iisip, baka mabago mo ang isip ko, kung hindi naman, okay lang. Lahat tayo may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Kung hindi ako sang-ayon sa iyo, irerespeto pa rin kita at hindi ako makikipagtalo sa'yo. Syempre opinyon mo at paniniwala mo iyon. Lahat tayo may sariling paninindigan, pero hindi natin kailangang mamilosopo at manlait sa tao para lang maipakita nating mas magaling tayo. Ang tunay na magaling, talsikan man ng putik, magaling pa rin..kusang kikinang ang powers..LOlz!

12. Ano ang ayaw mo sa tao?
Ayoko ng maarte, nagmamagaling, sobrang plastik, at walang respeto sa kapwa. Tama na iyon kung dadagdagan ko pa, baka magmukha na akong nagmamarunong, hindi rin naman ako perfect. May mga shortcomings din ako. Basta importante sa tao ang balanse. Tamang timpla lang.

13. Masama ka Bang Kaaway?
Hindi ako nang-aaway.

14. Hindi.... Masama ka Bang Kaaway?
Hindi nga ako nang-aaway. Lolz..

15. Eh! Paano kung awayin ka?
Ano yan bata? Lolz...Kasalanan na nila iyon. Basta hindi ako nang-aaway. Pag inunahan ako at inapak-apakan, ibang usapan na yan. Tamang mabait lang ako...hindi santo. Kung away ang gusto di sige pagbigyan. Hahahaha. Mabait ka na nga, aawayin ka pa? aba'y naghahanap na talaga ng gulo yan.

16. Ikaw ba palagi kang nakatawa?
Madalas. Hindi naman sumasakit ang aking panga. Mababaw lang kaligayahan ko eh, minsan drama na ang palabas nahahanapan ko pa ng funny something. Kung gaano ako kabilis tumawa, ganun din ako katagal magalit. Galit na silang lahat, ako cool lang. Lolz...hindi ako pikonin e. Kaya ayokong magalit o' makiaway kasi pag galit ako, galit na talaga yon.

17. Nakakahawa yang hahahaha mo eh, parang hagalpak.
El o' el nalang.

18. Kelan ka nagiging seryoso?
Kung kinakailangan.

19. Describe mo ang mga kaibigan mo?
Malawak e. May propesyonal, may tambay, may mayayaman, may mga pulubi. May mga disente, meron ding hindi. May mga kaibigan akong mga katulong, magbobote, mga doktor. Iba-iba. Pwedi ako kahit sinong kasama basta di masamang tao.

20. Anong common nila?
Siguro ugali.

21. Yun pwedi. Matagal ka na sa Blogospero?
Mag-aapat na taon na rin. Marami-rami akong blogs, pinagkakakitaan yong ibang mga english. Ilang beses nakong sumubok ng personal blog pero nagiging commercial din later kasi ayoko ng masyadong personal. Ok na ako dito. Ang buhay ko paikot ikot lang, hindi masyadong interesting. Kalokohan ko marami, siguro thoughts nalang, hindi too much personal stuffs.

22. Madalas may mga gropo-gropo sa blogosphere. Wala kang ka groupo?
Wala iyong close talaga. Meron sa commercial blogs na linking and nagbibisitahan talaga, parang for business sake lang...networking din yon e. Dito sa babebibebing na blog nag-iikot ako sa mga nasa listahan ko at minsan nagagala din ako sa iba. Nag eenjoy ako magbasa at makicomment sa mga Ka-Blogs, minsan tahimik lang ako di na nakikisali sa comment pero nagbabasa talaga ako.

23. Bakit?
Interesting kasi malalaman mo anong trip niya o' mood o' iniisip niya sa mga panahong iyon. Basta enjoy.

24. Iyong social networking talaga na close meron ka?
Wala. Siguro dahil hindi ako masyadong open sa personal life ko. Hindi katulad ng iba. Nagsusulat ako ng damdamin at mood ko sometimes pilit na pilit pa yan.

Dati napasok ako sa mga pinay din na nasa America. May mga nakilala rin naman ako online na mababait, mga online journal talaga blogs nila, daily lives nila. Nawala ako dun siguro masyado nang malaki ang group, tapos nakikisali ako sa kanila pero hindi naman ako nagsasabi ng personal stuffs about me, so wala rin masyadong connection.

Ngayon dito ako sa KaBlogs nagb-bloghopping and gusto ko siya kasi iba-ibang personality malawak ang nakukuha kong impormasyon.

25. Paano ka napunta sa Ka Blogs?
Napadpad ako sa blog ni Marlon Perspektib. Nagenjoy ako kakabasa, tapos nagandahan ako sa ID niya. After Marlon, napaclick ako kay LordCM. Gusto ko iyong thoughts niya. Adhikain niya. Palagi akong bumibisita doon at nakikibasa. Tapos napunta ako kay Hari ng Sablay, naaaliw ako dun. Hanggang napadpad na rin ako sa ibang mga blogs. Tapos nandiyan si Jettro nakikicomment din ako dun. Hindi talaga ako mahilig magcomment kasi parang close mga tao dun pero nakikicomment na rin ako pagtagal. Nagsasanay pa akong makisali sa commenting.

26. Bakit hindi ka mahilig magcomment?
Kasi hindi ko sila kilala. Pero kapag gustong-gusto ko ang post, nakikicomment nalang. Pilit pa yan. Hindi naman ako mahiyain talaga, hindi lang ako sanay na ako iyong unang mag-effort. Ako iyong mag-aantay lang, even in real life pag may mga bagong tao, nasa isang tabi lang ako mag-aantay pansinin.

27. Nagbabasa Ka Ba Talaga ng mga binibisita mong Blogs?
Ay OO. Binabasa ko talaga mga iyan. Kahit hindi ako nagco-comment, nagbabasa akong talaga. Minsan nga nakakalimutan kong mag-iwan ng message sa cbox nila kasi busy din naman ako. Nagmumulti-tasking lang. Pag libre ako, ayon bilis basa ng mga blogs. Totoong enjoy ako and iyon ang importante. Kasi pagod ka na nga di ba? iyon na palipas oras ko ngayon.

28. Ano ang paborito mong blogs?
Marami eh. Lahat naman magagaling, iba iba lang ng style. Magagaling tayong mga pinoy talaga at matatalino.

29. Alam mo bang yong gulo sa iba nating mga ka-blogs at kay Mike Avenue?
OO. Natyempong busy ako ng mga araw na iyon noong unang dinig ko hindi ako nakikicomment pero nabasa ko at nalaman ang gulo later na.

30. Ano ang opinyon mo tungkol sa pangyayaring iyon?
Masakit sa kapwa ang mga binitawan niyang salita. Masakit malaman ganun kaliit at kasama ang tingin sa kapwa niya Pilipino na totoong nagsasakripisyo at kumakayod ng husto para sa pamilya. Wala siyang karapatang manghusga. Kung may kilala man siyang mga OFW na ganun ang dahilan at ginagawa (base sa mga description niya), siguradong iilan lang sila. Hindi tamang mag-generalize lalo't hindi naman sigurado. Kaya nga may salitang "iilan" at "some" sa english dahil hindi naman lahat ng tao pareho. Masyadong masakit iyong sinulat niya at natural lang na masaktan at maoffend ang iba. Masakit eh, nakakainsulto. Totoong malaya tayong magpahayag ng ating mga saloobin at koro-koro pero kailangan din nating maging responsable. Hindi nga ba't kasabay ng higit na kapangyarihan kagaya ng pagsusulat ay ang mas malaking responsibilidad?

31. Gusto mo bang baguhin ng style ng Ba Be Bi Bebing?
Walang style ang blog ko. Dati kasi seryoso to, walang nagbabasa. Lahat ng kalungkutan at frustrations ko, dito ko binubuhos. Kung mababasa mo lang ang mga luma kong entry baka isipin mong magpapakamatay na ako. Lolz. Kasi tago tong blog nato dati eh and noong time na iyon nagkaproblema kami ng isang taong napakaclose sakin, bestfriend. Hanggang ngayon may tampuhan pa rin, malayo kasi kami sa isa't isa mahirap ang communication. Ngayon may mga napapadpad na dito, kailangan kong itago ang mga lumang super personal na mga bagay bagay. Hindi ko pa alam anong style ang pokos ko sa Ba Be Bi Bebing. Hinahanap ko pa ang aking comfort zone. Ok na sa akin na andyan lang ang blog na ito at nakakapaglibot ako sa iba, kasi dun naman ako enjoy, sa pagbabasa. Baka isang araw, makapagdesisyon din ako kung ano talaga ang gusto ko sa blog na ito. Naglalaro lang ako. Palipas oras, pawala ng pagod. Pansin mo naman siguro iba-iba nilalagay ko. Anik anik lang...wala sa ayos ng tema...kasi wala pa akong tema.

32. Wala ka bang naging BF na OFW? Mukha kasing malapit talaga kami sa puso mo?
Actually noon bago pako dito sa Tate, nasa mga Pinoy forums ako and marami akong naging kaibigan na mga OFW rin kaya kahit papa'no alam ko ang hirap at sakripisyo nila. Hindi madali. Hindi naman malayo ang buhay ko sa mga OFW.
35. May OFW na bang minsan nagpatibok ng puso mo?
Meron.

36. Hahaha. Sino?
Isang tutubi. Isang guy na may pagkahawig sa una kong bf ang ugali.

37. Sino naman ang maswerteng iyon?
Hindi ko na nakakausap now. Sa maiksing panahon na nagkausap kami, parang nakita ko sa kanya yong unang BF ko, kaya siguro nawindang ako sandali. Sandali lang yon. Alam kong nawindang talaga ako dun kasi nagawan ko iyon ng tula sa isang upuan lang. Parang buhos na buhos ang damdamin. Sa buhos e nawala rin agad. Hahahahaha. Kaloka!

38. Ba't wala na?
Nauntog kami pareho. Lolz. Pareho lang yata kaming bored noon and found each other.

39. Ano ang type mong guy?
Iyong mahal na mahal ang kanilang nanay at mga kapatid na babae. Malaking plus yon. Tamang prinsipyo. Ayoko ng masyadong matapang, o masyadong duwag. Ayoko ng masyadong seryoso o' masyadong mapagbiro. Balance lang sa panloob at panlabas na kaanyuan. Nagiging pangit lang ang tao sa paningin ko kung ang ugali nito'y negatibo.

40. Bakit Ba Be Bi Be Bing?
Kasi tawag nila sakin sa bahay Bebing, yong ibang pinsan ko tawag Bingkay. Medyo personal naman ng konti ang blog kaya yon na title ko. Madali kasing tandaan parang abakada lang.

41. Hindi naman personal ang Ba Be Bi Be Bing mo ah. Wala masyadong personal details.
OO nga eh. Ito nalang mga tanong mo ilalagay ko dun para may "konting" details tungkol sa akin.

42. Sige. Konti Lang?
Oo. Ayoko ng sobra. Shy ako. Pribadong citizen ako, hindi ako importanteng tao. Wala naman akong mga fans eh. Hindi ako magaling makipagkaibigan. Kung naging lalaki ako, patay! hindi ako magkakanobya. Hahaha.

43. Other Blogs?
I actually have a lot of sites but I kept my other blogs in an anonymous writer, so I don't link them all. Well I do, but hidden.

44. Kita kong meron kang Inspirational Quotes site?
Oo, sa nasabi ko na po, medyo marami rami akong sites online. Ilalantad ko rin silang lahat kapag ka ayos na masyado o' establish na masyado.

45. That's a lot of quotations compiled. You must really like Quotations.

I do. I love reading different quotations for power. Its a ball of light in my hand, keeping me sane and guided by the wisdom and humor of the wise and funny, and lessons from individuals with different experiences in life. Inspirational Quotes helps me in actively pursuing a dream and attaining satisfaction in it. I compilled them there, there are a lot of them that I was not able to post. I can't manage to post every quotations I read.

46. Nice naman. Sabi mo marami kang blogs/websites. Kumikita ka ba Online?
Opo. It started in 2006 as libangan, bored, walang magawa. Until nagsimula na akong kumita, so tinodo ko na. Haha! Nag eenjoy na ako, kumikita pa. Hindi kalakihan sa simula, pero palaki ng palaki. Lalo na iyong mga sariling domain name ko, iyong mga dot com at dot net, or dot info.

47. Paano ka Natuto gumawa ng websites at sa mga codings? Nag-school ka?
Hindi po. I read a lot, self study. Puro lang ako self study. Kahit sa iyong ibang mga languages na nauunawaan ko at alam kong bigkasin, self-study lang din. Naghihiram po ako ng mga libro sa public library.

48. Paano ba iyong sinasabi mong self-study?
Basa lang po ng mga libro, o' kaya sa online . Tapos subok-subok lang. It works naman sa akin kasi ganun na ako, nakasanayan ko na pong ganun. Iyong pag may gusto akong gawin, subok subok lang until matuto. Madali akong mabored, kaya marami akong ginagawa palagi, iba-ibang field, sabay sabay so para lang akong naglalaro. Nag eenjoy akong ganun.

49. Ano naman pinag-aabalahan mo? Iyong sinasabi mong sabay sabay?
Naku marami. Nag-gagarden ako, gumagawa ng fashion jewelry, candles, blogs, work pa, self study pa ng ibang fields. Siguro kasi, di mapakali utak ko, palaging maraming gustong gawin. Malikot. Ang mga blogs ko ganun din, iba -ibang themes. Ito lang Ba Be Bi Bebing, palipasan lang talaga ng oras, wala monetization.

Pwedi end na? Hehehe...haba na kasi masyado.

50. Wow! Galing naman! Ok.
Thank you.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

6 comments:

Anonymous said...

naks! teacher ka pala.. im studying to be a teacher as of the moment. gudlak sakin. hehe!

at gudlak din sa medical field mo :) go go go!

Hari ng sablay said...

nabasa ko lahat pati lovelyf mo,naks naman.hehe namention pako salamat,hehe

ang aga pala ng pagharap mo sa totoong buhay,20 plng tcher kana at ngayon nsa US.

goodluck nlng at ingat! ;)

Deth said...

ayan may mga pangblackmail na akme kay bing, hehehe...joke lang...

nagenjoy ako pagbabasa:D

A-Z-3-L said...

binasa ko lahat kahit may kahabaan... naging interested kase ako... lalo na sa chat thing with an OFW... ahahahahaha!

Again, im inviting you to join PEBA contest... kase we are expecting someone from US... at alam kong may potential ka. it could be in form of essay, personal or not. in form of poems, pictures (own shots), video (of your own), music (of your own) etc...

hit the theme:
Filipinos Abroad: Hope of the Nation, Gift to the World!

we will be selecting Top 10. so far may 14 entries na. the poll is only 10% of the score.

can i count on your share? in case interested ka, let me know...

visit: www.pinoyexpatsblogawards.com

thanks bing... :)

Vivian said...

@CHICKLETZ
OO. magandang propesyon yang kinukuha mo, very rewarding lalo kapag naging successful mga estudyante mo at naaalala ka pa rin. Thanks..goodluck sa'ting dalawa.

@HARI NG SABLAY
oo nga e nahiya tuloy ako baka may mga frustrations sa love pa na post ang di ko naitago. hihihi, silipin ko nga mamaya ulit.

@DETH
lolz, oo nga e kulit kasi si Ano

@AZEL
Thanks AZEL, masarap nga makasali diyan sa PEBA. Maganda iyan. Kapag napagtoonan ko ng oras makikisali rin ako. Kahit naman hindi manalo masama lang sa mga nominees, masarap na.

malejandria said...

hi, nice to have come across ba be bi bebing. Natuwa ako sa "Mga Sagot" entry mo. Luv it. Cute ka magsulat ha.

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...