Nakakainis magmaneho sa Atlanta, traffic masyado lalo na ngayon na maraming construction sa daan at kapagka nagkamali ka ng liko sa highway, iikot ka pa.
Buti nalang, hindi ako ang nagmamaneho duling duling sana ako sa daan. Akala ko hindi ako sasamahan lalo't hindi rin naman pinapapasok sa opisina ang mga hindi aplikante. Ilang beses na akong bumisita dito at palagi nalang may improvement, lalo na sa daan. Hayyyzzz..nakakabaliw sa hi-way. Siguro sanayan nga lang, mahirap nga naman iyong biglang lipat sa lane, para maka liko agad.
Lagpas dalawang oras ang byahe pasulong Atlanta galing sa bahay, another two hours pabalik. Ang appointment ko sa loob ng opisina hindi man lang inabot ng 30 minutes. Mas matagal pa ang byahe kaysa appointment talaga, pero nasanay na rin ako dahil ganun din naman sa mga naunang appointment ko dito noong nakaraang mga taon.
Tiyak balik na naman ako ulit kapagka doon pa rin ang venue ng interview ko at oath taking. Pero di bale, dalawang step nalang at matatapos na rin ako sa byaheng ito.
No comments:
Post a Comment