Marami siyang alalay sa buhay. May taga bitbit pa ng payong sa tabi, palagi. At hindi naman maikakaila na ibayong tagumpay ang kanyang natamasa. At ibayong yaman ang napagdaanan. Paulit-ulit..
Pero nang inilabas na siya sa ospital na iyon, matapos ideklarang patay, ang live na eksenang iyon ang nagtatak sa aking isipan.
Papuntang Helicopter, balot siya ng puting kumot at apat na tao ang may karga sa kung saan siya nakahiga, walang alalay na nakasunod at walang tagapayong. Parehong eksena sa mga ordinaryong tao. Ibang-iba sa mga videong ipinakita, sa tagumpay na natamasa.*
Kawawa naman ang naiwang anak ni Michael Jackson. Tiyak magiging circus ang mga susunod na araw, para sa pagdedesisyon kung kanina mapupunta ang tatlong anak niyang tagapagmana. Siguradong pagkakaguluhan at pag-aagawan ang mga batang ito.
Ang tao talaga, gaano man kayaman, pagdating sa kamatayan, nagiging pantay-pantay. Wala talagang madadalang kayamanan sa huling hantungan. Ang katotohanang ito ay hindi naman ligid sa kaalaman ng tao. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit marami pa rin ang umaastang sila'y nakalalamang at kung magtrato ng kapwa'y akala mo kung sinong hindi namamatay. Kahit sino ka pa, pagdating sa libingan, ikaw at ikaw lang din ang maiiwan. Kung ang katawan nga hindi madadala, kayamanan pa?
*Magulo man ang personal niyang buhay, hindi maikakaila ang napakalaking impluwensiya at tagumpay niya sa musika. Isang malaking pagpupugay para kay Michael Jackson.
Paalam MJ. Sumalangit nawa.
3 comments:
ang kamatayan wlang pinipili mayaman o mahirap pag tinawag kna ni lord kailagan mo ng lumapit?..
totoo yan bing walang silbi ang kayamanan pag sakit na ang dumapo.
hi bing invite kita dito sa site ng fren ko ha magregister ka dito
eto yung link
http://s1.zetaboards.com/TahananNgMgaPinoy/site/
Post a Comment