* Upang pahalagahan ang papel na ginagampanan ng mga kapwa ko Pinoy Expats at OFW's sa kabuuang pag-unlad ng ating bansa, ninais kong mag-ambag sa pakontest ng PEBA (Pinoy Expats Blog Award) sa tema na "OFW's/Pinoy Expats: Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo". Napasok pang #20 and entry ko na pinamagatan kong GINTONG MITHIIN.
Mabuhay ang lahat na mga masisipag nating OFW's at Expats!
Nitong mga nakaraang araw lang, sa isang talumpati para sa panlimang Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors Tour (ACGTDT) sa taong ito, na ginanap sa Malacanang's Ceremonial Hall, pinuri na naman at pinasalamatan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga milyon-milyong overseas Filipino workers dahil sa patuloy na pagtulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na ngayong nakikibaka tayo sa pandaigdigang hamon.
Ibinalita ng Presidente na ang remitances ng OFW's noong nakaraang taon ay umabot ng 0.4 bilyon, katumbas ng sampung porsyento ng gross domestic product (GDP).
“So far this year, they are already 2.5 percent higher than last year, thanks to your unswerving dedication, our far-flung heroes,” ang sabi ng Pangulo.
Nakakatuwang malaman na palaki ng palaki ang tulong na naibabahagi ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ating bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking labor service provider sa mundo. Tinatayang may halos labin-tatlong milyong mga manggagawa (o' baka higit pa ngayon) sa ibang bansa na nagkalat sa buong mundo, handog ang kani-kanilang talento, talino, sigasig, pawis at dugo. Maraming OFW's at Expats sa iba't-ibang bahagi ng Asya, Gitnang Silangan, Kanlurang Europa, Amerika at sa malayong sulok ng mundo. Nakikipagsalaran at nagbabakasakali. Bitbit ang mga gintong mithiin. Ang positibong paniniwala, pag-asa, at baong pagmamahal ng pamilya ang siyang nagsisilbing gintong liwanag na umiilaw sa pusong namamanglaw.
Lagpas dalawang dekada na ang lumipas mula nang unang ihayag ng Pangulo ng Pilipinas na ang mga OFW's/ Pinoy Expats ay mga pag-asa ng bayan. Sa isang talumpati, noong 1988, sa isang grupo ng mga OFW's (na dating tinatawag na OCW's - Overseas Contract Workers) sinabi ni Presidente Cory Aquino sa kanila;
"Kayo po ang mga bagong bayani" ♥ .
Ito ay dahil sa hindi maikakailang benepisyo ng dollar remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon, ang mga Overseas Filipino Workers ay kinilalang "Bagong Bayani". Sa katunayan, kabilang sa mga pinaka-publicized ng Administrasyong Aquino ay ang Proclamation No. 276, na nilagdaan noong Hunyo 21, 1988, na naghahayag na ang buwan ng Disyembre ay "Ang Buwan ng mga Overseas Filipino."
Naalala niyo pa ba ang Philippines 2000 na isinulong ng sumunod na pangulo ng bansa na si Presidente Fidel V. Ramos? Ang Philippines 2000 na dati'y nakikitang nakasulat maging sa mga bubong ng mga paaralan, ay kanyang programa para sa pang-ekonomiyang kaunlaran. Maging si Presidente Fidel V. Ramos ay nagsabing;
"Our Overseas Contract Workers are the new heroes of the Philippines" dahil ang remittances mula sa overseas Filipino workers ay isa pa rin sa malaking pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.
Si Presidente Joseph Estrada naman ay minsang nanawagan at nagsabing; "the OFWs should continually remit their hard-earned dollars here to help prop up the heavily battered economy..." tanda ng kahalagahan ng kanilang mga kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang remittances, pagbili ng mga ari-arian at paglikha ng mga negosyo.
Samantala, sabi naman ni President Gloria Macapagal-Arroyo;
"OFW's are heroes of the new millennium whose dollar remittances have helped stabilize the Philippine economy".
Subalit, kasabay ng bansag na "bagong bayani" ay ang mga kutya ng mga makabagong indio, ang mga taong mapagmataas na humihila sa mga OFW's at Pinoy expats pababa at walang agam-agam na nambabato ng putik at masasakit na salita na siyang nagpapaigting ng kalungkutang tinatamasa ng karamihan. Bilang mga (kapwa) Pilipino, nasa bawat isa sa atin ang ating lakas, nasa bawat isa rin sa atin ang ating kahinaan. Kung tulong-tulong tayo, itulak paitaas ang bawat isa at hindi pababa, natitiyak kong abot-kamay ang tagumpay. Tandaan po natin, "United we stand, divided we fall".
Isa pang paalala, hindi ang mga OFW's at Pinoy Expats ang kusang nagbansag ng titulong "bagong bayani" kundi ang mga Pangulo ng ating bayan, na siyang higit na nakakaalam sa estado at istatistika ng ating ekonomiya.
Ngayon nga, sa Admistrasyong Arroyo, ilang beses nang naipahayag ang kahalagahan ng mga OFW's at Pinoy Expats sa kaunlaran ng ating bayan. Naniniwala akong marami sa ating mga masisipag na mga OFW's ang taim-tim na nangangarap na umuwi at bumalik na sa tinubuang-bayan upang manatili at tumira kasama ang mga mahal sa buhay at makitang lumaki ang mga anak sa piling nila, subalit napipilitang magtiis sa labas ng bansa at patuloy na iginogol ang oras sa pagtatrabaho para mabigyan ng mas komportabling pamumuhay ang pamilya at makatulong sa bayan.
Bawat taon, mahigit sa isang milyong Pilipino ang umaalis para magtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga ahensiya at ibang mga programa, kabilang na ang mga sponsor ng gobyerno.
Sa malawak na papawirin ng cyberspace, mababasa natin ang mga nakakasigla at nakakalungkot na kuwento ng mga manggagawa sa ibang bansa, ang kani-kanilang hirap, pagod, kalungkutan, saya at pakikipagsapalaran. Dahil sa patuloy na pag-imbulog ng pangmasang midya, marami na sa ating mga OFW's at Pinoy expats ang may mga blogs na pumapaksa sa iba't ibang anyo, hugis, kulay, at galaw ng buhay. Binibigyang pakpak ang kani-kanilang expresyon, ideya, tuwa, pagkadismaya, at ang pang araw-araw na pakikibaka. Karamihan sa kanila ay naglilibang, lumalaban sa kalungkutan, naghahanap ng positibong magawa sa pusod ng disyertong mapanglaw, sa gitna ng iba't-ibang mukha at cultura. Natitiyak kong inyong ikalugod ang katapangan at katatagan ng mga OFW's at Pinoy Expats na nakikipag-konek sa kapwa Pilipino at isinusulong ang pagkakaisa. Kahit na malayo sa Pilipinas, ang kanilang sakripisyo at pag-aalay sa kanilang pamilya, ang kanilang pag-ibig at pagpapalawak ng kultura at mga pag-aalala para sa kinabukasan ng ating bansa ay hindi matatawaran.
Iba-iba man ang kwento, magkahawig naman sa dusa't himutok ng puso. Madalas mang sakbibi ng lungkot ang diwa, kapag sa mukha ng mga minamahal tuwa ay nakikita, at pasasalamat ang siyang sambit ng mga labing may ngiti, ang lahat ng lungkot ay napapawi, sakripisyo't luha ay langit nang inaari.
Nakakamangha ang salamin ng buhay OFW's at Pinoy Expats. Sa grupong KaBlogs pa lang, Blogs ng mga Kababayang OFW at Expats, kapansin-pansin na halos lahat sa ating mga OFW's at Pinoy Expats ay magagaling at binibigyang halaga ang pagiging Pilipino. Tunay na maipagmamalaki ng bayan.
E-play ang video sa baba at pakinggan ang mga sinabi ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa mga OFW's (Hongkong, SAR, 28 June 2009)
Presidential Citation Award to OFW Mildred Perez
Sa mga nagdaang taon, maging hanggang ngayon, ang remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita ng bansa at tumutulong sa pagtaguyod ng ating ekonomiya. Hindi maikakailang ang ating mga masisipag na mga OFW's at Pinoy Expats ay mga "Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo".
Bilang isang expat na katulad ng karamihan ay marangal at matapat na nagbabatak ng buto para sa pamilya at sa mga kadugong umaasa ng tulong, buong pagmamalaki at taas noo kong ipinagbubunyi ang lahat na mga masisipag na manggagawang Pilipino na buong tapang na humaharap sa hamon ng buhay saan mang sulok ng mundo.
Bigyang dangal po natin, igalang, at ipagmalaki ang ating mga OFW's at Pinoy Expats. At sana'y dinggin ng mga taong nasa posisyon at aksyonan ang matagal na nating hinihiling. Ating suklian ang mga biyaya na binibigay ng ating mga OFW's at Pinoy Expats sa bansa. Marami sa ating mga OFW's ang lubos na nahihirapan, inaabuso, hinaharass, at binabalewala lamang. Ipagkaloob na sana ang karagdagang benipisyo at proteksyon, legal na tulong at diplomatikong representasyon. Bigyang halaga at pakahulugan sana ng Gobyerno ang ibinansag nilang "bayani" at hindi gawing batobalani lamang na nakadikit sa pangalan ng mga masisipag nating manggagawa sa ibang bansa lalo na't halos lahat ng agensya ng ating gobyerno ay lubos na nakikinabang sa kanila. Pangalagaan natin ang siguridad ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa upang ang magandang pag-asa'y hindi manlabo. Sana rin mas palakasin, patibayin at paunlarin ng Gobyerno ang ating sariling Industriya sa Pilipinas para mabawasan na ang paglisan ng ating mga kababayan.
Sabay-sabay nating iangat ang Pilipinas. Ang tagumpay ay ating kamitin. Gintong mithiin ating abutin!
Maghanap sa loob ng box
Custom Search
Monday, July 13, 2009
Gintong Mithiin
Labels:
Mga muni-muni
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Follow
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Happy 2018
Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...
-
I love this Catholic Cebuano song about Santo Nino. Ito iyong Grand Prize winner ng 2009 sa 3RD HUNIÑO-Huni Halad Kang Señor Santo Niño De C...
-
Hindi Ako Busy. Itong mga libro lang naman ang pinagkakaabalahan ko at ang trabaho. Aral dito aral doon, trabaho dito trabaho doon, at panak...
-
Madalas kong mamiss ang lutong Pinoy. Dahil dito, kapag may nakikita akong mga Filipino recipes, sinusubukan ko ito. Sa Pilipinas, sanay ako...
10 comments:
Hello Bhing, napakaganda ng iyong entry para sa PEBA, nakapagbibigay sigla at inspirasyon sa mga katulad naming mga OFW.
Nawa'y matutunan hindi lamang ng ating pamahalaan kundi ng bawa't Pilipino na pahalagahan ang kontribusyon ng bawa't OFW hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa kapwa kababayan at para sa bayan.
Purihin ka sa iyong makabuluhang mga panulat.
Life is Beautiful, please stop for a while and smell the flowers.
God bless you.
uy kasali ka na rin! yay! goodluck sa atin. hehe..
ganda ng post mo sis! napoint out mo talaga kung gaano kalaki ang naitutulong ng mga OFWs sa Pilipinas.
:D
korek!
big help talaga ang remittances ng OFW sa bansa.
Kung wala nun, bagsak ang business, kahit lugaw lang ang tinda, meron talaga kita.
Salamat sa pag sali ng iyong entry.
Tyak, more will be encourage to join and the judges will deal the hard time to choose from all entries.
All the best for all OFWs!
yehey ate kasali ka na rin...goodluck po:D
It is one of the most positive post na nabasa ko, and I am truly grateful na sumali ka sa PEBA.
More on facts, data's and events, which make it unique.
It explains na ang simula ng lahat ng turing na bayani ang mga OFW ay galing sa mga Pangulo ng bansa, which is revelatory to me, kasi may quote ka ng 3 presidents natin.
Goodluck on your entry!
nakakataas ng balahibo at palakpak sa mga papuri natin sa mga Presidente nagbibigay papuri sa makagong bayani.
Kaya tuloy maraming na rin gustong maging bayani. Kaya marammi din ang gustong pumatay sa mga bayani.
Ang mahalaga naitaguyod ng bawat OFW ang kani-kanilang family at naging bahagi sya ng ikauulad ng bansa.
very nice entry you have here sis.
Good luck and have a nice day!
sana dumami pa ang kagaya mo!!!!
very inspiring post..good luck sa peba!
yes! indeed very inspiring.. napaganda nito..
Congrats for winning the PEBA. Happy new year! You really deserve it! Cheers
Post a Comment