Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, July 23, 2009

Oo Ikaw Nga!

Malapit na ang mahabang exam namin kaya hindi muna masyadong blog hopping...(babawi ako next time guys) . Masyadong TOxic sa skol, kaloka ang sched, and yong dalawang tutee ko ay.... nakakaaliw, sometimes nakakadagdag pagod. Buti nalang makukulit lang pero mababait rin naman.

I'm trying to join Litratong Pinoy, kaya nagsimula na akong mag post ng mga pictures ayon sa tema nila. My first entry was yong previous post kong "tuyo". Nakikisali si ako. Mahilig din naman ako sa mga litrato at tambak na ang picture files sa computers ko. Sana makasali naman at nang mapagsilbihan naman iyong mga anik anik na mga litrato.

Ito nga pala para sa inyo...

inspirational quotes Pictures, Images and Photos

Ingat ka! Ang ginagawa mo sa iba ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Babalik sa iyo ang lahat lahat ng ginagawa mo, madalas nga higit pa nito ang katumbas. Ang lahat ng tuwa, kabaitan at tulong na binigay mo, pati na ang lahat ng luha, pasakit at panloloko ay babalik sa'yo.

Naalala ko tuloy ang tula ni Henry Wadsworth Longfellow, na pinamemorya ng guro namin noon grade 5 kami...ang pamagat nito'y "The Arrow and the Song".

I shot an arrow into the air,
It fell to earth, I knew not where;
For so swiftly it flew, the sight
Could not follow it in its flight.

I breathed a song into the air,
It fell to earth, I knew not where;
For, who has sight so keen and strong
That it can follow the flight of song?

Long, long afterward, in an oak
I found the arrow, still unbroke;
And the song, from beginning to end,
I found again in the heart of a friend.

Parang lahat ng galaw natin ay parang arrow na pinapakawalan natin sa kalawakan. Tayo lang ang may alam kung ang arrow na iyan. Madalas hindi natin nasusundan ang mga pangyayari, madalas nakakalimutan nalang natin ang iba't ibang pangyayari sa buhay natin. Mabilis ang galaw ng buhay eh, pero Long, long afterward,darating din yan. Paano kung kada shot mo ng arrow sa kalawakan, sa'yo rin mahuhulog at ikaw rin ang matutuhog? Ano ang gagawin mo?

"Life is a like a boomerang...you get back what you give "

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

4 comments:

Anonymous said...

oo..karma diba. hehe.

A-Z-3-L said...

i could be wearing an arrow-proof vest! hahahahaha!

seriously, i believe in that. Kung anong ginawa mo, babalik din sayo...

The Pope said...

This is absolutely correct, tulad nga ng lyrics ng isang sikat na kanta, sabi duon

"kung ano ang di mo gusto wag gawin sa iba, kung ano ang iyong inutang ay sya ring kabayaran".

Kapag gumawa ka ng kabutihan sa kapwa, kabutihan din ang iyong aanihin.

Happy weekend.

Francesca said...

life is like a box of chokoleyts also, we never know what we gonna get, unless we look into it and decide for the best.... HAPPY BLOGGING

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...