"There are two ways to live your life.
One is as though nothing is a miracle.
The other is as though everything is a miracle.”
~ Albert Einstein
Hindi palaging masarap ang buhay. Madalas nga, malungkot at masalimoot. Nasa sa atin lang ang pagpili kung magpapatumba tayo ng tuluyan, o' manatiling matatag.
Naaksidente ako kumakailan lang. Nagkapasa-pasa ako at gasgas. Sa lakas ng pagkauntog ng ulo ko, lagpas dalawang araw akong walang malay sa ospital. Nang magising ako, ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga mahal ko sa buhay. Paglabas na paglabas ko sa ospital, tinawagan ko agad sina mama pero hindi ko na pinaalam na kamuntik na akong mamatay. Hindi ko gustong pati pa sila lahat doon sa Pilipinas ay mag-alala ng sobra.
Kung tatanungin ang lahat ng taong nakakilala sa akin ng personal, kung ano at paano ako, nasisiguro kong sasabihin nilang positibo akong tao. Pala-tawa kasi ako, mapagbiro at madalas nagbibigay ng mga positibong opinyon tungkol sa mga bagay bagay. Makikita niyo akong palaging nakasmile at tawa. Pero alam niyo ba, na hindi lahat ng tumatawa ay palaging masaya? Minsan may mga pagkakataong tumatawa ka lang, pero sa ilalim ng iyong isipan at puso meron kang dinadalang kalungkutan.
Sinong mag-aakala na sa likod ng boses kong tumatawa at masayang kausap sa telepono ay dumadaloy ang luha ko sa mata? Naisip ko lang kasi na ang kahalagahan ng buhay at tunay ngang hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o' sa mga susunod pang mga araw. Naisip ko paano kaya kung hindi na ako nagising sa ospital? Paano kung tuluyan akong nawala? Namatay lang akong hindi ko man lang kasama ang mga mahal ko sa buhay. Nawala lang akong hindi man lang sila nasilayan ulit. Ano kayang nangyayari kung nawala ako? Dito ba ako sa U.S ililibing o' iuuwi ako sa Pilipinas na nakakahon? Naku, marami pa....maraming-marami pa.
Kaya umiiyak ako habang kausap ko sila. Pinagpapasa pasa ko ang telepono. Sinadya ko talagang huwag mag instant messenger at mag webcam dahil baka makita pa nila akong nasasaktan, malulungkot lang sila. Nasabi ko lang na naaksidente ako, pero okay na ako. Yun lang. Tama na ang impormasyong iyon para wala nang mag-aalala.
Dahil sa nangyari, nagsulat ako sa notebook ko ng mga mahahalagang bagay. Parang "will". Tapos sabi ko sa kasama ko sa bahay, kung saka sakaling may masamang mangyari sa akin, hanapin ang notebook na iyon sa cabinet ko at lahat ng kakailanganin nilang impormasyon ay naroon.
Kapag nandoon ka na sa puntong konti nalang ang kulang at tuluyan ka nang mamamaalam sa mundo, magiging payak ang pananaw mo sa buhay. Doon mo makikita at malalaman alin at sino ang mas mahalaga sayo kasi iyong ibang mga bagay hindi mo na maiisip.
Paminsan-minsan kapag ako nalang mag-isa. Wala nang kausap, at payapang nagmumuni-muni, binubusog ko nalang ang sarili ko ng masasaya at positibong pananaw, ng pag-asa, ng paniniwalang marami-rami pang milagrong darating ang ipagkakaloob ng Panginoon sa buhay ko. Sinisiguro kong sa bawat araw ay masabi ko ang mga bagay na dapat kung sabihin at ibig kong iparating. Sinisikap kong tapusin ang mga bagay na dapat kong tapusin araw-araw. Sinisikap kong mamuhay sa araw araw na para bang ito na ang aking huli dahil alam kong lahat tayo walang alam ano ang mangyayari bukas. Mahirap. Lalo na malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Tumatawag ako, nag-iiwan ng mensahe, nagt-text. I love you dito, iloveyou doon kahit sa mga friends ko. Dati na naman akong vocal, hindi ako nahihiyang magpahayag ng damdamin pero lalo na ngayon. Kahit medyo may tampo ako sa iba, basta sinasabi ko mahal ko sila.
Gusto kong paniwalaan ang sinabi Albert Einstein. Kung dalawa lang ang pagpipilian, siyempre dun na ako sa mamuhay ng parang milagro araw-araw, para mas may kabuluhan ang buhay at patuloy na may saysay. Magalak na tayo at buhay pa. Ibig sabihin, nandoon pa ang pag-asa. Di ba?
10 comments:
hey lab 'ur post... i guess yeah itz really true everythin' happens for a reason... maybe dat accident happened to you for a reason... para mas makitah moh ang mga miracles around you... how wonderful life is... how blessed you are.. and how amazing God is.... 'ur still alive kc may mission kah pah sa mundong itoh... and maybe God still gonna use yah to touch people lives... kahit man lang dyan sa story moh... and even dyan sa simpleng pagkwento moh sa blog moh about wat happened to yah made a difference nah... 'cause it definitely made a difference to meeh... medyo lately kc i was kinda lost and i thank Him kc i found my way back to Him... syempre dehinz pa ren perfect i still have a lot of weaknesses... pero when i am weak nga daw He is strong... i juz trust Him w/ everythin'... great blog palah... hope i can visit here again laterz... kinda takin' some time off online for now so i can spend more time w/ Him and my life... take care of 'urself... SSshhhHhh lang na dumaan akoh ditoh.. wehe... so yeah.. take care... Godbless! -di
be thankful that all is well!
yes, life is full of miracles! we should always be grateful for all that is coming into our lives...
pray hard... even harder!
ilove the pix. po ate..mahilig din akong kumuha ng mga picture lalo na ung mga kakaibang pix. and magandang scenery..kaya lang aun nasira ung phone ko haiiist..
and ilove ur post din poh ate..super ganda ng laman..
tama ka nga poh..kailangan lang po natin maging matatag at wag kakalimutan si god..
and im glad to hear from u na your okay na..
haiii ako nga ngaun..parang ewan ko im so confused..parang minsan parang tinatamad na ko sa life ko..haii ewan ko nga eh its weird po tlga..haii para kong may mabigat na dinadala sa dibdib ko na hindi ko naman matukoy kung ano ba talga un..haiiiiiii..
super simple po ng blog mo ate..pero napaka-ganda ng mga laman..may sense..di tulad nung sken hehe puro ka-artehan lang..hehe aun po ingat po ate..
ahmm ate na lang po tawag ko sau ha..ok lang po ba un?
napansin ko din po, andito din pala si sis dhiiiii,
SIS DHIEE I MISS YOU NA POH.
MWAH
wow, napakagandang post :)
Tama ka, habang may buhay, may pag-asa.. ^_^
nice pic...waaahh, inggit ako...
alam mo ba isang oras ako ikot ng ikot sa lugar namin nung isang araw, finding for something...anything na pwedeng kunan pero waaahhh umuwi akong luhaan ate... hehehe
Nice post... Parang Faith booster. =)
curious lang ako, ikaw ba kumuha nung picture? san mo kinunan yan?
tama kung ngang mga ibon binibigyan ng pagkain ng Diyos tayo pa kayang mga tao dba.
muntik na rin akong mamatay nun,maswerti tayo bnbgyan tayo ng ikalawang buhay ng Diyos,
tama ang cnbi mo gnun dn ako mnsan,tumatawa pero lumuluha ang puso,hehe
@ DHIANZ
Thanks Dhianz!
@ AZEL
yup! life is beautiful pa rin...mas na now.
@ SHELOVESYOU
just pray, mawawala iyang bigat sa dibdib na dinadala mo
@RAULXHIKKI
OO pag nawala yun, wala nang halaga ang life.
@DETH
kung ano-ano lang kinukuhaan ko ng pic deth. Dami natambak sa pc di pa naupload. kahit ani pinagt-tripan.
@GORYO
sa tabi ng Lake Oliver yan Goryo, sa may Columbus, Georgia
@HARI NG SABLAY
Ganun talaga ang life. di bale, ang importante, nandito pa rin tayo, nakatayo. Mas lalong nagiging matatag.
ang buhay laging may pagsubok bing always pray lang
pero hanga ako sa way ng pagsasalita mo dito sa blog mo.
magaling ka rin magsulat god bless
Hello again. Hindi mo pa ako kilala, pero I am impressed on how you wrote this truth. I am glad you're fine. My family and I had a car accident too last January 09, but luckily none of us were hurt, but again, katulad ng sinabi mo, mas nag-alala kami tungkol dun sa mga naiwan namin sa Pinas. Paano kung ganito, paano kung ganun? Actually, what I felt then was, God is in control, only Him. If he decided to take me, He can do it without a doubt. Ang tanong ko lang sa sarili ko, handa na ba ako? at nagawa ko na ba ang responsibilidad at misyon ko dito sa lupa?
More power to you!
Post a Comment