Natawa ako dun sa sinabi ni Juana Change na; "maraming isnabera dito" dahil dito sa kung nasaan ako, TOTOOng maraming isnaberang Pilipina. Minsan nga, kahit kayong dalawa nalang ang nag-uusap, tapos kausapin mo ng tagalog mageenglish pa rin. Akala mo, nakalimutan nang magtagalog, baka nasanay na sa english. Pero tanungin mo naman kung matagal na ba siya dito, ang sagot mga ilang buwan pa lang o' kaya taon. Hehehe. Kung pakikinggan mong mabuti ang sinasabi.... Awwww! Wala na akong sasabihin. Haha.
Hindi ko sinasabing lahat, dahil marami-rami pa ring nanatiling friendly at nakikisama ng maayos.
Tungkol sa hinaing ni Juana Change sa Gobyerno....ahhh, talagang sakit sa ulo ang problemang ito. Kailangan talaga ng isang napakalakas at nakakawindang na sigaw ng mga Pilipino.
Gisingggggggggggggggggggggggggggggggg!
Sana dumating na ang Pagbabago. Nakakasawa na nga marinig ang Sana. Puro nalang sana. Pero ano nga bang magagawa natin? kung alisin natin ang salitang "sana" parang inaalis na rin natin ang paniniwala nating mayroon pang PAG-ASA.( hindi po Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ha!)
2 comments:
tawa nman ako sa video totoo nman yon eh tinira din yung babaeng nanlait sa mga ofw's haha
OO, makatotohanan naman mga pinagsasabi ni Juana. Doon ako natawa sa piKtyuR eh, ang laki nga naman ng ngiti. Hahaha
Post a Comment