Nakakalungkot na masyado ang kahirapan sa Pilipinas. Sa matrapik na daan pa lang, makikita mo ang mga batang pinagnakawan ng kamosmosan, nasa lansangan, namamalimos, natututong magloko, magnakaw, mangupit, umaakting, manloko sa kapwa . Ano ang nangyari sa mga binansagan ni Dr. Jose Rizal na pag-asa ng bayan?
Ang pamilya ang pinakamaliit at pundamental na panlipunang grupo sa lipunan. Dito nagsisimula ang pag-aalaga ng buhay. Nandiyan si nanay, si tatay, at anak o' mga anak. Si anak ang bata, lumaki, nagkapamilya at nagkaanak. Tapos sa susunod na henerasyon, ganun ulit ang takbo ng buhay, hindi man lahat ang nagkakanak, patuloy ang pagsulong ng henerasyon ng tao.
Alam kong walang karapatan ang sino man na manghusga sa kapwa dahil lahat tayo, sagana man ang buhay o' hindi dito sa mundong ating ginagalawan, pantay-pantay tayo sa mata ng nag-iisang Diyos. Hindi ko lang maintindihan kung bakit marami pa ring mga nanay at tatay na lubog na nga sa kahirapan, gumagawa pa rin ng anak...to the maks.
Sabi ng mga depensibong magulang, wala raw tayong pakialam, buhay nila iyon at hindi tayo ang nagpapakain sa kanila. Hanggang kailan ba tayo magbubulag bulagan na ang kanya kanyang kahirapan ay sobrang nakakaapekto sa pag-unalad ng bayan? Nandiyan ang kaawa awang mga walang tahanan at walang makain. Iyong iba nagiging salot na lipunan, umaabuso sa droga para kahit sa ilang oras o minuto man lamang ay makatakas sa hirap at kalungkutan. Iyong iba pa nagnanakaw, pumapatay para mabuhay.
Hanggat patuloy na nag-aanak ng higit pa sa kayang buhayin, pagpapaaralin, at gabayan ng tama, lalo lang lalala ang kahirapan. Kung sa pamilya pa lang, may kakulangan na ng mga karaniwang bagay tulad ng pagkain, pananamit, tirahan, ligtas na inuming tubig, at ang lahat na ng kailangan sa pang araw araw na pamumuhay, ang kalidad ng buhay sa pakikipagsalaran sa lipunan ay mas mahirap na, kumpara sa ibang pamilya. Maraming mga pag-asa ng bayan ang hindi nabigyan ng tamang edukasyon na siyang isa sa mga pinakamahalagang paraan sa pagtakas mula sa kahirapan.
Maraming mga pilosopo ang nagsasabing hindi na sila mag-aaral dahil marami rin namang nakapag-aral ang walang trabaho at mahirap pa rin.
Bagamat may katotohanan din ang salitaing ito, huwag nating maliitin ang dulot ng ibayong pag-aaral lalo't higit natin itong kailangan ngayon sa naghihingalong Republika ng Pilipinas. Bitbit ng mga nakapag-aral ang mas maliwanag na pag-asa. Sabi nga, ang katalinuhan ng tao ay hindi nananakaw ninuman, hiwain man ang ating mga ulo at pagtatadtarin ang ating utak, mamamatay tayong bitbit ang ating kaalaman.
Palaki ng palaki ang numero ng ating populasyon kada taon, hindi naman lumalaki ang area ng lupa sa Pilipinas. Pasikip ng pasikip, patrapik ng patrapik, pahirap ng pahirap.
Nasaan na ba ang ating mga "sintido common"? Bawat isa sa atin ay mahalaga sa kaunlaran ng bayan. Lalo na ang bawat pamilya na pundasyon sa lipunan. Ang mga nanay at tatay ang nag-aaruga, gumagabay at nagpapalaki sa mga pag-asa ng bayan. Nasa kanila ang mahalagang susi ng pagpapabuti sa pamumuhay lalo na sa mga susunod na henerasyon.
Ibuhos po natin ang ating pagmamahal sa kapwa at maging responsableng mga magulang po sana tayo. Huwag sana tayong mag anak ng anak... To The MaKs. Kawawa naman ang mga bata. Kung mahirap lamang kayo, gusto mo bang maranasan din ng anak mo ang kahirapang pinagdaanan mo?

2 comments:
http://myorangevest.blogspot.com/2009/06/bawat-matanda.html
nakikiisa ako sa damdamin mo..
according to Sigmund Freud (tama ba spelling) one of the basic need of men is sex...that explains kung bakit nangyayari ang lahat.
kung ang mga taong binabanggit mo eh kapos sa pambili ng sapat na pagkain, mas uunahin pa ba nila ng pills o condom bago bumili ng monay?
Post a Comment