Noong nakaraang lingo, may nakita akong video na nagtuturong magluto ng Pininyahang manok. Nilista ko ang mga sangkap para mabili ko ang mga kulang. Hindi ko napansin na kailangan din pala ng Patis. Pinagsasabay sabay kasi ang gawain, multi-tasking, ayon nabingi yata ako at hindi ko narinig ang Patis. Binili ko ang mga sangkap at nagluto na nga ang kawawang bata.
Bitbit ko pa ang laptop sa kusina, pinanood ko iyong video at sinabayan ko sa pagluluto. Pause muna kapag nabibingi na naman o' nabibilisan. Tapos biglang sabi ng nagtuturo sa video; "Ang panimpla po natin...patis lang"
Minagic ko nalang, nilagyan ko ng konting toyo at rice vinegar. Syempre iyong ibang sangkap pa ayon kay Kuya Chef (iyong pinoy sa video na nagtuturo). Hindi ko alam ano ang pangalan niya.
Tinikman ko na. Aba! milagro, masarap pa rin. Medyo oily ng konti kasi yong chickeen ko may skin pa, dapat konting oil lang nilagay ko pero pwedi na rin. Masarap din naman. Unang subok ng pininyahang manok => Pwedi na (+80 points)
Habang hinihintay kong maluto ang magic pinanyahang manok ko, nagbasa pa ako online at ayun! Patis, fish sauce. Ay sus! Fish sauce lang pala ang english ng Patis. Hindi kasi mahilig ng patis si mommy sa bahay. Siguro meron din kami niyan dati, baka bisayang name lang kaya hindi ko alam. O talaga lang wala akong pakialam sa kusina dati. (Either...or. )
May mga patis sa Asian store dito. Kahapon namalengke ako, bitbit ko na ang fish sauce. Kailangan kong subukan uli para perpek ang lasa. Ako lang din naman mag-isa ang kumakain kaya wala rin namang magsusumbong sa pulis.
9 comments:
habang nagbabasa, gusto na kitang sabihan na "fish sauce, fish sauce" pero alam ko namang makikita mo rin yun eh, heheheh...
wow mukhang masarap to ah, matry nga din yang pininyahang manok...
Oo nga eh..magaling lang kasi kumain. Buti nalang hindi nagbabasa si mommy dito, pahiya ako. Hikhikhik.
the best ang lutong pinoy.. bigla akong ntakam sa pininyahang manok.. haha.. nmiss ko kmaen nian.. :D
sumisigawna ko dito ng FISH SAUCE.. kaninang kanina pa!!!!
next menu: beef stroganoff!!! google it!!! hahahahaha!
Hehehe :D Kagabi lang nasa grocery store ako, hanap ako ng soy sauce...may lumapit sa akin foreigner, tanong nya sa akin kung ano raw ung Fish Sauce at tulungan ko raw sya hanapin kung saan nakadisplay yun...buti na lang alam ko lolzz
Masama nga lang, ang naituro ko eh "Chilli Patis" lolzz
@ NIC
Masarap yan, madali lang lutoin. Fed-ex ko nalang yong share mo..hahaha.
@ A-Z-E-L
Hinay hinay lang sa sigaw, mamaos ka niyan. Hiya ako, patis lang hindi alam. Magbibingi-bingihan nalang ulit.
@ LordCM
Maganda pala ikaw kasabayan ko mag grocery. Hindi kaya uusok tenga nung foreigner? Hehehe.
bing pakain na lang ako hehehe
luto ko mismo hindi ko makain.
@ JETTRO
Oo bah! padala ko Fed Ex next time, pagdating jan panis na. Hahaha.
impernes bing, mukha naman siyang pininyahang manok.
dahil trip ko talaga ang magluto, patis ang lagi kong panimpla, may distinct pinoy toouch kasi ang patis sa lutong pinoy.
pero kung walang patis, pde nang pamalit ang asin basta make it sure na lalagyan mo rin ng betsin kasi medyo plain na plain ang alat ng asin eh.
sige nga ano ang next recipe natin dyan?
Post a Comment