Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, June 25, 2009

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

pagkaing pagpag, pag-pag
Nagulat ako at naawa nang makita ko ang videong ito. Ito ay bahagi ng katotohanan at isa sa mga salamin ng kahirapan sa Pilipinas. Medyo napa smile lang ako ng bahagya nang makita kong nakatawa pa rin at masasaya ang mga tao sa video. Mabuti nalang likas tayong mga Pinoy na masayahin at mapagbiro. Mas lalo tayong nagiging matibay sa buhay dahil sa kagawiang ito.

Hindi ko rin alam ano ang pagkaing pagpag. Ni hindi ko pa ito narinig dati. Dito ko na lamang sa video nalaman. Sa nalalapit na eleksyon, sana ang nasasalaming kahirapan ng videong ito ay masama sa isipan at adhikain ng mga gustong maglingkod sa bayan.

Ito ay video ng Sine Totoo ng GMA. E-play po lang po ninyo. Pakinggan pong mabuti ang sinasabi sa pinakadulo ng video at naway maging gabay natin ang mga binigkas na salita ni Hawie Severino.

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

4 comments:

Anonymous said...

hmmm.. kakaiba to ha.

at least alam naman ng mga customers. kakatuwa sila. talagang pride nila ang pagpag.

kahirapan ng buhay talaga..

gumawa na ng aksyon!

2ngaw said...

Hindi na mawawala sa atin yan hanggat may mga pasaway na pulitiko...

Hari ng sablay said...

tlgang pinapagpag lang,hehe dami tlgang makikita sa basura hindi lang pera

ROM CALPITO said...

kaawawa tlaga ang mga kababayan ntin nagbubulag bulagan lang nman ang mga namumuno sa atin.

sabi nila mgaling ang pinoy bkit ang bansa natin naghihirap smantalang puro pinoy ang humhawak.

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...