Gusto mo, ayaw mo. Magulo. Minsan ayaw mo na talaga, nakakapagod din kasi ang umunawa at palaging nagpapakumbaba. Minsan naman gustong gusto mo pang ipaglaban at ipakita sa iba na nalampasan mo ang bagyong pilit na nagpapatumba. Kaya nga lamang, hindi lang naman ikaw ang pinagkukunan ng lakas. Paano kung ikaw lang ang matapang? paano kung ang isang panig ng partidong nasa kabilang bahagi ng mundo ay bulagta na sa lupa, mahinang mahina at nawawalan an rin ng pag-asa?
Minsan magtatanong ka sa iyong sarili, kaya mo pa ba puso? Kakayanin mo pa ba? Hanggang saan ang iyong pasensya? Hanggang kailan ang iyong tatag?
Punong puno ng katanungan ang iyong isip. Mga tanong na hindi agad masasagot ng panahon. Punong-puno ng kirot at pait, mga sugat na hindi agad mapaghilom ng panahon. Kung wala ang salitang "maybe" o' "baka", paano pa kaya magpapatuloy ang puso na makibaka at makisakay sa agos ng buhay? Totoo ngang ang pag-asa nalang ang tanging pag-asa para bumangon at makisaya, ipagpatuloy ang buhay.
Magpakatatag ka puso. Darating din ang araw na mauunawaan mo at magiging malinaw sa iyo ang lahat. Mabait ang Panginoon. Kahit kailan naman hindi ka Niya pinabayaan. Sige lang...antay lang...Sasaya ka rin ulit. Hindi nga ba palaging may isang bahaghari pagkatapos ng ulan?
4 comments:
kinda deep but nice.. hehe!! :)
like it!
kip posting!
bebing,
yap tama ka.. lilipas din yan at darating ang para sa iyo diba arvin???
nice post baka ma inspire si arvin hehehhe
ching
ganda naman ng post mo,usapang pag-ibig.
sabi nga nila...
...its a matter of how u stand up when u fall...
Post a Comment