Maghanap sa loob ng box
Custom Search
Sunday, June 21, 2009
Mamuhay ng may Kabuluhan
Handa na o hindi, darating ang araw na ang lahat ng ito ay matatapos. Hindi na sisikat ang araw, walang minuto, oras o' linggo. Ang lahat ng mga bagay na iyong inipon, pinahalagahan man o' kinalimutan, ay maipasa sa ibang tao.
Ang iyong kayamanan, katanyagan at kapangyarihan ay pilipisang matigang sa kawalanng halaga. Hindi mahalaga kung ano ang iyong paga-ari o' kung ano ang iyong taglay. Ang iyong poot, galit, inggit, sisi at pag-aalinlangan ay tuluyang mawawala.
Maging ang iyong inaasahan, mga ambisyon, plano, at mga nakalistang gawin ay lilipas. Ang lahat ng tagumpay at pagkatalo na minsan ay mahalaga sa'yo ay maglalaho.
Hindi mahalaga kung saan ka nagmula. Hindi mahalaga kung ikaw ay maganda o' hindi, may kislap o' wala. Kahit na ang iyong kasarian at ang kulay ng iyong balat ay walang saysay.
Ano ang mahalaga? Paano susukatin ang kahalagahan ng natitira mong mga araw?
Hindi ang mga bagay na iyong binili, kundi kung ano ang iyong binuo; hindi kung ano ang meron ka, kundi kung ano ang iyong ibinigay.
Hindi importante ang iyong tagumpay, kundi ang iyong kabuluhan.
Hindi importante kung ano na iyong mga natutunan, kundi kung ano ang iyong mga itinuro.
Ang mahalaga ay ang iyong bawat pagkilos ng may integridad, pakikiramay, tapang o' pagpapakasakit na magbibigay inspirasyon, kapangyarihan at paghihikayat sa iba na tumulad sa iyong mga halimbawa.
Hindi mahalaga ang iyong mga kakayahan, kundi ay ang iyong katangian,
Hindi mahalaga kung gaano karaming mga tao ang kilala mo, kundi kung gaano karami ang mangungulila at manghinayang ng iyong pangmatagalang pagkawala kapag ikaw ay hindi na makikita.
Hindi mahalaga ang iyong mga alaala, kundi ang mga alaala na maiiwang buhay sa mga taong nagmamahal sa'yo. Ang mahalaga ay kung gaano ka katagal na maala-ala, kung sino at sa kung ano.
Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay hindi aksidente. Ito ay hindi isang bagay na bigla na lamang dumating o' mangyayari. Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay isang bagay na ating pinipili.
Piliing mamuhay ng may kabuluhan.
Labels:
Mga muni-muni
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Follow
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Happy 2018
Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...
-
I love this Catholic Cebuano song about Santo Nino. Ito iyong Grand Prize winner ng 2009 sa 3RD HUNIÑO-Huni Halad Kang Señor Santo Niño De C...
-
Hindi Ako Busy. Itong mga libro lang naman ang pinagkakaabalahan ko at ang trabaho. Aral dito aral doon, trabaho dito trabaho doon, at panak...
-
Madalas kong mamiss ang lutong Pinoy. Dahil dito, kapag may nakikita akong mga Filipino recipes, sinusubukan ko ito. Sa Pilipinas, sanay ako...
1 comment:
wow una ako hehehe
Mamuhay lang ng tama yun bang walang tinatapakang tao.
Walang inaapi, walang pinaiiyak
basta may konting pera lang ok na sa akin.
Post a Comment