Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, May 28, 2009

Ang Mahiwagang iPhone Earbuds

Mahilig ba kayong makinig sa musika? Isa ka ba sa mga nilalang na palaging mag nakakabit na earbuds sa tenga habang naglalakad, o kaya may ginagawa? Gusto mo na ba ng bagong earbuds? Ito nalang bilhin mo o...ito ang tinatawag kong mahiwagang iPhone earbuds.

Bakit mahiwaga? Kasi nahihiwagaan ako sa presyo. Nilalagnat ako sa presyo niya. Itong iPhone/iPod Touch earbuds na ito ay nagkakahalaga ng $3499. Hindi po mistype yan. Dollars po talaga. Juice ko day! ilang sakong bigas na ba mabibili ng halagang iyan? Ilang beses na bakasyon na ito kasama ang mga mahal sa buhay! Kahit pa siguro kung mayaman ako...kung lang naman... hindi yata ako bibili nito. Bakit mahal? Well, wala siyang ibang specialty, maliban nalang sa mga 14 K white gold diamonds.

Pero sa mga mayayamang trip ito. Why not? Bahala na kayong gumastos sa kayamanan ninyo. Sana lang maisipan ninyong mag donate din sa mga foundations o' kaya mamigay nalang sa mga less fortunate. Marami nang tiyan ang mabubusog sa halagang ito. At maraming nang mga libro, lapis at papel ang mabibili. O kaya tsinelas at uniporme.

Anyways, baka gusto niyong bumili nito para sa sarili ninyo o' kaya regalo sa mahal niyo sa buhay, punta lang kayo sa Ebay. Click niyo nalang ang link. At kung hindi niyo type ang magkabit ng earbud sa dalawang tenga, handa po akong tumanggap ng isang earbud na iyan, putulin niyo na lamang po at ipadala sa akin. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Kahit ako'y napipilitan lamang .

Sa mga lalaking matagal tagal nang nanliligaw at hindi pa rin sinasagot, baka gusto niyong regaluhan ang sinisinta ninyo (sinuswerte?). Hindi lang ako sigurado kung magiging swerte sa iyo ang mahiwagang earbuds na ito. "Baka" lang naman... Baka din ito ang magiging rason para lalo kang hindi sagutin. Baka sabihing binibili mo na siya. At kung sagutin ka nga dahil sa mahiwagang earbuds na ito, sasaya ka nga kaya?

Sa mga babae namang gustong magpabili ng kanilang mga asawa o' kaya nobyo, dahan dahan lang po tayo, huwag nating pilitin si fafa lalo na kung kayo'y nagc-celebrate ng inyong anibersaryo. Baka yan na ang magiging pinakahuli ninyo.

Tanong lang: Kung ikaw ay may $3500, bibili ka ba nito? Para kanino naman?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, May 27, 2009

Aral Muna Bago Blog

Hindi Ako Busy. Itong mga libro lang naman ang pinagkakaabalahan ko at ang trabaho. Aral dito aral doon, trabaho dito trabaho doon, at panaka-nakang blog hopping. Yay! kapagka nagbabasa na ako ng mga blogs at nakiki comment na, hindi ko na namamalayan ang oras. Napapasarap sa harap ng computer. Kaya naman habang nasa matinong pag-iisip pa ako, sinasantabi ko muna ang blogging at blog hoping. Saka na ako nakikigulo kapagka tapos na akong mag-aral. Mahirap mag-aral kapag matagal tagal nang wala sa eskwela. Hay naku! kinalawang na yata ang utak ko. Akalain mo ba naman. Matagal na akong tapos maging estudyante noh! parang nakalimutan ko na kung paano.

Parang naririnig ko ang tunog ng kanta ng APO Hiking Society na nagsasabing:

"kayod...kayod...kayod"


Iba nga lang ang wordings.

Aral...aral...Aral!



Pagkakita ko sa isang aklat na hiniram ko sa library Medical Terminology made Incredibly Easy. Napaisip ako. Meron nga kayang Easy Way? Ayokong isiping mahirap baka mas mahirapan lang ako. Easy..easy..easy. Relaks...Mag BLOG. Hahaha! Nakakaaliw kasing mag blog.

Iyong ibang aklat na walang tag, akin yan, pinag-aaralan ko ulit. Hinugot ko pa yan sa Bookshelf ko. Tagal na niyang namayapa eh.

Six ako nang mag grade one.
Nineteen nang matapos sa kolehiyo.
Twenty nang maging lisensyadong ______ (hulaan mo kaya?)
Twenty-one nang magsimulang magtrabaho sa tinapos kong kurso.
Twenty-two nang maging estudyante ulit para masteral (kuno), sabay patuloy sa pagt-trabaho.

Ngayon estudyante ako ulit. Nakakakaba dahil ibang Kurso, ibang mga tao, ibang salita...ibang planeta.

Kaya ko 'to. Kaya ko nga kaya?
Kakayanin ko 'to.
Kayanin ko nga kaya?

Ah! Basta ...bago pa ako malito, o' mabaliw. Kailangang isigaw ang malakas na malakas na............

Kayang kaya ko 'to!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Sunday, May 24, 2009

Cheesecake Tayo

cheesecake-strawberry
Cheesecake with Strawberry

Kain tayo! Ito ang aking matamis na cheesecake na nilagyan ko ng mga preskong strawberry na kuha ko sa garden. Ngayong taon ko lang tinanim ang strawberry ko at ayun, marami nang bungang binigay sa akin. Hindi ko nga tinamin kasama sa mga gulay dahil maliit lang yong taniman ko ng gulay. Plano ko pang lakihan next year. Tinanim ko lang ang strawberry sa isang napakalaking paso, katabi ng mga paso ko ng maliliit na kamatis na pang salad (cherry tomatoes) at malalaking kamatis (better big boy) pang sandwhich.

Masarap kumain ng cheesecake habang nanonood ng palabas o' kaya nagpipindot pindot sa computer (katulad nalang ng ginagawa ko ngayon...TV at PC). Ayos!

Ang totoo nakakapraning din. Bored. Ulan, hindi magandang lumabas at maglakwatsa. Bukas holiday..sana wala na munang ulan para pwedi nang gumalaw ng maayos sa hardin o' kaya mamili sa malls. Ayoko kasing magdrive kapagka ulan. Mas nakaka-kaba lang.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Saturday, May 23, 2009

Himig ng Ulan

Ulan ng Ulan. Ilang araw na itong ganito. Parang sinasabayan ng langit ang nararamdaman kong kalungkutan. Ito yata ang paraan ni Lord para iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa at alam niya lahat ng aking pinagdadaanan. Masaya na rin ako kahit papano, naging payapa ang kapaligiran at tanging ang bagsak lang ang aking naririnig. Nakakatamad ang araw. Ang dami dami kong librong nakatambay at naghihintay lang na basahin. Hindi ako makatulog, sa dami ng inaalala ng isipan.

Paglipas ng ilang oras, napansin ko na lamang na nanonood na pala ako ng palabas sa TV hanggang hindi ko na namalayang naanod na rin pala ako sa estorya ng pelikula.

Ang dami kong pinanood na palabas. Hindi kasi pweding mag anik anik sa garden kasi nga ulan. Sabagay, nakapagmuni muni rin ako dahil dito. Masarap kasi pakinggan ang himig ng ulan.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, May 18, 2009

Ha Walang Oras?

Bakit kaya palagi nalang akong nauubusan ng panahon? Walang oras magsaya, walang oras manood ng TV, walang oras makitsika...et cetera. Totoo nga kaya ang sabi ng Ponsoy na hindi mabuti ang magkaroon ng maraming orasan sa bahay o kaya relos dahil pakiramdam mo daw palagi ay wala ka nang oras. Palagi kang busy at may hinahabol na mga schedules ng kung anik anik. Sa inis ko binilang ko talaga ang lintik na mga orasang ito. Siyam. Siyam na maiingay na orasan, hindi pa kasali ang mga appliances na may makikitang oras, kagaya ng DVD players, oven, computers at iba pa. Nakakaloka!

Gusto ko nang itapon tong mga orasan sa bahay nang di na mapagsilbihan. Itong kasama ko sa bahay gusto yata bawat lingon niya, alam ang oras. Totoo nga siguro ang sabi ng Ponsoy kasi para nakong nasasakal sa dami ng gawain. Wala na hinahabol palagi ng kung ano anong kailangang gawin. Pwedi kayang humiga lang ng isang boong araw at bumangon lang para kumain? Nakakainis na ang dami daming kailangang gawin. Nakakapressure!

Trabaho, aral, gawaing bahay,,hayyyy puro double time. Pressured na nga siguro akong masyado. Mukha na akong tanga na sinisisi ang mga walang kamuwang muwang na mga orasan. Mukhang mababaliw na yata ako nito. Hahaha.

Hay nakuuuu...Kung bakit nga naman napaka busy ng buhay!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Sunday, May 17, 2009

When Love and Hate Collide

After 6 months, I thought okay na ako. Hindi pa pala. Ouch! This song is KiLLiNg me. That's how I knew na hindi pa ako okay. Darating din ang araw na hindi na niya ako mapapaiyak, hindi na niya ako masasaktan at hinding hindi na ako maaabala ng kanyang ala-ala. God, Fast forward na please.

Video: Def Leppard - When Love And Hate Collide


Def Leppard - When Love And Hate Collide lyrics


You could have a change of heart, if you would only change your mind
Instead of slamming down the phone girl, for the hundredth time
I got your number on my wall, but I ain't gonna make that call
When divided we stand baby, united we fall

Got the time got a chance gonna make it
Got my hands on your heart gonna take it
All I know I can't fight this flame
You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby, time after time

Without you
One night alone Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone
Without you
Can't stop the hurt inside
When love and hate collide

I don't wanna fight no more, I don't know what we're fighting for
When we treat each other baby, like an act of war
I could tell a million lies and it would come as no surprise
When the truth is like a stranger, hits you right between the eyes

There's a time and a place and a reason
And I know I got a love to believe in
All I know got to win this time

[Repeat Chorus]

[SOLO]

You could have a change of heart, if you would only change your mind
Cause I'm crazy 'bout you baby...Crazy...Crazy

Without you
One night alone
Is like a year without you baby
Do you have a heart of stone
Without you
One night alone
Is like a year without you baby
If you have a heart at all
Without you
Can't stop the hurt inside
When love and hate collide

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Sunday, May 10, 2009

Oy Nagbago Na Ako

Yup Yup! Nagbago na ako. Nagbago na ako ng blog template. Hahaha. (Kala Niyo Ano noh?) Kasi naman malas yata yong template ko dati, mukhang mismatch sa aking mood. Aba! palaging sad ang lola niyo dun. Parang gugunaw na ang mundo. Now that i'm also going through a certain transition something, nagpalit nako. Baka ma boost naman ang positivity ko at bumalik ang dating ako. Matagal na kasi akong hindi nagcry-cry because of el Ow vi ey! 9 years! 9 freaking years mga tsong, sinayang lang sa isang iglap. Hayz! Di ko na habaan ang post ko na ito kasi baka ma HB na naman ako. Hahaha!

Sasaya pa kaya ako?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, May 7, 2009

Ika Pito Ng Mayo

Dati, ang saya saya ko kapag dumating ang araw na ito. Isa yata ito sa pinakamasayang araw ng taon, maliban sa pasko at pasko ng pagkabuhay kung saan sabay tayong gumigising ng maaga, para magsimba at makikanta. Kapagka dumating ang ika pito ng Mayo, napakasaya ko. Mas masaya pa ang pakiramdam ko kaysa araw ng birthday ko. Bakit kamo?

Dahil Birthday mo.

Ganun ka kaespesyal sa akin na kapag ka ika pito ng Mayo, sabay tayong magsimba, at habang nasa tabi kita, pinapanalangin ko sa Panginoon na bantayan ka palagi at pagpalain. Halos lahat ng dasal ko para sayo. Mas iniisip pa nga kita kaysa sa sarili ko. Ibinilin pa kita kay Sr. Santo Nino.

Ngayon, ika pito ng Mayo, hindi ako masaya. Nalulungkot ako at nasasaktan habang ina ala-ala ko ang mga nakaraan. Kung gaano ako kasaya noon, ganoon din kalalim ang kirot. Pagod nakong umiyak. Ayoko nang umiyak. Sawa nakong umiyak. Imbes na tawa at halakhak ang dala ng ika pito ng Mayo, wala akong ibang nararamdaman kundi ang bigat sa dibdib.

Wala ka na kasi. Hindi na kita maramdaman. At iniwan mo lang ako...

Ng walang paalam.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...