Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Monday, May 18, 2009

Ha Walang Oras?

Bakit kaya palagi nalang akong nauubusan ng panahon? Walang oras magsaya, walang oras manood ng TV, walang oras makitsika...et cetera. Totoo nga kaya ang sabi ng Ponsoy na hindi mabuti ang magkaroon ng maraming orasan sa bahay o kaya relos dahil pakiramdam mo daw palagi ay wala ka nang oras. Palagi kang busy at may hinahabol na mga schedules ng kung anik anik. Sa inis ko binilang ko talaga ang lintik na mga orasang ito. Siyam. Siyam na maiingay na orasan, hindi pa kasali ang mga appliances na may makikitang oras, kagaya ng DVD players, oven, computers at iba pa. Nakakaloka!

Gusto ko nang itapon tong mga orasan sa bahay nang di na mapagsilbihan. Itong kasama ko sa bahay gusto yata bawat lingon niya, alam ang oras. Totoo nga siguro ang sabi ng Ponsoy kasi para nakong nasasakal sa dami ng gawain. Wala na hinahabol palagi ng kung ano anong kailangang gawin. Pwedi kayang humiga lang ng isang boong araw at bumangon lang para kumain? Nakakainis na ang dami daming kailangang gawin. Nakakapressure!

Trabaho, aral, gawaing bahay,,hayyyy puro double time. Pressured na nga siguro akong masyado. Mukha na akong tanga na sinisisi ang mga walang kamuwang muwang na mga orasan. Mukhang mababaliw na yata ako nito. Hahaha.

Hay nakuuuu...Kung bakit nga naman napaka busy ng buhay!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...