Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Wednesday, May 27, 2009

Aral Muna Bago Blog

Hindi Ako Busy. Itong mga libro lang naman ang pinagkakaabalahan ko at ang trabaho. Aral dito aral doon, trabaho dito trabaho doon, at panaka-nakang blog hopping. Yay! kapagka nagbabasa na ako ng mga blogs at nakiki comment na, hindi ko na namamalayan ang oras. Napapasarap sa harap ng computer. Kaya naman habang nasa matinong pag-iisip pa ako, sinasantabi ko muna ang blogging at blog hoping. Saka na ako nakikigulo kapagka tapos na akong mag-aral. Mahirap mag-aral kapag matagal tagal nang wala sa eskwela. Hay naku! kinalawang na yata ang utak ko. Akalain mo ba naman. Matagal na akong tapos maging estudyante noh! parang nakalimutan ko na kung paano.

Parang naririnig ko ang tunog ng kanta ng APO Hiking Society na nagsasabing:

"kayod...kayod...kayod"


Iba nga lang ang wordings.

Aral...aral...Aral!



Pagkakita ko sa isang aklat na hiniram ko sa library Medical Terminology made Incredibly Easy. Napaisip ako. Meron nga kayang Easy Way? Ayokong isiping mahirap baka mas mahirapan lang ako. Easy..easy..easy. Relaks...Mag BLOG. Hahaha! Nakakaaliw kasing mag blog.

Iyong ibang aklat na walang tag, akin yan, pinag-aaralan ko ulit. Hinugot ko pa yan sa Bookshelf ko. Tagal na niyang namayapa eh.

Six ako nang mag grade one.
Nineteen nang matapos sa kolehiyo.
Twenty nang maging lisensyadong ______ (hulaan mo kaya?)
Twenty-one nang magsimulang magtrabaho sa tinapos kong kurso.
Twenty-two nang maging estudyante ulit para masteral (kuno), sabay patuloy sa pagt-trabaho.

Ngayon estudyante ako ulit. Nakakakaba dahil ibang Kurso, ibang mga tao, ibang salita...ibang planeta.

Kaya ko 'to. Kaya ko nga kaya?
Kakayanin ko 'to.
Kayanin ko nga kaya?

Ah! Basta ...bago pa ako malito, o' mabaliw. Kailangang isigaw ang malakas na malakas na............

Kayang kaya ko 'to!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

7 comments:

Yodi Insigne said...

Kayang kaya mo yan..
Na prove ko na the best lesson na nakuha ko sa pag aaral e hindi yung na memorize ko yung mga lesson or nag top ako sa exams,
The best lesson is natuto ako ng self discipline and time management.
Kasi in real world, hindi talaga nagagamit 100% yung mga pinagpuyatan nating i-memorize during our school days.
I remember memorizing yung Table of Elements... huh... so damn hard..
Gud luck sa studies.. kaya mo yan..

Hari ng sablay said...

ang sipag mo naman, malayo nga mararating mo.

lisensyadong... nurse?ang kurso ng bayan?hehe

Ching said...

babebibebinggggggggg,

nakita ko sa mga salamin at mata mo ang tagumpay..... yakang yaka yan... hehehe di ako mang huhula ha naramdaman ko lang.....


astig ching

HOMER said...

wow ang galing mo naman... kaya yan nothing beats passion and perseverance.. :)

abe mulong caracas said...

ang dami naman sa mga libro ang hindi ko pagtatangkaang buksan...basta may numero at tungkol sa syensya.

dun na lang ako sa english to the max!

Vivian said...

@Prof. Yodz, salamat. OO nga mahirap ang time managment...lalo na self discipline. Hahaha...sarili ang kalaban.

@ Hari ng Sablay, Ay Mali! papasok pa lang ako sa medical field.

@Ching, nakuuu magdilang anghel ka sana. Kinakabahan ako, tagal na kasi...tapos balik skol.

@Homer, salamat :) kakayanin ko to. Aral at Dasal.

ESugarFR said...

Napaadaan lang po . Kaya niyo po yan . Godbless po .

Ako po , gusto ko maging teacher , or kaya nurse , o kaya librarian . pero gusto ng mga magulang ko kumuha ako ng erlated sa medecine kasi malaki daw sweldo .

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...