Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, May 7, 2009

Ika Pito Ng Mayo

Dati, ang saya saya ko kapag dumating ang araw na ito. Isa yata ito sa pinakamasayang araw ng taon, maliban sa pasko at pasko ng pagkabuhay kung saan sabay tayong gumigising ng maaga, para magsimba at makikanta. Kapagka dumating ang ika pito ng Mayo, napakasaya ko. Mas masaya pa ang pakiramdam ko kaysa araw ng birthday ko. Bakit kamo?

Dahil Birthday mo.

Ganun ka kaespesyal sa akin na kapag ka ika pito ng Mayo, sabay tayong magsimba, at habang nasa tabi kita, pinapanalangin ko sa Panginoon na bantayan ka palagi at pagpalain. Halos lahat ng dasal ko para sayo. Mas iniisip pa nga kita kaysa sa sarili ko. Ibinilin pa kita kay Sr. Santo Nino.

Ngayon, ika pito ng Mayo, hindi ako masaya. Nalulungkot ako at nasasaktan habang ina ala-ala ko ang mga nakaraan. Kung gaano ako kasaya noon, ganoon din kalalim ang kirot. Pagod nakong umiyak. Ayoko nang umiyak. Sawa nakong umiyak. Imbes na tawa at halakhak ang dala ng ika pito ng Mayo, wala akong ibang nararamdaman kundi ang bigat sa dibdib.

Wala ka na kasi. Hindi na kita maramdaman. At iniwan mo lang ako...

Ng walang paalam.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...