Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, April 22, 2010

Out na si Tim Urban

Tim Urban, Top 12 American Idol Party
Antok na antok na ako kagabi pero natapos ko pa rin panoorin ang American Idol. Medyo mahaba ang show kagabi dahil "Idol Gives Back" kasi.

Kala ko pa naman hindi sila magtatanggal ng contestant, pampasaya pero ekkk..sa dulo ng show, out na si Tim Urban. Hindi naman ako big fan ng show, natutuwa lang ako sa batang ito, palaging nakangiti. Kahit minsan medyo masakit na iyong comments ng mga judges, nakangiti pa rin. Nagtaka na nga ang mga judges at minsan tinanong siya sa show bakit lagi siyang naka-smile and napakasimple ng sagot, masaya daw siya na nakasama sa show at kahit pa matanggal, grateful pa rin siya na nabigyan ng chance, dahil sa dami ba naman ng gustong-gusto mapasama, napili siya. Awwwwwwwwww!!!! May happy disposition ang batang ito. Very adorable.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Congratulations ‪‪Nikki Gil‬, ‪BJ Albert‬‬

Congratulations kay Nikki Gil at BJ Albert sa pagdating ng kanilang bagong baby boy na si baby Finn. Ang cute cute ni baby. Ito ang larawan...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...