Thursday, April 22, 2010

Out na si Tim Urban

Tim Urban, Top 12 American Idol Party
Antok na antok na ako kagabi pero natapos ko pa rin panoorin ang American Idol. Medyo mahaba ang show kagabi dahil "Idol Gives Back" kasi.

Kala ko pa naman hindi sila magtatanggal ng contestant, pampasaya pero ekkk..sa dulo ng show, out na si Tim Urban. Hindi naman ako big fan ng show, natutuwa lang ako sa batang ito, palaging nakangiti. Kahit minsan medyo masakit na iyong comments ng mga judges, nakangiti pa rin. Nagtaka na nga ang mga judges at minsan tinanong siya sa show bakit lagi siyang naka-smile and napakasimple ng sagot, masaya daw siya na nakasama sa show at kahit pa matanggal, grateful pa rin siya na nabigyan ng chance, dahil sa dami ba naman ng gustong-gusto mapasama, napili siya. Awwwwwwwwww!!!! May happy disposition ang batang ito. Very adorable.

No comments:

Kamsahamnida Thank You Salamat

Para sa mga gustong matuto ng Korean language.Here's another Korean word.  Memoryado niyo na ba ang " hello " in Korean? Kung...