Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, April 20, 2010

Subuking Sundin: Field Guide To Happiness

Mga ilang buwan na rin nang mabili ko ang aklat na ito (Field Guide To Happiness). Hindi ko matapos tapos basahin at hindi ko masundan ang mga exercises. Ang aklat na ito'y isinulay ni Dr. Barbara Ann Kipfer, author of more than 30 books, including the bestselling 14,000 Things to be Happy About (Workman) and the Page-a-Day calendars based on it. Gusto ko ring bilhin ang dalawang libro nabanggit.

Naisipan ko lang subukan ang mga ehersisyong isinulat sa aklat, wala namang mawawala at tiyak, makakatulong ito sa akin at sa iba pang gustong magbasa at sumubaybay sa mga payo at ehersisyong nabanggit. Ang aklat na ito raw ay nagbibigay ng mga kasangkapan na madaling-gamitin at madaling pamamaraan na makakatulong sa mga mambabasa na "piliin ang kaligayahan" sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Sabi nga naman ng iba, "happiness is a choice" daw. So, siguro pwedi rin nating ikontrol ang ating pag-iisip na mas bigyang pansin ang mga positibong pangyayari sa buhay natin. Ang pagsasagawa ng mga listahan, mapa isip, at journal ay maaring makatulong na itakda ang mga layunin, magbigay-sigla sa iyo, at umudyok sa iyo na makamit ang mga bagay-bagay na magdadala sa iyo kasiyahan. Ang aklat na ito raw ay kagiliw-giliw. Nasa page 11 pa lang ako, pero nag eenjoy akong basahin. At ngayon nga ay babalik ako sa unang exercise para masubaybayan ko ng maayos. Dito ko nalang sa babebibebing isulat ang mga exercises. Kung trip niyo ring sundan, sabay na tayo :) So far gusto ko ang daloy ng aklat, puno ng mga hakbang papunta sa pag-abot sa mga layunin at tulong na magbibigay nga mga bago at positibong direksyon sa buhay.

Sino ba ang ayaw sumaya? Sino ang ayaw magkaroon ng maayos at tahimik na pag-iisip? Wala. Lahat tayo gusto ng kapayapaan at kasiyahan. Masaya naman ako ngayon (Wohooo! napakabuti ni God!!!!) gayunpaman, magbabasa pa rin ako ng aklat na ito. Self-help books are great :)

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

4 comments:

kimmy said...

Ang ganda naman ng post mo. Pero curious lang ako.. kailangan pa ba talaga magbasa ng ganyan para maging masaya? Hindi ba pwedeng 'bilangin na lang ang blessings?' hehe.. Curious lang po.. Ingat palagi!

Vivian said...

Mas madali kung magbilang nalang ng mga blessings natin kaya lang paminsan-minsan kailangan din magbasa ng mga aklat na ganito lalo na kung nasa gitna ng pagsubok ang isang tao. Kung minsan din, kahit happy tayo, kailangan pa rin magbasa para di makalimot maging grateful sa mga blessings na dumarating.

Thanks for dropping by Kimmy :)

Goryo said...

ako pag napapatingin ako sa salamin sumasaya na ako.. Di ko lang mawari kung nakakatawa lang talaga ang karakas ng pagmumukha ko o guwapo ba talaga ako o feeling guwapo lang ako... ahihihi

Labo ko noh?

Vivian said...

Hahaha. Maganda yan Goryo! Gwapo ka kasi kaya masaya ang salamin. LOL

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...