Malapit na ang mahabang exam namin kaya hindi muna masyadong blog hopping...(babawi ako next time guys) . Masyadong TOxic sa skol, kaloka ang sched, and yong dalawang tutee ko ay.... nakakaaliw, sometimes nakakadagdag pagod. Buti nalang makukulit lang pero mababait rin naman.
I'm trying to join Litratong Pinoy, kaya nagsimula na akong mag post ng mga pictures ayon sa tema nila. My first entry was yong previous post kong "tuyo". Nakikisali si ako. Mahilig din naman ako sa mga litrato at tambak na ang picture files sa computers ko. Sana makasali naman at nang mapagsilbihan naman iyong mga anik anik na mga litrato.
Ito nga pala para sa inyo...
Ingat ka! Ang ginagawa mo sa iba ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Babalik sa iyo ang lahat lahat ng ginagawa mo, madalas nga higit pa nito ang katumbas. Ang lahat ng tuwa, kabaitan at tulong na binigay mo, pati na ang lahat ng luha, pasakit at panloloko ay babalik sa'yo.
Naalala ko tuloy ang tula ni Henry Wadsworth Longfellow, na pinamemorya ng guro namin noon grade 5 kami...ang pamagat nito'y "The Arrow and the Song".
I shot an arrowinto the air, It fell to earth, I knew not where; For so swiftly it flew, the sight Could not follow it in its flight.
I breathed a song into the air, It fell to earth, I knew not where; For, who has sight so keen and strong That it can follow the flight of song?
Long, long afterward, in an oak I found the arrow, still unbroke; And the song, from beginning to end, I found again in the heart of a friend.
Parang lahat ng galaw natin ay parang arrow na pinapakawalan natin sa kalawakan. Tayo lang ang may alam kung ang arrow na iyan. Madalas hindi natin nasusundan ang mga pangyayari, madalas nakakalimutan nalang natin ang iba't ibang pangyayari sa buhay natin. Mabilis ang galaw ng buhay eh, pero Long, long afterward,darating din yan. Paano kung kada shot mo ng arrow sa kalawakan, sa'yo rin mahuhulog at ikaw rin ang matutuhog? Ano ang gagawin mo?
"Life is a like a boomerang...you get back what you give "
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
These are some of the songs that we really really like. I meant I. Halos lahat ng kantang naririto ay especial sa aking puso. Naks! These are "our songs" people. If you know what I mean. Hehehe. Naka set po ang player na AUTO-PLAY. Pasensya na po sa mga nasa office na naligaw dito at biglang bagsak ng kanta. Naka set din po ang player bilang RANDOM/SHUFFLE para di paulit ulit ang arrangement ng songs, baka kasi magsawa kayo agad. I'll be adding more songs later.
I will add another set of songs po later, sa baba. Iyong puro tagalog naman. Marami rin kasi akong paborito na mga tagalog. Hehehe. Lalo na iyong mga OPM, iyong mga style ASIN at Sampaguita, APO Hiking Society at Iba Pa. Idadagdag ko iyon, later. GOD BLESS YOU GUYS! eNjoY Our Songs!!!!
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Ang larawan sa baba ay kuha sa gilid ng Chatahochee River, sa may bandang Phenix City, Alabama. Masdan ang tuyong-tuyo na lupa. Ang mga malalaking ugat ng mga punong kahoy ay makikita kapag ang tubig ay mababa. Kapag high tide naman, hindi makikita ang mga ugat na iyan at ang tubig ay halos umaabot na sa River walk side. Buhay po ang mga punong iyan, malalaki at maraming dahon.
Naisip ko lang...Gumagalaw din kaya ang mga ugat na ito kapag kabilugan ng buwan? Yay!
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
E-play ang video sa baba at pakinggan ang mga hinaing ni Juana Change.
Natawa ako dun sa sinabi ni Juana Change na; "maraming isnabera dito" dahil dito sa kung nasaan ako, TOTOOng maraming isnaberang Pilipina. Minsan nga, kahit kayong dalawa nalang ang nag-uusap, tapos kausapin mo ng tagalog mageenglish pa rin. Akala mo, nakalimutan nang magtagalog, baka nasanay na sa english. Pero tanungin mo naman kung matagal na ba siya dito, ang sagot mga ilang buwan pa lang o' kaya taon. Hehehe. Kung pakikinggan mong mabuti ang sinasabi.... Awwww! Wala na akong sasabihin. Haha.
Hindi ko sinasabing lahat, dahil marami-rami pa ring nanatiling friendly at nakikisama ng maayos.
Tungkol sa hinaing ni Juana Change sa Gobyerno....ahhh, talagang sakit sa ulo ang problemang ito. Kailangan talaga ng isang napakalakas at nakakawindang na sigaw ng mga Pilipino.
Sana dumating na ang Pagbabago. Nakakasawa na nga marinig ang Sana. Puro nalang sana. Pero ano nga bang magagawa natin? kung alisin natin ang salitang "sana" parang inaalis na rin natin ang paniniwala nating mayroon pang PAG-ASA.( hindi po Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ha!)
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Kuha ko ang litratong nasa ibaba, nang minsang maglakad-lakad ako sa tabing ilog. Mababaw lang ang aking kaligayahan. Masaya na akong makita ang maliit na punong tumutubo. Kapag ka nakakakita ako ng lumalaking puno naiisip ko ang mommy at nararamdaman ko uli ang "pag-asa" sa buhay. Sabi kasi dati ng mama ko, "kung ang mga ibong lilipad lipad lang at ang mga punong tumutubo lang kung kung saan ay hindi pinapabayaan ng Panginoon, tao pa kayang marunong magsikap at magpursige?" Basta magdasal lang daw palagi.
"There are two ways to live your life. One is as though nothing is a miracle. The other is as though everything is a miracle.”
~ Albert Einstein
Hindi palaging masarap ang buhay. Madalas nga, malungkot at masalimoot. Nasa sa atin lang ang pagpili kung magpapatumba tayo ng tuluyan, o' manatiling matatag.
Naaksidente ako kumakailan lang. Nagkapasa-pasa ako at gasgas. Sa lakas ng pagkauntog ng ulo ko, lagpas dalawang araw akong walang malay sa ospital. Nang magising ako, ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga mahal ko sa buhay. Paglabas na paglabas ko sa ospital, tinawagan ko agad sina mama pero hindi ko na pinaalam na kamuntik na akong mamatay. Hindi ko gustong pati pa sila lahat doon sa Pilipinas ay mag-alala ng sobra.
Kung tatanungin ang lahat ng taong nakakilala sa akin ng personal, kung ano at paano ako, nasisiguro kong sasabihin nilang positibo akong tao. Pala-tawa kasi ako, mapagbiro at madalas nagbibigay ng mga positibong opinyon tungkol sa mga bagay bagay. Makikita niyo akong palaging nakasmile at tawa. Pero alam niyo ba, na hindi lahat ng tumatawa ay palaging masaya? Minsan may mga pagkakataong tumatawa ka lang, pero sa ilalim ng iyong isipan at puso meron kang dinadalang kalungkutan.
Sinong mag-aakala na sa likod ng boses kong tumatawa at masayang kausap sa telepono ay dumadaloy ang luha ko sa mata? Naisip ko lang kasi na ang kahalagahan ng buhay at tunay ngang hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o' sa mga susunod pang mga araw. Naisip ko paano kaya kung hindi na ako nagising sa ospital? Paano kung tuluyan akong nawala? Namatay lang akong hindi ko man lang kasama ang mga mahal ko sa buhay. Nawala lang akong hindi man lang sila nasilayan ulit. Ano kayang nangyayari kung nawala ako? Dito ba ako sa U.S ililibing o' iuuwi ako sa Pilipinas na nakakahon? Naku, marami pa....maraming-marami pa.
Kaya umiiyak ako habang kausap ko sila. Pinagpapasa pasa ko ang telepono. Sinadya ko talagang huwag mag instant messenger at mag webcam dahil baka makita pa nila akong nasasaktan, malulungkot lang sila. Nasabi ko lang na naaksidente ako, pero okay na ako. Yun lang. Tama na ang impormasyong iyon para wala nang mag-aalala.
Dahil sa nangyari, nagsulat ako sa notebook ko ng mga mahahalagang bagay. Parang "will". Tapos sabi ko sa kasama ko sa bahay, kung saka sakaling may masamang mangyari sa akin, hanapin ang notebook na iyon sa cabinet ko at lahat ng kakailanganin nilang impormasyon ay naroon.
Kapag nandoon ka na sa puntong konti nalang ang kulang at tuluyan ka nang mamamaalam sa mundo, magiging payak ang pananaw mo sa buhay. Doon mo makikita at malalaman alin at sino ang mas mahalaga sayo kasi iyong ibang mga bagay hindi mo na maiisip.
Paminsan-minsan kapag ako nalang mag-isa. Wala nang kausap, at payapang nagmumuni-muni, binubusog ko nalang ang sarili ko ng masasaya at positibong pananaw, ng pag-asa, ng paniniwalang marami-rami pang milagrong darating ang ipagkakaloob ng Panginoon sa buhay ko. Sinisiguro kong sa bawat araw ay masabi ko ang mga bagay na dapat kung sabihin at ibig kong iparating. Sinisikap kong tapusin ang mga bagay na dapat kong tapusin araw-araw. Sinisikap kong mamuhay sa araw araw na para bang ito na ang aking huli dahil alam kong lahat tayo walang alam ano ang mangyayari bukas. Mahirap. Lalo na malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Tumatawag ako, nag-iiwan ng mensahe, nagt-text. I love you dito, iloveyou doon kahit sa mga friends ko. Dati na naman akong vocal, hindi ako nahihiyang magpahayag ng damdamin pero lalo na ngayon. Kahit medyo may tampo ako sa iba, basta sinasabi ko mahal ko sila.
Gusto kong paniwalaan ang sinabi Albert Einstein. Kung dalawa lang ang pagpipilian, siyempre dun na ako sa mamuhay ng parang milagro araw-araw, para mas may kabuluhan ang buhay at patuloy na may saysay. Magalak na tayo at buhay pa. Ibig sabihin, nandoon pa ang pag-asa. Di ba?
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
* Upang pahalagahan ang papel na ginagampanan ng mga kapwa ko Pinoy Expats at OFW's sa kabuuang pag-unlad ng ating bansa, ninais kong mag-ambag sa pakontest ng PEBA (Pinoy Expats Blog Award) sa tema na "OFW's/Pinoy Expats: Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo". Napasok pang #20 and entry ko na pinamagatan kong GINTONG MITHIIN.
Mabuhay ang lahat na mga masisipag nating OFW's at Expats!
Nitong mga nakaraang araw lang, sa isang talumpati para sa panlimang Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors Tour (ACGTDT) sa taong ito, na ginanap sa Malacanang's Ceremonial Hall, pinuri na naman at pinasalamatan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga milyon-milyong overseas Filipino workers dahil sa patuloy na pagtulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na ngayong nakikibaka tayo sa pandaigdigang hamon.
Ibinalita ng Presidente na ang remitances ng OFW's noong nakaraang taon ay umabot ng 0.4 bilyon, katumbas ng sampung porsyento ng gross domestic product (GDP).
“So far this year, they are already 2.5 percent higher than last year, thanks to your unswerving dedication, our far-flung heroes,” ang sabi ng Pangulo.
Nakakatuwang malaman na palaki ng palaki ang tulong na naibabahagi ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ating bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking labor service provider sa mundo. Tinatayang may halos labin-tatlong milyong mga manggagawa (o' baka higit pa ngayon) sa ibang bansa na nagkalat sa buong mundo, handog ang kani-kanilang talento, talino, sigasig, pawis at dugo. Maraming OFW's at Expats sa iba't-ibang bahagi ng Asya, Gitnang Silangan, Kanlurang Europa, Amerika at sa malayong sulok ng mundo. Nakikipagsalaran at nagbabakasakali. Bitbit ang mga gintong mithiin. Ang positibong paniniwala, pag-asa, at baong pagmamahal ng pamilya ang siyang nagsisilbing gintong liwanag na umiilaw sa pusong namamanglaw.
Lagpas dalawang dekada na ang lumipas mula nang unang ihayag ng Pangulo ng Pilipinas na ang mga OFW's/ Pinoy Expats ay mga pag-asa ng bayan. Sa isang talumpati, noong 1988, sa isang grupo ng mga OFW's (na dating tinatawag na OCW's - Overseas Contract Workers) sinabi ni Presidente Cory Aquino sa kanila;
"Kayo po ang mga bagong bayani" ♥ .
Ito ay dahil sa hindi maikakailang benepisyo ng dollar remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon, ang mga Overseas Filipino Workers ay kinilalang "Bagong Bayani". Sa katunayan, kabilang sa mga pinaka-publicized ng Administrasyong Aquino ay ang Proclamation No. 276, na nilagdaan noong Hunyo 21, 1988, na naghahayag na ang buwan ng Disyembre ay "Ang Buwan ng mga Overseas Filipino."
Naalala niyo pa ba ang Philippines 2000 na isinulong ng sumunod na pangulo ng bansa na si Presidente Fidel V. Ramos? Ang Philippines 2000 na dati'y nakikitang nakasulat maging sa mga bubong ng mga paaralan, ay kanyang programa para sa pang-ekonomiyang kaunlaran. Maging si Presidente Fidel V. Ramos ay nagsabing; "Our Overseas Contract Workers are the new heroes of the Philippines" dahil ang remittances mula sa overseas Filipino workers ay isa pa rin sa malaking pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.
Si Presidente Joseph Estrada naman ay minsang nanawagan at nagsabing; "the OFWs should continually remit their hard-earned dollars here to help prop up the heavily battered economy..." tanda ng kahalagahan ng kanilang mga kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang remittances, pagbili ng mga ari-arian at paglikha ng mga negosyo.
Samantala, sabi naman ni President Gloria Macapagal-Arroyo;
"OFW's are heroes of the new millennium whose dollar remittances have helped stabilize the Philippine economy".
Subalit, kasabay ng bansag na "bagong bayani" ay ang mga kutya ng mga makabagong indio, ang mga taong mapagmataas na humihila sa mga OFW's at Pinoy expats pababa at walang agam-agam na nambabato ng putik at masasakit na salita na siyang nagpapaigting ng kalungkutang tinatamasa ng karamihan. Bilang mga (kapwa) Pilipino, nasa bawat isa sa atin ang ating lakas, nasa bawat isa rin sa atin ang ating kahinaan. Kung tulong-tulong tayo, itulak paitaas ang bawat isa at hindi pababa, natitiyak kong abot-kamay ang tagumpay. Tandaan po natin, "United we stand, divided we fall".
Isa pang paalala, hindi ang mga OFW's at Pinoy Expats ang kusang nagbansag ng titulong "bagong bayani" kundi ang mga Pangulo ng ating bayan, na siyang higit na nakakaalam sa estado at istatistika ng ating ekonomiya.
Ngayon nga, sa Admistrasyong Arroyo, ilang beses nang naipahayag ang kahalagahan ng mga OFW's at Pinoy Expats sa kaunlaran ng ating bayan. Naniniwala akong marami sa ating mga masisipag na mga OFW's ang taim-tim na nangangarap na umuwi at bumalik na sa tinubuang-bayan upang manatili at tumira kasama ang mga mahal sa buhay at makitang lumaki ang mga anak sa piling nila, subalit napipilitang magtiis sa labas ng bansa at patuloy na iginogol ang oras sa pagtatrabaho para mabigyan ng mas komportabling pamumuhay ang pamilya at makatulong sa bayan.
Bawat taon, mahigit sa isang milyong Pilipino ang umaalis para magtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga ahensiya at ibang mga programa, kabilang na ang mga sponsor ng gobyerno.
Sa malawak na papawirin ng cyberspace, mababasa natin ang mga nakakasigla at nakakalungkot na kuwento ng mga manggagawa sa ibang bansa, ang kani-kanilang hirap, pagod, kalungkutan, saya at pakikipagsapalaran. Dahil sa patuloy na pag-imbulog ng pangmasang midya, marami na sa ating mga OFW's at Pinoy expats ang may mga blogs na pumapaksa sa iba't ibang anyo, hugis, kulay, at galaw ng buhay. Binibigyang pakpak ang kani-kanilang expresyon, ideya, tuwa, pagkadismaya, at ang pang araw-araw na pakikibaka. Karamihan sa kanila ay naglilibang, lumalaban sa kalungkutan, naghahanap ng positibong magawa sa pusod ng disyertong mapanglaw, sa gitna ng iba't-ibang mukha at cultura. Natitiyak kong inyong ikalugod ang katapangan at katatagan ng mga OFW's at Pinoy Expats na nakikipag-konek sa kapwa Pilipino at isinusulong ang pagkakaisa. Kahit na malayo sa Pilipinas, ang kanilang sakripisyo at pag-aalay sa kanilang pamilya, ang kanilang pag-ibig at pagpapalawak ng kultura at mga pag-aalala para sa kinabukasan ng ating bansa ay hindi matatawaran.
Iba-iba man ang kwento, magkahawig naman sa dusa't himutok ng puso. Madalas mang sakbibi ng lungkot ang diwa, kapag sa mukha ng mga minamahal tuwa ay nakikita, at pasasalamat ang siyang sambit ng mga labing may ngiti, ang lahat ng lungkot ay napapawi, sakripisyo't luha ay langit nang inaari.
Nakakamangha ang salamin ng buhay OFW's at Pinoy Expats. Sa grupong KaBlogs pa lang, Blogs ng mga Kababayang OFW at Expats, kapansin-pansin na halos lahat sa ating mga OFW's at Pinoy Expats ay magagaling at binibigyang halaga ang pagiging Pilipino. Tunay na maipagmamalaki ng bayan.
E-play ang video sa baba at pakinggan ang mga sinabi ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa mga OFW's (Hongkong, SAR, 28 June 2009)
Presidential Citation Award to OFW Mildred Perez
Sa mga nagdaang taon, maging hanggang ngayon, ang remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita ng bansa at tumutulong sa pagtaguyod ng ating ekonomiya. Hindi maikakailang ang ating mga masisipag na mga OFW's at Pinoy Expats ay mga "Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo".
Bilang isang expat na katulad ng karamihan ay marangal at matapat na nagbabatak ng buto para sa pamilya at sa mga kadugong umaasa ng tulong, buong pagmamalaki at taas noo kong ipinagbubunyi ang lahat na mga masisipag na manggagawang Pilipino na buong tapang na humaharap sa hamon ng buhay saan mang sulok ng mundo.
Bigyang dangal po natin, igalang, at ipagmalaki ang ating mga OFW's at Pinoy Expats. At sana'y dinggin ng mga taong nasa posisyon at aksyonan ang matagal na nating hinihiling. Ating suklian ang mga biyaya na binibigay ng ating mga OFW's at Pinoy Expats sa bansa. Marami sa ating mga OFW's ang lubos na nahihirapan, inaabuso, hinaharass, at binabalewala lamang. Ipagkaloob na sana ang karagdagang benipisyo at proteksyon, legal na tulong at diplomatikong representasyon. Bigyang halaga at pakahulugan sana ng Gobyerno ang ibinansag nilang "bayani" at hindi gawing batobalani lamang na nakadikit sa pangalan ng mga masisipag nating manggagawa sa ibang bansa lalo na't halos lahat ng agensya ng ating gobyerno ay lubos na nakikinabang sa kanila. Pangalagaan natin ang siguridad ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa upang ang magandang pag-asa'y hindi manlabo. Sana rin mas palakasin, patibayin at paunlarin ng Gobyerno ang ating sariling Industriya sa Pilipinas para mabawasan na ang paglisan ng ating mga kababayan.
Sabay-sabay nating iangat ang Pilipinas. Ang tagumpay ay ating kamitin. Gintong mithiin ating abutin!
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Ayoko nang puro pain ng buhay ko ang ini-entertain ko. Nakiki-awit na nga ako...Ba Be Bi Bebing......sakay sa agos ng buhay. Ang dami kong pagsubok...sunod-sunod. Hay naku! Akala ko mamamatay na ako. Pero sabi nga, "What Doesn't Kill You Makes You Stronger". Kaya kasabay ang taimtim na paniniwala sa Panginoon at sa paniniwalang lahat ng nangyayari ay may mahalagang rason, eto ako o...nakikiblog pa rin.
Kapag kailangang magtrabaho, trabaho lang. Kapag kailangang mag-aral, aral lang. Magsunog ng kilay hanggang kaya. Kapag nasasaktan, iyak lang...hagolgol hanggang mapagod si mata sa kakaluha. Kapag pagod, tulog lang at magpahinga. Kapag nalulungkot, kinig lang ng musika at makikanta. Kapag gutom, sige kain, bigyang sustansya ang katawan at isipan. Kapag may pagkakataon, blog lang at makibasa sa mga blog ng mga kaibigan.
Hindi madaling mamuhay ng malayo sa mga taong mahal mo at mahalaga sa'yo. Hindi mo alam anong nangyayari sa kanila at hindi nila alam anong nangyayari sa'yo. Makwento niyo man sa isa't-isa, iba pa rin yong kayo'y magkasama at nagdadamayan sa panahon ng tag-ulan.
Pero hindi naman bulag ang Panginoon. Kulang pa ang X-ray machine kung ang puso't isip mo'y basahin. Kaya tama na ang enterpainment:)
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Marami pong salamat sa lahat ng kaibigan na nagpadala ng mensahe lalo na po sa lahat ng mga kaibigang nagsambit ng kaunting dasal. Medyo ok na po ako ngayon, kahit papaano'y nakapaggalaw galaw na po ako. Medyo bawal pa ang sobrang galaw pero kaya ko na. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong mga well wishes. Sabi nga nila, sa oras ng matinding unos nalalaman ang mga tunay na nagmamahal at nagmamalasakit. Thankful naman ako sa halos lahat sa inyo na bagamat hindi ko kilala sa personal na buhay ay hindi nag-alintanang magdasal para ako'y magkamalay at gumaling.
Babawi nalang po ako sa mga susunod pang mga araw. Kailangan ko nang magpahinga ulit. Salamat po talaga sa mga malasakit at pagmamahal. Sadyang Mabait talaga ang Panginoon. Pagpalain sana kayong lahat.
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.