Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, July 3, 2014

Kamsahamnida Thank You Salamat

Para sa mga gustong matuto ng Korean language.Here's another Korean word.  Memoryado niyo na ba ang "hello" in Korean? Kung hindi pa, balikan niyo muna ang old post ko dito.
kamsahamnida, kamsahamnita, thank you in korean, salamat in korean, korean-tagalog word, korean tagalog translation, learning korean, korean filipino, kamsahamnida in tagalog, tagalog korean 
  감사합니다 

Sometimes "Kam-sa-ham-ni-da" is pronounced as "Kam-sa-ham-ni-TA". Huwag na kayong magtaka kung may marinig karong puro Korean at ganyan ang pagkadinig niyo dahil sa Korean, ang tamang tunog ng "da" at "ta" ay parang nasa gitna ng "d" at "t". Kaya minsan pag pinakikinggan mong mabuti yong thank you nila, parang tunog "kamsahamnita" kaya yong ibang foreigner minsan gamit nila kamsahanita.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, July 2, 2014

Nakakalula ang Kabaitan ng Diyos

Sa dinami daming hirap na pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan pa rin ang Panginoon. Nakakalulang isipin ang kabaitan ng panginoon. Sa dinami ng mga luhang iniyak ko noon, kabiguan sa pag-ibig, problema sa pamilya, pagtaksil ng akala ko'y tunay na kaibigan, hirap sa trabaho, hirap sa pakikisama sa mga impossibleng boss, naku ang daming problema sa buhay pero
 ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Hinding-hindi ka Niya bibitawan. Iwan ka man ng mga kaibigan, itakwil ka man ng mga mahal mo sa buhay, madapa ka man, gumulong, gumapang, nandiyan pa rin ang Panginoon. Problema? Magdasal ka lang. Masakit? sige, iyak ka lang. Hindi natutulog ang Panginoon. Minsan may mga dasal tayong hindi niya agad binibigay dahil hindi talaga para sa atin, o' kaya hindi pa napapanahon. Siguro hindi pa tayo handa o' hindi bagay para sa atin. Naniniwala akong ang Panginoon ang may hawak ng pinakamagandang plano para sa iyo. Hindi ikaw. Kasi minsan kahit anong plano mo, kahit anong gusto mo sa isang bagay, hinding hindi mo makakamit kasi nga hindi laan o kaya'y hindi pa oras. Ang importante, kahit mabigo ka man, masaktan, sige dasal pa rin. Ibigay mo sa Panginoon lahat. Darating din ang araw na pagtatawanan mo nalang ang mga dasal na hindi inilaan para sa iyo dahil sa pagbalik tanaw mo'y maunawaan mo kung bakit kailangan mong umiyak at masaktan. Ialay mo lang sa Panginoon ang mga luha at problema. Ok lang yan. Maayos din ang lahat huwag ka lang bumitaw. Kapit. Kumapit kang mabuti. Nakikinig at nanonood ang Panginoon. God is in control. God is always in control. Maniwala ka.

ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Dati, sutil ako.  Tigas ng ulo ko. May mga sariling plano ako sa buhay. Dasal ako ng dasal at iyak ako ng iyak sa tuwing hindi dumarating yong mga pinagdarasal ko. Plano ako ng plano, nahihirapan naman akong tuparin. Ayoko na. Nakakapagod ang ganun. Ngayon binibigay ko sa Panginoon kahit ano. Parang nasakay ako sa barko at hindi ako ang kapitan. Nasa kay God ang control. Bumagyo, umaraw, ayoko nang mabahala. Alam ko naman, kahit anong hagupit ng bagyo, hindi malulunod ang barko. At kahit lunurin pa niya, okay lang. Siya naman nagmamay-ari ng lahat.

Ang bait bait ng Panginoon. Mga bagay na hindi mo nakikita at inaasahan. Yong hindi mo man lang naisip, biglang darating sa buhay mo. Bibigyan at bibigyan ka Niya ng paraan para bumangon. Wala talagang impossible sa Panginoon. WALA. Kung kailan kailangang kailangan mo siya, darating siya. Padadalhan ka niya ng sanlibong anghel para sagipin ka sa iyong problema. Nakakalula talaga ang kapangyarihan ng Diyos.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, June 24, 2014

Tayo Tayo din pag Time Iwas Cancer

Naku! hindi pala talaga maganda ang epekto ng nakaupo ng mahabang oras. Kailangang tumayo paminsan minsan at mag stretch lalo na kung ang trabaho mo eh nakaupo ka ng matagalan. May study na naipublish sa "Journal of the National Cancer Institute" na yong mga taong nakaupo for a long period of time ay may mas mataas na risks of developing colon cancer, endometrial cancer and lung cancer. Oh no! Kahit active person ka raw at palaging nag eexercise, hindi pa rin maganda yong nakaupo ka ng mahabang oras. Kailangan pala tayo tayo ka ng ilang minutes at galaw galaw, stretch ng konti.

According to Forbes' report on the study, too much sitting is linked to a 24 percent higher risk of colon cancer and a 32 percent higher risk of getting endometrial cancer.  Naku! mataas yun ha!
 study about sitting long, sitting for long periods of time, sitting for long periods of time can increase cancer risk, Journal of the National Cancer Institute,  standing avoid cancer, cancers
Tapos kada 2 hours daw na increase in one's sitting time overall, the cancer risk rose 8 percent for colon cancer, 6 percent for lung cancer and 10 percent for endometrial cancer.

Bakit kamo? Sabi ni Chappy Callanta, isang fitness and sports science expert,
  "Your systems start to slow down. Your systems think that you're actually at rest and then that slows down your metabolism. Along with that, there is breakdown of bad cells. Sitting for long stretches of time also affects your muscles. When you're in this position, hunched position for a long period of time, imagine the stress that your muscles go through, imagine yung spine mo, it gets bent, it gets out of alignment.
 Katakot naman. Kailangang tayo tayo din pag may time.

Woot!  Stretch....Stretchhhhhhh..... study about sitting long, sitting for long periods of time, sitting for long periods of time can increase cancer risk, Journal of the National Cancer Institute,  standing avoid cancer, cancers
Narito ang GMA News video tungkol sa isyung ito:

May kakilala ka bang nasa opisina nagtatrabaho? Yong maghapong nakaupo? Please share this info. Salamat :-)

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Sana Philippines at Japan Sama Sama

Philippines Japan Joint Forces, Philippines Japan against China, Pinas Japan, sama sama, Japan at Pinas, Philippines China territorial dispute, Pres Benigno Aquino, Aquino Abe,

Photo Credit:  President Benigno Aquino III shakes hands with Japanese Prime Minister Shinzo Abe at the start of their meeting at the prime minister's official residence in Tokyo on Tuesday, June 24. The two leaders are expected to discuss the ongoing territorial dispute with China in a bid to maintain peace in the region. AFP/Yuya Shino/Pool

Salawikain:  Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis. 
 
Sana nga magsama sama nalang ang Pinas at Japan, pati na rin ang Vietnam at yong iba pang maliliit na bansa sa Asia na pinagbubully ng China ngayon sa territorial dispute na ito. Obvious naman na namamantala lang ang China at gusto lang mapalawak ang impluwensya at power nila. Yong maliit na islang pag-aari ng Pilipinas, pilit nilang inaangkin. Sa napakaraming taon, hindi sakop ng kanilang mapa ang islang iyon, pero ngayon inuungkat at pinagsisigawang kanila. Akala siguro ng China na sila na iyong pinakama powerful na bansa kesyo malaki ang utang ng US sa kanila. At tiyak iniisip nila na kung sasakupin nila itong mga pag aari ng maliliit na bansa sa paligid nila, walang gagawin ang US at iba pang mas malaking bansa para protektahan ang mga ito.  Pero pag nagsama sama itong mga maliliit na bansa, tiyak na makakaipon ng mas malakas na pwersa laban sa China.

Abangan natin ano ang resulta ng paguusap na ito. 

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, April 3, 2014

An Nyeong Ha Se Yo Hello Hello


an nyeong ha se yo, korean hello, korean, tagalog korean, hello in korean, hello sa korean, tagalog korean hello


An Nyeong Ha Se Yo = Hello

Nag-aaral ako ngayon ng Korean. Self-study lang. Matagal ko nang gustong mag-aral ng Korean medyo mahirap nga lang kasi walang masyadong practice. Mukhang seseryosohin ko nato ngayon kasi interesado talaga akong matuto ng iba pang linguahe. Maghahanap nalang ako ng mga gropo onliny para mas makapag practice ng maayos. Sa korean yong hello nila madalas may kasamang bow bilang pag galang. Parang "po" sa salita natin. Pansin niyo na siguro yan sa mga Korean movies.

Pronounced as "AN-NYONG-HA-SE-YO". Common greeting sa Korea. Formal expression yan.

Anyong haseyo (formal)
Anyong (informal) 

Pweding "Anyong" lang, informal casual way kung ang kausap mo ay kaedad mo or kaibigan.

ANYONG also means "Goodbye" depende sa sitwasyon. Watch this video:



Kung gusto niyong matutong magsalita ng Korean, sabayan niyo ng panonood ng mga Korean movies na may subtitle para maunawaan niyo rin ano pinagsasasabi nila. Maigi kasing marining ang tamang bigkas ng salita. 

Sa Youtube Channel ko, gumawa ako ng Playlist ng mga Korean Movies na may English subtitles.
korean tagalog, korean movies

Next word to learn? Thank you in Korean.





Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...