Photo Credit: President Benigno Aquino III shakes hands with Japanese Prime Minister Shinzo Abe at the start of their meeting at the prime minister's official residence in Tokyo on Tuesday, June 24. The two leaders are expected to discuss the ongoing territorial dispute with China in a bid to maintain peace in the region. AFP/Yuya Shino/Pool
Salawikain: Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis.
Sana nga magsama sama nalang ang Pinas at Japan, pati na rin ang Vietnam at yong iba pang maliliit na bansa sa Asia na pinagbubully ng China ngayon sa territorial dispute na ito. Obvious naman na namamantala lang ang China at gusto lang mapalawak ang impluwensya at power nila. Yong maliit na islang pag-aari ng Pilipinas, pilit nilang inaangkin. Sa napakaraming taon, hindi sakop ng kanilang mapa ang islang iyon, pero ngayon inuungkat at pinagsisigawang kanila. Akala siguro ng China na sila na iyong pinakama powerful na bansa kesyo malaki ang utang ng US sa kanila. At tiyak iniisip nila na kung sasakupin nila itong mga pag aari ng maliliit na bansa sa paligid nila, walang gagawin ang US at iba pang mas malaking bansa para protektahan ang mga ito. Pero pag nagsama sama itong mga maliliit na bansa, tiyak na makakaipon ng mas malakas na pwersa laban sa China.
Abangan natin ano ang resulta ng paguusap na ito.
No comments:
Post a Comment