Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Wednesday, July 2, 2014

Nakakalula ang Kabaitan ng Diyos

Sa dinami daming hirap na pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan pa rin ang Panginoon. Nakakalulang isipin ang kabaitan ng panginoon. Sa dinami ng mga luhang iniyak ko noon, kabiguan sa pag-ibig, problema sa pamilya, pagtaksil ng akala ko'y tunay na kaibigan, hirap sa trabaho, hirap sa pakikisama sa mga impossibleng boss, naku ang daming problema sa buhay pero
 ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Hinding-hindi ka Niya bibitawan. Iwan ka man ng mga kaibigan, itakwil ka man ng mga mahal mo sa buhay, madapa ka man, gumulong, gumapang, nandiyan pa rin ang Panginoon. Problema? Magdasal ka lang. Masakit? sige, iyak ka lang. Hindi natutulog ang Panginoon. Minsan may mga dasal tayong hindi niya agad binibigay dahil hindi talaga para sa atin, o' kaya hindi pa napapanahon. Siguro hindi pa tayo handa o' hindi bagay para sa atin. Naniniwala akong ang Panginoon ang may hawak ng pinakamagandang plano para sa iyo. Hindi ikaw. Kasi minsan kahit anong plano mo, kahit anong gusto mo sa isang bagay, hinding hindi mo makakamit kasi nga hindi laan o kaya'y hindi pa oras. Ang importante, kahit mabigo ka man, masaktan, sige dasal pa rin. Ibigay mo sa Panginoon lahat. Darating din ang araw na pagtatawanan mo nalang ang mga dasal na hindi inilaan para sa iyo dahil sa pagbalik tanaw mo'y maunawaan mo kung bakit kailangan mong umiyak at masaktan. Ialay mo lang sa Panginoon ang mga luha at problema. Ok lang yan. Maayos din ang lahat huwag ka lang bumitaw. Kapit. Kumapit kang mabuti. Nakikinig at nanonood ang Panginoon. God is in control. God is always in control. Maniwala ka.

ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Dati, sutil ako.  Tigas ng ulo ko. May mga sariling plano ako sa buhay. Dasal ako ng dasal at iyak ako ng iyak sa tuwing hindi dumarating yong mga pinagdarasal ko. Plano ako ng plano, nahihirapan naman akong tuparin. Ayoko na. Nakakapagod ang ganun. Ngayon binibigay ko sa Panginoon kahit ano. Parang nasakay ako sa barko at hindi ako ang kapitan. Nasa kay God ang control. Bumagyo, umaraw, ayoko nang mabahala. Alam ko naman, kahit anong hagupit ng bagyo, hindi malulunod ang barko. At kahit lunurin pa niya, okay lang. Siya naman nagmamay-ari ng lahat.

Ang bait bait ng Panginoon. Mga bagay na hindi mo nakikita at inaasahan. Yong hindi mo man lang naisip, biglang darating sa buhay mo. Bibigyan at bibigyan ka Niya ng paraan para bumangon. Wala talagang impossible sa Panginoon. WALA. Kung kailan kailangang kailangan mo siya, darating siya. Padadalhan ka niya ng sanlibong anghel para sagipin ka sa iyong problema. Nakakalula talaga ang kapangyarihan ng Diyos.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...