Alam naman natin sa Pilipinas, medyo hindi masyado malawak ang pagpapaalam nga impormasyon, lalo na marahil sa mga kasong ganito. Sana ipalaganap ang kaalaman at nang mas maiwasan. Akalain niyo ba naman ang taas ng porsiyento ng kasong ito. Noong nakaraang taon mula Enero hanggang Oktubre, 86 porsiyento ng 629 mga bagong kaso na sinubok ay positibo para sa HIV ay lalaki. Tingnan ang graph sa ibaba.
Philippines 2008 AIDS cases
Ang mas nakakatakot pa, nasa isipan na ng mas nakararami sa atin na ang may mga HIV o AIDS ay mukhang sakitin talaga, buto't balat, iyong mahinang mahina ang itsura at talagang makikita sa postura pa lamang. Sa dami ng mga mga medikasyon ngayon, ang mga carrier ng AIDS at HIV ay hindi na mahahalata sa pisikal na basehan lamang, lalo na iyong mga nakaka-afford ng gastosin at sumusunod sa regular na check up. Paano nalang kung may mga hindi magandang trip ang iilan sa mga Pinoy AIDS/HIV carriers na ito at gusto lang mangdamay ng iba??? Iyong mga desperado at gusto lang magloko. At paano nalang kung hindi alam ng HIV/AIDS carrier na may AIDS o' HIV na pala siya? Maaari niyang ipasa ang virus ng walang ka-alam alam na ito'y bitbit na nila sa kanilang sarili.
Ang isang tao ay maaaring makakuha ng HIV sa pamamagitan ng pagkakaroon ng walang proteksiyong pagtatalik sa isang taong may HIV. Ang virus ay maaaring maging sa dugo sa isang nahawaang tao at maari ring ipasok ang inyong katawan sa pamamagitan ng maliliit na hiwa o' sores sa iyong balat. Iyong mga gumagamit din ng droga, lalo na iyong common na gamit ng karayom at iba pa.
Nais ko lang pong ipasa ang impormasyong ito. Iwas panganib para sa lahat.
Ang edukasyon tungkol sa AIDS sa buong mundo ay nananatiling isa sa mga mahalagang paraan upang maiwasan ang sakit na mula sa pagkalat.
No comments:
Post a Comment