Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, January 12, 2010

Zip It

Napanood ko ang episode ng ABS-CBN's "Showtime" kung saan nagkomento si Rosanna Roces against teachers. I won't say more. Just click on the highlighted link to watch ABS-CBN's "Showtime" videos of episode before suspension. I'll say one thing though,


Rosanna Roces Should Learn How To

Zip It


PERIOD.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Saturday, January 9, 2010

Ang Bagong Mukha ng Aids sa Pilipinas

Nakakalungkot at nakakaalarma naman ang artikulong ito na pinamagatang, Are young Pinoy gays the new face of AIDS in RP? Bagamat ang titulo ay patanong, kinompirma naman ng mga Gay rights advocates and AIDS awareness groups na ang mga young gays nga sa Pilipinas ay nagsisimula nang kumatawan sa mga bagong mukha ng HIV / AIDS sa bansa. Sa katunayan, ang mga pinakahuling statistika ng kaso ng AIDS sa Pilipinas, ay nagpapakita pagtaas ng mga kaso ng pagpasa nito sa iba pa. Madalas daw nasa may edad 25-34 taong gulang na nakikipagtalik sa ibang lalaki.

Alam naman natin sa Pilipinas, medyo hindi masyado malawak ang pagpapaalam nga impormasyon, lalo na marahil sa mga kasong ganito. Sana ipalaganap ang kaalaman at nang mas maiwasan. Akalain niyo ba naman ang taas ng porsiyento ng kasong ito. Noong nakaraang taon mula Enero hanggang Oktubre, 86 porsiyento ng 629 mga bagong kaso na sinubok ay positibo para sa HIV ay lalaki. Tingnan ang graph sa ibaba.

Ba Be Bi Bebing, Bing, Abakada ng Buhay, Filipino, OFW, Pinoy Expats
Philippines 2008 AIDS cases

Ba Be Bi Bebing, Bing, Abakada ng Buhay, Filipino, OFW, Pinoy Expats
Philippines 2009 AIDS cases

Ang mas nakakatakot pa, nasa isipan na ng mas nakararami sa atin na ang may mga HIV o AIDS ay mukhang sakitin talaga, buto't balat, iyong mahinang mahina ang itsura at talagang makikita sa postura pa lamang. Sa dami ng mga mga medikasyon ngayon, ang mga carrier ng AIDS at HIV ay hindi na mahahalata sa pisikal na basehan lamang, lalo na iyong mga nakaka-afford ng gastosin at sumusunod sa regular na check up. Paano nalang kung may mga hindi magandang trip ang iilan sa mga Pinoy AIDS/HIV carriers na ito at gusto lang mangdamay ng iba??? Iyong mga desperado at gusto lang magloko. At paano nalang kung hindi alam ng HIV/AIDS carrier na may AIDS o' HIV na pala siya? Maaari niyang ipasa ang virus ng walang ka-alam alam na ito'y bitbit na nila sa kanilang sarili.

Ang isang tao ay maaaring makakuha ng HIV sa pamamagitan ng pagkakaroon ng walang proteksiyong pagtatalik sa isang taong may HIV. Ang virus ay maaaring maging sa dugo sa isang nahawaang tao at maari ring ipasok ang inyong katawan sa pamamagitan ng maliliit na hiwa o' sores sa iyong balat. Iyong mga gumagamit din ng droga, lalo na iyong common na gamit ng karayom at iba pa.

Nais ko lang pong ipasa ang impormasyong ito. Iwas panganib para sa lahat.
Ang edukasyon tungkol sa AIDS sa buong mundo ay nananatiling isa sa mga mahalagang paraan upang maiwasan ang sakit na mula sa pagkalat.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Friday, January 8, 2010

New Year, Palit na Naman

Nagpalit ako ng blog template kagabi. Hindi ko natapos ilipat ang mga widgets ko at nawala ko ang aking blog links. Marahil sa antok di ko namalayang di ko pala na copy ang listahan. Aye! Mamaya itutuloy ko ang pag aayos ng blog na ito. Ako ngayoy kasalukuyang kumakain ng snack. Hindi alam ng mga katabi kong magaganda na ako'y nagsusulat na ng blog entry. Ahaha! Ako yata ang pinakalatest na Droid addict. I so love this fone.

2010, katulad ng karamihan wish ko rin ang kaunlaran at kapayapaan. Hindi ko na ededetalye pa ang pagkarami-rami kong wishes God knows naman what they are. In terms of blogging naman, dito sa Babebibebing, sana madalas na akong makapag-update, with my new fone, I think makakasingit singit na ako ng entry. Online na nga ako ngayon 24/7 kahit tulog. Isa pa, sana mas madalas akong makapagbasa ng ibang blogs at makicomment. Namimiss ko na rin ang pakikipagkonek sa iba pang bloggers, lalo na sa KaBlogs.

O sya! Basta maya aayusin ko tuloy ang blog. Pasensya na muna mga kablogs, nawala ko mga links. Link ko kayo lahat mamaya. Enjoy your day! Or night, wherever you are. As for me, back to work :) God bless you!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Friday, January 1, 2010

Ha Ha Ha Ha Happy New Year

Bagong taon, bagong simula, bagong pag-asa. 2010 Na. Wohoooooooooooooo!!!!!!! Tiyak marami-rami ngayon ang bagong gising at masakit ang ulo. Ummm, "Paging Doktor Hang-over"...

Simulan natin ang bagong taon sa tawa at musika. Makikanta...E-play ang video sa baba, at siguraduhing nakangiti habang sumasabay sa awitin.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...