Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Wednesday, December 23, 2009

Pasko na Naman

Good News: Pasko na Naman, at naririnig ko na naman ang mga masasayang awiting pang Pasko.

Not So Good News: Nasa Amerika ako ngayong Pasko, pang-ilan na ba to?

Hindi ko sinasabing hindi ako masaya na nandito ako. Ang sinasabi ko'y ayoko dito sa Pasko, higit na mas masaya at mas makabuluhan ang pasko sa Pilipinas. Sa palibot ng mga taong mahal ko at nagmamahal sa akin; ang aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. At tiyak kong alam yan ng lahat ng Pinoy, saan mang sulok ng mundo.

Katulad ng linya ng kantang Pasko na naman, totoong "walang katulad ang Pasko sa Pilipinas". Malayong malayo, ibang-iba.

Nararamdaman niyo ba ang kalungkutan sa aking mga salita? Iyan ay dahil sa ang Pasko ang pinakapaborito kong okasyon. Gustong gusto ko ang simbang gabi, hindi ako pumapalpak dati sa Pilipinas. Umalan, bumagyo, pumupunta talaga ako sa simabahan para tapusin ang 9 days. Haha! Natatawa ako kapagka naaalala ko ito dahil marami-rami rin akong kapamilyang natatamad at tini-tease ako kapagka ulan at mahangin, malamig at bitbit ko ang payong pasulong sa simbahan.

Pinakagusto ko ang makikanta sa simbahan. Madalas pa nga, ang aantok-antok kong bestfriend na garay garay ko puntang simbahan ay pinagtatawanan ako kapagka medyo tumataas o' nawawala ako sa tono. May pagka makapal din kasi akong kumanta sa simbahan, walang pakialam sa iba.

Masaya, maraming magagandang memories. Kung isa-isahin ko pa, baka maantok kayo kakabasa.

At dito sa Amerika, parang ordinaryong araw lang ang pasko. Sa shopping malls mararamdaman mong Pasko rin, sa dami ng taong nagbibisihang magshopping, subalit sa pinaka araw na ng Pasko, kainan lang sa magkamag-anak, konting exchange gifts, tapos uwian na...then tahimik na ang gabi.

Imbes na magsaya, may halong lungkot at Pasko ko dito sa Amerika, dahil kada Pasko hinahanap hanap ko pa rin ang Paskong Pilipinas, ang mga ngiti at tawa, halakhak ng mga mahal sa buhay, ang kislap ng mga ilaw at ang ingay ng mga paputok at naglalakasang stereo.

Syempre makakalimutan ko bang bangitin ang mga pagkaing sariling atin? Hayzz!!!! Subalit gayunpaman, Merry Christmas sa lahat. Dapat Merry pa rin dahil Pasko. Puno ng pagmamahal at pagbibigayan, kahit pa tayo'y malayo.



Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...