Noong October 6, 2009 exam ko at interview for U.S citizenship sa Atlanta, GA. Maraming tao, iba-ibang mukha at pangalan. Habang nag-aantay akong matawag ang pangalan ko'y inaliw ko ang sarili sa pakikinig ng iba't ibang pangalan na tinatawag. Parang nag t-tongue twist ang mga empleyado sa pagbigkas ng mga names ng applikante. Nakabawas na rin ng nerbiyos. Paano ba naman, habang nag-aantay naririnig ko pa ang karamihang nag Q and A's para sa exam...parang na tetense ako lalo baka makalimutan ko ang mga sagot sa Exam.
Nag-iikot ikot ang mata ko, hanap ng Pilipino. May iilan rin na sa tingin ko'y Pinoy. Medyo malayo nga lang ako sa kanila at busy din sila kasama ang pamilya.
Madalas, pagkatapos ng interview ay mag-aantay pa ng sulat galing sa U.S Immigration kung kelan ang appointment mo para sa panunumpa bilang bagong citizen. Sabi ng iba, madalas mga isa o' dalawang buwan pagkatapos ng interview.
Pero sa araw na iyon, isa ako sa mga walong applikante na, pina sumpa nila agad. Pagkatapos ng interview at exam ko, sabi ng nag interview sa akin, antayin ko daw matawag ang pangalan ko at susubukan niyang makapag sworn in ako agad. Siyempre tuwa ako. Lagpas dalawang oras ang byahe galing sa amin, papuntang Atlanta. Kainis pa ang byahe minsan, sobrang traffic, katakot malate sa appointment.
Pagkatapos ng Citizenship ceremony ng mga taong nakaschedule para sa araw na iyon, tinawag na kaming walo. Parehas kaming walang kamalay malay na ma-sworn in agad. Iyong iba, hindi man lang nakapagdala ng camera pang souvenier. Tapos iyong iba pa, nag-iisa, wala ang pamilya para makasaksi sa event na iyon. Isang napakalaking event iyon sa amin. Hindi birong processo at pag aayos ng mga papeles, bago makarating sa panunumpa. Syempre lahat kami gusto na nandoon ang mga mahal namin sa buhay para makasaksi. Meron akong kasama, isa. Actually siya lang naman kailangan kong nandoon, so ok na ako dun.
Buti may bitbit akong camera palagi. Napagsilbihan din. Iyong mga hindi nakapagdala ng camera pinag picturan din namin at hiningan ng email address, kahit papano magka souvenier naman. Ngayon, nasa Facebook friends ko na rin iyong iba. Bunos na iyong bagong friendship namin. Siguro iyong araw na iyon na ang pinaka-una at pinakahuling pagkakataon na magkita kami in person.
Hindi ko inakala na at the end of the day, uuwi na akong American Citizen. Natapos na rin ang sandamak mak na processing. Mula nang makarating ako dito sa tate, puro processing. Syempre di naman agad citizenship, may pinagdaanan pang ibang applications. Lagpas 4 pm na kami nakalabas sa Immigration office, nagmamadali pa kaming umuwi para di maabotan ng traffic sa uwian. Office hours, uwian nakakabaliw ang traffic. Aside from that, gutom na ako masyado, hindi ako nakapag lunch.
Asan ako sa litrato?
Soot ko'y kulay ng pagmamahal.
Next thing to do? Mag-apply ng U.S. Passport. Uwing uwi na ako sa Pilipinas. Miss ko na masyado ang pagkain at iba pa. Ngayon, pwedi na rin akong punta sa ibang bansa na walang visa. Yehawwwwwwww!!!!!
3 comments:
Congrats Ate Bhing!!! woohooo, may paberger ba?
Kaya pala tagal mo nawala mukhang nagbusyness ka sa pag-aayos ng citizenship mo:D
"And the star-spangled banner in triumph shall wave
Over the land of the free and home of the brave!"
congrats ate!
ay ang saya!
ako hirap ng dinanas bago makamit yang french cit, untilnow la pa, 8 months na.
Ang ok dito sa Frnce, after judge process, language process at police control twice, kunin na lang sa cityhall yung french citizen card.
Walang sumpa sumpa before the flag or anybody.
hirap na nga sa french languag eh, hehe.
Dual cit k ba after?
Post a Comment