Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Friday, October 30, 2009

Batter Up!

Baseball fever is in the air!

Sinusubaybayan ko sa kasalukuyan ang 2009 World Series Major League Baseball championship kung saan naglalaban para sa titulo ang New York Yankees at Philadelphia Phillies, best of seven games betting.

Di ko natapos panoorin ang 2nd game kagabi, nakatulog na pala ako. What the heck happened to Phillies lastnight? Pagkagising ko search ko agad ang result, talo. Aw! tie na tuloy. 1-1 win na sila. Sana mag champion ulit ang Philadelphia Phillies this year. (Sorry Yankees fans, i don't hate your team but bf is a BIG fan of Phillies, so I'm rooting for Phillies all the way).



Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, October 19, 2009

Contact Me

Pwedi niyo po akong makontak via email. Isulat lang po ang inyong mga katanungan, suhestiyon, problema, reklamo, at iba pa...











Maari din po kayong magpadala ng mensahe gamit ang messenger sa baba. Private po ang Conversations natin dito. Kung maaari po lamang, paki-edit po ng Nickname na makikita sa baba ng box, para malaman ko naman kung kanino nanggagalin ang mensahe. Maari po tayong mag live chat, kung hindi po busy. Madalas ko pong iniiwang bukas 24/7 ang aking messenger sa cellphone, kaya kung available man ang status ko, pero matagal ang first reply, baka busy po or humihilik si ako :)





Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Saturday, October 17, 2009

My Baby You

Wala lang, share ko lang tong magandang song na ito sa inyo. Isa sa mga kantang malapit sa puso ko. Aw!!!! hindi ko na sasabihin kung bakit.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, October 13, 2009

The Lucky 8

Noong October 6, 2009 exam ko at interview for U.S citizenship sa Atlanta, GA. Maraming tao, iba-ibang mukha at pangalan. Habang nag-aantay akong matawag ang pangalan ko'y inaliw ko ang sarili sa pakikinig ng iba't ibang pangalan na tinatawag. Parang nag t-tongue twist ang mga empleyado sa pagbigkas ng mga names ng applikante. Nakabawas na rin ng nerbiyos. Paano ba naman, habang nag-aantay naririnig ko pa ang karamihang nag Q and A's para sa exam...parang na tetense ako lalo baka makalimutan ko ang mga sagot sa Exam.

Nag-iikot ikot ang mata ko, hanap ng Pilipino. May iilan rin na sa tingin ko'y Pinoy. Medyo malayo nga lang ako sa kanila at busy din sila kasama ang pamilya.

Madalas, pagkatapos ng interview ay mag-aantay pa ng sulat galing sa U.S Immigration kung kelan ang appointment mo para sa panunumpa bilang bagong citizen. Sabi ng iba, madalas mga isa o' dalawang buwan pagkatapos ng interview.

Pero sa araw na iyon, isa ako sa mga walong applikante na, pina sumpa nila agad. Pagkatapos ng interview at exam ko, sabi ng nag interview sa akin, antayin ko daw matawag ang pangalan ko at susubukan niyang makapag sworn in ako agad. Siyempre tuwa ako. Lagpas dalawang oras ang byahe galing sa amin, papuntang Atlanta. Kainis pa ang byahe minsan, sobrang traffic, katakot malate sa appointment.

Pagkatapos ng Citizenship ceremony ng mga taong nakaschedule para sa araw na iyon, tinawag na kaming walo. Parehas kaming walang kamalay malay na ma-sworn in agad. Iyong iba, hindi man lang nakapagdala ng camera pang souvenier. Tapos iyong iba pa, nag-iisa, wala ang pamilya para makasaksi sa event na iyon. Isang napakalaking event iyon sa amin. Hindi birong processo at pag aayos ng mga papeles, bago makarating sa panunumpa. Syempre lahat kami gusto na nandoon ang mga mahal namin sa buhay para makasaksi. Meron akong kasama, isa. Actually siya lang naman kailangan kong nandoon, so ok na ako dun.

Buti may bitbit akong camera palagi. Napagsilbihan din. Iyong mga hindi nakapagdala ng camera pinag picturan din namin at hiningan ng email address, kahit papano magka souvenier naman. Ngayon, nasa Facebook friends ko na rin iyong iba. Bunos na iyong bagong friendship namin. Siguro iyong araw na iyon na ang pinaka-una at pinakahuling pagkakataon na magkita kami in person.

Hindi ko inakala na at the end of the day, uuwi na akong American Citizen. Natapos na rin ang sandamak mak na processing. Mula nang makarating ako dito sa tate, puro processing. Syempre di naman agad citizenship, may pinagdaanan pang ibang applications. Lagpas 4 pm na kami nakalabas sa Immigration office, nagmamadali pa kaming umuwi para di maabotan ng traffic sa uwian. Office hours, uwian nakakabaliw ang traffic. Aside from that, gutom na ako masyado, hindi ako nakapag lunch.

Asan ako sa litrato?

Soot ko'y kulay ng pagmamahal.

Next thing to do? Mag-apply ng U.S. Passport. Uwing uwi na ako sa Pilipinas. Miss ko na masyado ang pagkain at iba pa. Ngayon, pwedi na rin akong punta sa ibang bansa na walang visa. Yehawwwwwwww!!!!!


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, October 8, 2009

Balik Blogging

Ahhh!!!! tagal kong nawala sa ere. Nag black-out ang blog na ito. Anong nangyari? Burnt out, tapos busy etc...etc...etc. ...napagod kakatype at kaka chikka si kamay at si isip.

Ang dami kong babasahing updates sa mga ka-blogs. Kumusta na kaya ang blogosphere? Kailangang mag-umpisa na naman ako ng pag-ikot ikot at basa.

Sabi nga, komplikado ang mundo. Bilog, nakakahilo ang ikot. Minsan payapa. Minsan magulo. Kapag daw gutom, kumain para manatiling malakas. Kapag pagod, magpahinga para bumalik ang lakas at makapagpatuloy sa paglalakbay.

Pana-panahon ika nga. At panahon na naman ng pagb-blog.

And so....i'm backkkkkkkkkkkkkkkk!

Woooooot!!!!


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...