Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, January 15, 2009

Esep Esep

Ang buhay ay isang paglalakbay. Minsan napakasaya mo, para wala ka nang hahanapin pa at minsan ang lungkot lungkot mo, nasasaktan ka ng sobra at tila wala nang pag-asa. Bilog nga ang mundo, kasabay ng pag-ikot ng mundong ating ginagalawan ay ang pagbabago ng tao, mga bagay bagay at pangyayari. Minsan, maganda ang pagbabago, minsan hindi. Minsan din ay hindi maganda ang hindi nagbabago. Napaisip tuloy ako. Paano kung lahat tayo ay nakikibago kasabay ng panahon? Ano pa ang matitira sa mundo?

Sabi ni Jose Mari Chan, ang hindi lang nagbabago sa mundo, ay ang pagbabago. Sabagay, bilog naman ang mundo. Saan ba ang katapusan ng guhit kapagka bilog? Hindi ba sa umpisa rin?

Ang importante naman dito sa mundo, wala kang sinasaktan at sinasagasaan. Hindi bat nagdarasal tayo sa Maykapal dahil hindi natin saklaw ang ating buhay? Para ano pa't nabuhay ka dito sa mundo, kung bitbit mo'y pasakit lang sa ibang tao? Okey lang ang pagbabago, basta ba nanatili ang kagandahan ng iyong puso. Kung kasabay ng iyong pagbabago ay ang paglimot ng mga bagay bagay na dati ay mahalaga at importante sayo, hindi ka rin aasenso. Ang mga negatibong enerhiya na nasa damdamin ng mga taong nasasaktan mo, lalo kung wala namang ginawang masama sayo, ang maghihila sa iyo pababa. Mas maaliwalas at mas masarap ang buhay kapag maliwanag ang daan at wala kang naapakan. Naniniwala ka ba sa Karma?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

No comments:

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...