Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, January 22, 2009

Ako si Super Wo



Tuluyan ko nang sinunod ang aking ginawang schedules sa araw-araw.
Kasama na ang iba't ibang hobbies ng buhay ko.

Ma exercise sa umaga, magblog, mag gitara,
gumawa ng jewelry, magchat kung nandiyan ang mga kaibigan,
mag-aral ng French, mag-aral ng Human Anatomy
at Iba pa....

Ilan lang yan sa mga pilit kong pinagkasyang gawin.

Nasabi ko na bang marami akong trabahong nakatambak at pilit pinaghahabol matapos sa deadlines?

Yeahhhhh...pwedi nakong mag apply para sa role ni Superwoman.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, January 21, 2009

Walo Na?

Eight years na pala mula nang mapunta sayo ang text message ko ng hindi sinasadya. Parang kailan lang.....Aishtemas dear!


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, January 20, 2009

Mabagal na Hindi

Ah! umagang umaga naubos agad ang free bytes ko ng wireless internet. Sinubukan ko kasi kung hanggang seven o clock ba ang unlimited bytes namin, ayon nagdownload ako ng pagkarami-raming videos galing sa youtube. Tapos bigla nalang humina. Kaya dial up naka around 9 o'clock ng umaga at dahil nakaka-inis ang bagal, wala na akong ginawang iba sa internet kundi ang mag yahoo messenger, tapos ikot ikot na sa gawain.

Ang ganda ng araw. Kapag mahina ang internet ko ang dami kong nagagawa ng tama. Hehehe. Kaya minsan, mabuti ring mabagal ang signal dahil natatapos agad ang work ko. Kaya ang araw ko today ay mabagal na Hindi, maraming positibong outcome eh.

Sa gabi imbes matulog ako ng maaga para gumising ng alas 3 ng madaling araw, napuyat ako sa palabas ng cable. Lintek ang ganda ng palabas. Masyadong bloody sa simula at iniiwasan kong mag focus masyado, dahil takot akong magka nightmare. Mabuti nalang later naging medyo action na ang movie at hindi na masyadong tense. Ang title ng pelikula? Hannibal Rising. Para magkaroon kayo ng idea tungkol sa movie, eto ang trailer ng Hannibal Rising movie sa baba.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, January 15, 2009

Esep Esep

Ang buhay ay isang paglalakbay. Minsan napakasaya mo, para wala ka nang hahanapin pa at minsan ang lungkot lungkot mo, nasasaktan ka ng sobra at tila wala nang pag-asa. Bilog nga ang mundo, kasabay ng pag-ikot ng mundong ating ginagalawan ay ang pagbabago ng tao, mga bagay bagay at pangyayari. Minsan, maganda ang pagbabago, minsan hindi. Minsan din ay hindi maganda ang hindi nagbabago. Napaisip tuloy ako. Paano kung lahat tayo ay nakikibago kasabay ng panahon? Ano pa ang matitira sa mundo?

Sabi ni Jose Mari Chan, ang hindi lang nagbabago sa mundo, ay ang pagbabago. Sabagay, bilog naman ang mundo. Saan ba ang katapusan ng guhit kapagka bilog? Hindi ba sa umpisa rin?

Ang importante naman dito sa mundo, wala kang sinasaktan at sinasagasaan. Hindi bat nagdarasal tayo sa Maykapal dahil hindi natin saklaw ang ating buhay? Para ano pa't nabuhay ka dito sa mundo, kung bitbit mo'y pasakit lang sa ibang tao? Okey lang ang pagbabago, basta ba nanatili ang kagandahan ng iyong puso. Kung kasabay ng iyong pagbabago ay ang paglimot ng mga bagay bagay na dati ay mahalaga at importante sayo, hindi ka rin aasenso. Ang mga negatibong enerhiya na nasa damdamin ng mga taong nasasaktan mo, lalo kung wala namang ginawang masama sayo, ang maghihila sa iyo pababa. Mas maaliwalas at mas masarap ang buhay kapag maliwanag ang daan at wala kang naapakan. Naniniwala ka ba sa Karma?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, January 14, 2009

Kung Ayaw Mo Wag Mo

Ganda ng song na eto ha. Trip ko to. Play Niyo kung trip niyo. Nice to nakakaalis ng inis. Huwag kasi pilitin ang ayaw. Hahahaha...

Kung Ayaw Mo, Huwa...


Kung Ayaw Mo Wag Mo
By: Rivermaya

Hari ng dedmahan ang
teleponong apat na
magdamag ng 'di umiimik

Kung 'di ka tatawagan
may pag-asa kayang
Maisip mo ako't biglang ma-miss

Hindi kita mapipilit kung ayaw mo
'wag mo akong isipin bahala (na/ka)
Hindi kita mapipigil kung balak mong
Ako'y iwanang nag-iisa

P'wes walkathon ako patungo riyan
Isosoli ko lang lahat ng mga sulat mo

At me-katok pa yata'ng doorbell n'yo
“Magtatatlong oras na'ko rito... hello!”

Kung ayaw mo 'wag, Kung ayomo 'wag,
Kung ayaw mo, kung ayaw mo, huwag mo!
Kung ayaw mo 'wag, Kung ayomo 'wag
Kung ayaw mo, kung ayaw mo, huwag mo!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Songs of My Heart

Fan ka ba ni Sharon Cuneta? Napanood ko ang mga videos ng 2009 Mega Birthday Concert of Sharon Cuneta na pinamagatang Songs of My Heart. Hmmm...maraming songs si Mega. Medyo mahaba haba din ang concert, at marahil ay malaking bytes din ang nabawas sa internet connection ko for the day. Hinanap ko kasi ang video kung saan nag greet si Gabby concepcion sa kanya. Hahaha. Nagsoshowbiz din ako day. Hay Naku! pero okey na rin, nalibang naman ako kapanood sa umaga pagka gising ko. Napaisip tuloy ako, tungkol sa songs of the heart ko. Marami-rami din ah, sa hilig ko ba naman sa musika. Mahirap pumili ng isa lang. May mga special songs lang talaga, yong may hidden stories at connections in between. Katulad nalang ng Everything I Own na kanta ng Bread. (Ehem..ehem..ehem)


I would give anything I own
Give up my life, my heart, my home
I would give ev'rything I own
Just to have you back again

Naks! madugo. Hindi naman yan ang number 1 song ko pero alam niyo bang dahil sa song na yan ginusto ko talagang matutong mag gitara? Hehehe ang drama ko ano? Wala lang! trip ko lang kasi sanang kantahin sa isang espesyal na tao kaya pinag aralan ko talagang mag guitar. Ay tsus!

Anyways, ngayon, tapos nako manood at mag anik anik sa PC. Handa na naman sa pang araw araw na kayod, gutom na rin ako kailangan ko nang mag eattttttt. O siya! Kung trip mong panoorin ang birthday concert ni Mega, e click mo lang yong naka highlight na link na nasa ibabaw. Ahay! bye na muna at work work work na.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, January 13, 2009

Simula ng American Idol

Ako'y ngumunguya-nguya ng Doritos habang nakanganga sa TV at nakikitawa sa panibagong season ng American Idol. May bagong judge ang American Idol, ganda babae. Apat na sila. Paano kaya nila hahatiin ang resulta kapagka dala-dalawa sa yes at no? Hmmm....sino ang huhusga?

Nag eenjoy talaga ako sa show na ito. Ngayong gabi lang nag-umpisa. Na miss ko ang kalokohan ng mga judges lalo na si Simon. Hindi pa masyadong maganda ang palabas dahil umpisa palang ng state-by-state audition, medyo boring pa. Naghihintay ako ng mga malokong aplikante. Pampasaya.

Ngayon may aabangan nako kada Lunes at Huwebes yata. Ahhh! nakalimutan ko na anong araw ang palabas nito. Medyo matagal tagal na nga. Tatlong shows na aabangan ko, ang 24, ang Kitchen Nightmares at eto na nga ang American Idol.

Bye na muna at eto nagsisimula na uli..hehehe. babosh!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

One..Two..Blog

Ayan at nagsimula na naman ako ng panibagong blog. Parang naririnig ko ang mga friends kong kukanta sa huni ng kanta ni Gary Valenciano ah!

Nag blog ka na naman...
pang-ilan na ba yan?
di na natuto..

Unahan ko na kayong mangutya. Hehehe. Safe pa di ba? o siya! hayaan niyo na wala lang magawa. Na windang pa ako sa kaka tweak konti ng template ng blog na ito ha. Nagloloko ng ilang araw si Blogger di ako makapagpalit ng template sa ibang blogs ko. Pinahirapan ako. Hehehe, buti nakuha ko rin paano. Siguro nag aadjust pa sila sa bagong coding. Palaging nagpapaganda. Sabagay para rin sa ating mga user ang lahat.

Anyways, napakalamig nitong nagdaang mga araw. Pati nga ang aking aso ay di na yata marunong tumahol. Nakiki Brrrrrrrrrrrrr..nalang. Ang haba ng tulog ko kagabi. Wohoooooo. Nakabawi rin. Imagine 6 pm pakong natulog at pagising ko 6 a.m na? Aba..aba..aba. Bumabawi ang puyat na katawan ha. Di tuloy ako nakapagblog kagabi, imbes gigising sana ako ng alas dose. Di bale marami pa namang next time. Ang sarap ng panaginip ko kagabi. Hehehe. Sana ganun palagi. Hayyy! Mr. dreamboy...sana magpakita ka nalang gabi-gabi. Hehehehe.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...