Gustong gusto ko ang kasabihang ito ni Henry Ford, "Failure is only the opportunity to begin again, only this time more wisely."
Palaging sinasabi ng tatay ko dati, kapag nabigo ka, bangon kaagad at matuto kung bakit nabigo, at sumige lang patuloy na lumaban. Hindi kailangang maglugmok sa isang tabi at namnamin ang kabiguan. Paminsan-minsan nasasaktan tayo sa kabiguan pero kailangang e-pokus natin ang ating isipan sa positibong angulo. Wala nga namang tutulong sa sarili mo kundi ikaw lamang. Kahit sabihin ng maraming tao sa paligid mo na bumangon ka at lumaban, kung ayaw mo, walang mangyayari sa iyo.
Dati nahihirapan akong tumayo kaagad at lumaban. Nasanay akong magluksa sa kamalian at maging malungkot muna ng pagkahaba habang panahon, hanggang napansin ko na kahit anong mangyari sa buhay ko, patuloy na umiikot ang mundo. Napansin kong sayang ang oras na ibinubuhos ko sa pagluluksa ng pagkakamali. Natuto akong magbasa ng mga aklat na nagbibigay inspirasyon at aral sa buhay. Natuto akong makinig sa mga audio at manood ng mga presentasyon na mapupulotan mo ng positibong ideya, at doon na nga ako natutong mag-isip at tumingin sa positibong angulo at huwag nang pansinin ang kabilang dako.
Kaya kapag ikaw ay nabigo sa alin mang aspeto ng iyong buhay, pag-ibig man, trabaho, sa pagkakaibigan, negosyo o sa ano pa man, DALI! Bumangon ka at yakapin ang magandang simula. Tanggapin mong kasali ng sa buhay ang pagkakamali para matututo tayo, maging mas mabuting tao at maging wiser.
May kaibigan akong babae at magkahawig ang negosyo namin, kapag ka may mga pagkakamali kaming nagagawa sa business namin, gaano man kaliit, tinatawanan nalang namin at sinasabi namin sa isat-isa na "charge to experience", pinapakahulugan namin na sa susunod maging mas maingat na kami at mas alam na namin kung ano ang gagawin. Syempre nalulungkot din kami, pero hindi na tulad ng dati na parang pinipiga talaga namin ang kalungkutan, ngayon mas madali na kaming mag move on at tinatanggap nalang na challenge to do better next time. Sayang ang oras.
"Pagkabigo't alinlangan gumugulo sa isipan, mga pagsubok lamang yan. Huwag mong itigil ang laban." - Pagsubok by Orient Pearl
Dali, Bumangon ka!
Failure. Kabiguan. Though it once was the most dreaded F-word, we now live in a culture where entrepreneurs embrace the concept, mainly because of what can happen after the fact. A lot of people provided more insight as to how aspiring entrepreneurs can better handle failure to use to their advantage in business.
Nailathala sa Entrepreneur.com ang mga paborito nilang istorya ng kabiguan, basahin at ma-inspired: "How Failure Made These Entrepreneurs Millions"
Ikaw? Paano ka kapag nabibigo?
No comments:
Post a Comment