Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, November 19, 2013

Bangon Pilipinas, Kaya Natin to

bangon pilipinas, kaya natin to

Sa gitna ng mga trahedya at kalamidad, ipinagdarasal ko ang muling pagbangon ng mga nasalantang Pilipino, mga nawalan ng mahal sa buhay. Bangon Pilipinas! Ipakita mo lakas at tatag ng iyong puso at mga kamay. Bangon!

Tandaan mong sa iyong ugat ay nananalaytay ang walang kamatayan  dugo ng mga bayani, dugo ng katapangan ng mga matatag na ninuno. Bumagon ka at mamulaklak, hanggang sa magbungang muli ang henerasyon puno ng kalayaan at kaligayahan.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, October 28, 2013

Miss Philippines Ariela Arida for Miss Universe 2013

Nagsimula na po ang botohan para sa Miss Universe 2013. Ang mananalo sa botohang ito ay sigurado nang pasok sa semi-finals. Tulungan po natin si 2013 Miss Philippines Ariella Arida na maka secure ng pwesto sa semifinals. E-boto po natin.

Heto po ang steps.

1. Bumisita sa Miss Universe website profile ni Ariella Arida sa link na ito http://missuniverse.com/members/profile/657652/year:2013 at e click ang VOTE.

miss philippines ariella ara arida for miss universe 2013, miss ariella arida, miss philippines, miss universe

2. Pagkatapos pindotin ang VOTE button, may lalabas na bagong box sa screen.E-completo ang hinihinging impormasyon. Makikita mo sa baba ang mga boxes na kailangan mong kompletohin.

miss philippines ariella ara arida for miss universe 2013, miss ariella arida, miss philippines, miss universe

3. Enter mo yong email address mo at piliin mo ang Philippines.

 miss philippines ariella ara arida for miss universe 2013, miss ariella arida, miss philippines, miss universe 4. E-rate mo si Ariella, e-todo mo na, piliin mo ang 10.

5. Pagkatapos etype mo sa box ang nakasulat na code.

6. E-check mo ang box na nagpapatunay na 16 years or older ka.

7. Tapos e-click mo ang VOTE.

miss philippines ariella ara arida for miss universe 2013, miss ariella arida, miss philippines, miss universe 8. Pagkatapos mong e-click ang Vote, may bagong screen box na lalabas. miss philippines ariella ara arida for miss universe 2013, miss ariella arida, miss philippines, miss universe

Pwedi kang bomoto hanggang sampu (10) beses kada email address sa isang araw. Kung marami kang email addresses, sige boto lang ng boto. Ten times kada email. Kaya boto lang ng boto para sa Miss Universe 2013.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, October 8, 2013

Full Video of Daniel Padilla Live A Birthday Concert

daniel padilla birthday concert, kathniel birthday
Na miss mo ba ang birthday concert ni Daniel Padilla live sa Araneta Coliseum last April 2013? Nakita ko ang full video na ito kaya naisipan kong e-post dito. Naaalala ko pa nung pasikat na sana si Karla Estrada tapos biglang nabuntis ni Rommel Padilla. Eighteen years na pala yun at ngayon na heto na si Daniel Padilla. Dinig ko sikat na sikat ngayon sa Pinas hindi lang sa mga kabataan kundi pati na rin sa mga middle age at matatanda.

Naintriga ako sa batang ito at tinitingnan ko nga mga video guestings niya at photos. Malakas nga ang appel niya. Kuha kuha niya ang appeal ng uncle niya na si Robin Padilla dati. Mas bata nga lang itong nagsimula sa showbiz.

Anyways, here's the video. I hope mag p-play pato kasi anytime pweding tanggalin ng nag upload. Enjoy! Pakishare naman sa mga friends niyo. Thanks!


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, August 12, 2013

Sa Mandalay Bay Las Vegas

Nitong nakaraang lingo napunta ako sa Las Vegas Nevada. Sa Mandalay Bay Hotel kami nag stay para sa isang napakalaking business convention na sinaluhan namin. Ito ay ang taon taong Retail Solutions Providers Associations (RSPA) Retail Now show. Ito ang pinakaunang taon na nasama ako sa kompaniya namin.



Mandalay Bay las vegas nevada, sin city
Marami akong nakilala doon, lalo na mga Asians rin galing China, Korea, Taiwan na lumipad papunta dito sa Amerika para lang sumali sa ilang araw na exhibit ng naturang show. Nakakatuwa ngang isipin na may isang Pinay rin na pinadala ng kompaniya niya dito sa US para lang sa RSPA Retail Now Exhibit. Napakahaba pa naman ng byahe galing Pinas puntang US. Sa palagay ko mga labing liba hanggang labing walong oras yata ang direct flight.



RSPA Retail Now 2013 Mandalay Bay Las Vegas NV

Maganda sana ang Las Vegas kaso mas mainit. Napaka humid kompara sa nakasanayan ko nang klima sa Seattle, Washington. Pag dating namin doon, kailangan naming tanggalin mga business suits namin at magpalit ng sleeveless dahil ang init (90 F = 32.22 degree C).


 photo DSC00037111_zps6c8581f0.jpg
Malaki ang Mandalay Bay Hotel Casino at may malaking mall sa loob nito. Medyo malayo ang lalakarin papuntang venue ng mga business events. Wala akong dalang flat shoes at ang sakit na ng paa ko kakalakad. Mabuti nalang at may mall sa loob, nakabili ako ng flat shoes kung di mahihirapan ako sa ilang araw na business convention.  Karamihan sa mga babae doon may bitbit na flat shoes. Pagkatapos ng exhibit, business  networking, business seminars or business party nagpapalit ng sapatos dahil medyo mahaba habang lakaran pabalik sa kanya kanyang kwarto ng hotel.

Lesson learned ko talaga ang magdala ng flat shoes kahit isang pair lang kasi kung nasa ibang locations kami, sira ang business conventions ko, hindi ako makapag focus sa trabaho. Kailangang comfy shoes at clothing.

Kung papipiliin ako, hindi ako titira sa Las Vegas. Maganda rin ang Las Vegas pero para sa akin mas maganda pa rin tirhan ang Seattle. Ok lang ang Las Vegas for fun, siguro kung ang trip na ito ay hindi para sa trabaho tiyak na mas enjoy ako dahil sa napakaraming libangan kaya nga naturingang "Sin City" dahil sa Casino, strip clubs, malls. Paglabas na paglabas mo pa lang sa eroplano, sa loob pa ng airport may slot machines na at libangan. 



Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, July 18, 2013

Dali Bumangon Ka

moving on, failures, pagbangon

Gustong gusto ko ang kasabihang ito ni Henry Ford, "Failure is only the opportunity to begin again, only this time more wisely."

Palaging sinasabi ng tatay ko dati, kapag nabigo ka, bangon kaagad at matuto kung bakit nabigo, at sumige lang patuloy na lumaban. Hindi kailangang maglugmok sa isang tabi at namnamin ang kabiguan. Paminsan-minsan nasasaktan tayo sa kabiguan pero kailangang e-pokus natin ang ating isipan sa positibong angulo. Wala nga namang tutulong sa sarili mo kundi ikaw lamang. Kahit sabihin ng maraming tao sa paligid mo na bumangon ka at lumaban, kung ayaw mo, walang mangyayari sa iyo.

Dati nahihirapan akong tumayo kaagad at lumaban. Nasanay akong magluksa sa kamalian at maging malungkot muna ng pagkahaba habang panahon, hanggang napansin ko na kahit anong mangyari sa buhay ko, patuloy na umiikot ang mundo. Napansin kong sayang ang oras na ibinubuhos ko sa pagluluksa ng pagkakamali. Natuto akong magbasa ng mga aklat na nagbibigay inspirasyon at aral sa buhay. Natuto akong makinig sa mga audio at manood ng mga presentasyon na mapupulotan mo ng positibong ideya, at doon na nga ako natutong mag-isip at tumingin sa positibong angulo at huwag nang pansinin ang kabilang dako.

Kaya kapag ikaw ay nabigo sa alin mang aspeto ng iyong buhay, pag-ibig man, trabaho, sa pagkakaibigan, negosyo o sa ano pa man, DALI! Bumangon ka at yakapin ang magandang simula. Tanggapin mong kasali ng sa buhay ang pagkakamali para matututo tayo, maging mas mabuting tao at maging wiser.

May kaibigan akong babae at magkahawig ang negosyo namin, kapag ka may mga pagkakamali kaming nagagawa sa business namin, gaano man kaliit, tinatawanan nalang namin at sinasabi namin sa isat-isa na "charge to experience", pinapakahulugan namin na sa susunod maging mas maingat na kami at mas alam na namin kung ano ang gagawin. Syempre nalulungkot din kami, pero hindi na tulad ng dati na parang pinipiga talaga namin ang kalungkutan, ngayon mas madali na kaming mag move on at tinatanggap nalang na challenge to do better next time. Sayang ang oras.

"Pagkabigo't alinlangan gumugulo sa isipan, mga pagsubok lamang yan. Huwag mong itigil ang laban." - Pagsubok by Orient Pearl 

Dali, Bumangon ka!



‎Failure‬. Kabiguan. Though it once was the most dreaded F-word, we now live in a culture where entrepreneurs embrace the concept, mainly because of what can happen after the fact. A lot of people provided more insight as to how aspiring entrepreneurs can better handle failure to use to their advantage in business.

Nailathala sa Entrepreneur.com ang mga paborito nilang istorya ng kabiguan, basahin at ma-inspired: "How Failure Made These Entrepreneurs Millions"

Ikaw? Paano ka kapag nabibigo?


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...