Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, September 13, 2012

Iba Ka Na Pala Ngayon



Malimit nating marinig ang katagang "iba ka na pla ngayon". Ano nga ba ang dahilan at paminsan minsan nabibigkas ng ating mga kaibigan o' kakilalang matagal na nating hindi nakausap o nakikita ang mga katagang ito. Ikaw ba, nagamit mo na ang mga salitang ito patukoy sa isang tao? Naalala mo ba kung nasambit ang mga wikang ito? Bakit nga ba natin nasasabing "iba ka na pala ngayon?" ito ba ay katagang nagtataglay ng tampo? o' pagkagulat sa laki ng pinagbago ng katauhan ng dating kilila mo? o' ang kasabihang ito bay sadyang binibigkas ng tao sa kadahilanang "wala lang". Katulad ng mga maraming kabataan ngayon ng nagbibigkas o nakakagawa ng iba't ibang salita, patungkol sa kung ano ano lang at nagpapahiwatig sa walang kasiguraduhang kahulugan.

Ano nga ba ang rason at kadahilanan ng mga wikang "iba ka na pala ngayon?"

Dati naalala ko, may napagsabihan ako ng mga katagang ito. At nasabi ko ang mga salitang iyon sa laki ng aking tampo sa tao. Madalas nangyayari ito sa magkakaibigan, lalong lalo na sa matalik na magkaibigan o' sa magkakapatid. Madalas kasi, nagbabago ang isang tao, hindi sa pisikal na anyo kundi sa pag-uugali nito at sa pakikitungo sa iyo. Bakit nga ba ganun? Sadya bang madali ang lumimot at mabilis lang sa ibang tao ang mag-move on at kalimutan ang lahat ng pinagdaanan ng samahan at pagkakaibigan?

Ikaw? Iba ka na ba? Kung ito'y nasabi mo na sa iba, bakit nga ba sila iba na?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Saturday, September 1, 2012

Santo Nino, Kaluwasan Ko Lyrics

I love this Catholic Cebuano song about Santo Nino. Ito iyong Grand Prize winner ng 2009 sa 3RD HUNIÑO-Huni Halad Kang Señor Santo Niño De Cebu. Kinakanta ko to sa bahay palagi, lalo na sa umaga. The song "Santo Nino, Kaluwasan Ko" is composed by Engr. Emmanuel Abellana and interpreted by Oscar Pragas.

Play the video below:



SANTO NIÑO, KALUWASAN KO Lyrics

I
SA TANANG PANAHON
PAGADAYGON UG SIMBAHON KA
BALAANG DIOS, O BATANG HESUS
IHALAD KO KANIMO, KINABUHI UG AKONG KALAG


II
PUNO IKAW SA KAAYO UG PASAYLO
WAY SAMA ANG GUGMA MO
SA KALOOY KAMI HATAGI
O DALANGPANAN, AMONG GABAYAN


KORO: SANTO NIÑO, SEÑOR SANTO NIÑO
TUDLO-I KAMI, LAMDAGI GINOO
PAGSUNOD SA MGA HIYAS UG SUGO MO
SANTO NIÑO, KALUWASAN KO


III
ISANGYAW KO KATINGALAHANG MGA BUHAT MO
MGA HUNI IGASA KANIMO
HIMAYAON KA KANUNAY
BATANG GAMHANAN, HARI SA TANAN
(REPEAT KORO)

BRIDGE:
SA KADULOM UG KALISDANAN
IKAW ANG KAHAYAG NGA MODAN-AG
SANTO NIÑO, TABANGI AKO
MAANGKON ANG KALUWASAN


(REPEAT KORO)

SANTO NIÑO, KALUWASAN KO

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, July 24, 2012

Lutong Bingkay: Pork Vinaigrette with Chicken Cream

Nag imbento na naman ako kagabi ng luto. Mabuti nalang at hindi disaster ang resulta at ang luto ay napakasarap. Soft, creamy, yummy!. Oo! abay pati ako ay nagulat. Ito pinangalanan kong Pork Vinaigrette with Chicken Cream.

pork vinaigrette chicken cream
Pork Vinaigrette with Chicken Cream Photo © by Vivian Evans
(Click Photo to Enlarge)

Dito sa Pork Vinaigrette with Chicken Cream, nilagyan ko ng Caesar Vinaigrette with Parmesan dressing and marinade ang pork, tapos tinakpan ko ng foil at niluto sa oven 300 degree F ng dalawang oras para lumabot ang karne. Saka ko na nilipat sa stove top at dinagdagan ng konting gulay. Hindi ko nilagyan ng tubig yan. Talagang nababad sa Cream of Chicken at gulay ang karne. Pinaresan ko ng Fettucine pasta. Complete Pork Vinaigrette with Chicken Cream Recipe at Bingkay.net.

Halika, kain tayo!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Saturday, March 10, 2012

Jessica Sanchez I Will Always Love You American Idol 2012


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, March 5, 2012

Jessica Sanchez pasok sa American Idol 2012

May Filipino na naman sa American Idol ngayong tayon 2012. Inaabangan ko na ang magiging journey ni Jessica Sanchez sa live shows ng American Idol.

Sixteen years old lang pala si Jessica Sanchez pero ang galing niya. Sana manalo, o magtagal man lang sa show para mas maraming exposure pang makuha niya. Kita niya naman sa video sa itaas kung gaano ang supporta ng pamilya niya. Iba talaga ang Filipino, tapos half Mexican din pala siya. Super family support. Sana Manalo :-)

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, February 29, 2012

Kayod Kayod Kayod



Kayod Kalabaw na naman. Dahil ang trabaho ko ay nasa computer, nananakit na minsan ang mga daliri ko sa kakatype at kakapindot ng keyboard. Natawa lang din ako ng makita ko ang picture na ito. Hindo ko po mga daliri at kuko itong nasa litrato. HIndi ko kilala ang may-ari. Hindi siya halatang mahilig mag facebook ha? :-)

Namiss ko ang kanta ng APO hiking Society na "Kayod Kayod". Sabi nga naman ng Panginoon, kayod lang ng kayod, saka sabayan ng ibayong dasal. Pasasaan bat maaabot rin ang gustong abutin.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Congrats to the New Lawyers in the Philippines

Inilabas na ng Supreme Court ng Pilipinas ang mga litrato ng Top 10 examinees na pumasa sa 2011 Bar exams. Ang Ateneo Law School daw ang nangunguna sa bilang ng mga bagong lawyers. Congratulations sa lahat ng pumasa, mga bagong lawyers ng Pilipinas, lalong lalo na sa Top 10. Hindi yata biro ang pumasa sa bar exam, lalong lalo na ang mapabilang sa top 10.

Ang Philippine Bar Examination ay ang propesyonal na pagsusuri sa licensure para sa mga abogado sa Pilipinas. Ito ay ang tanging propesyonal licensure na pagsusulit sa bansa na hindi supervised ng Professional Regulation Commission (PRC). Ang Philippine Bar Examination ay eksklusibo na pinangangasiwaan ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas sa pamamagitan ng Supreme Court Bar Examination Committee. 

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, February 28, 2012

Dual Citizenship

Noong nagdaang taon, buwan ng Oktobre ay binalikan ko ang pagiging Filipino. Sa puso at isip ko, hindi naman talaga nawala ang pagka-Pilipino ko. Nagulat nga ako nang malaman ko na kailangan ko pa palang magpasa ng application para maging Pinoy ulit (technically).

Naging American Citizen in 2009. At dahil nga wala naman akong alam na may kailangan pa pala akong gawin tungkol sa aking Filipino Citizenship, wala akong ginawa. Ang Philippine Passport ko naman ay valid pa. Pero pagkalipas ng ilang taon, na kailangan ko na namang mag-renew ng Philippine passport ko, saka ko lang napag-alaman ang mga tamang processo.


Hindi naman labag sa batas ng United States ang magkaroon ng dalawa o' maraming citizenship ang isang tao. Subalit, dahil sa nakasaad sa sumpa or Oath of Allegiance ng United States, na binibigkas ng mga bagong citizen sa panahon ng Naturalization ceremony, automatic daw na naiwala ang pagkaPilipino sapagkat nasa sumpa ng United States allegiance ang pagdeklara at panunumpang ganap at lubusang itakwil at magtakwil sa lahat ng katapatan (loyalty) at katapatan sa anumang banyagang prinsipe, potentate, estado, o kapangyarihan ng kanino o kung saan dati-rati ako ay isang paksa o mamamayan. Kaya kinailangan kong bawiin ang pagka Filipino ko sa pamamagitan ng Philippine Citizenship Retention and Reacquisition.

Sino ang kwalipikado upang mag-aplay sa ilalim ng Philippine Citizenship Retention at Reacquisition Batas ng 2003? Iyon lamang mga natural na-ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas na nawala ang kanilang Philippine citizenship sa dahilan ng kanilang naturalization bilang mga mamamayan ng ibang bansa. Katulad ko na ipinanganak sa Pinas sa mga Pinoy na magulang. Ang mga katulad kong natural-born Filipino ay maaaring mag-apply upang mapanatili o' mabawi ang Philippine citizenship sa ilalim ng Batas na ito.

Ang Republic Act No. 9225, na kilala din sa tawag na RA 9225 o' Citizenship Retention and Reacquisition Act of 2003 (mas kilala bilang Dual Citizenship Law) ay hindi akma o' hindi para sa mga taong dati nang dual citizen o' ang mga may parehong Filipino pati na rin ang mga banyagang citizenship na hindi nakuha sa pamamagitan ng naturalization. Sa ilalim ng prinsipyo ng hinalaw na pagkamamamayan, ang mga binata mga bata sa ibaba ng labing-walo (18) taong gulang, lehitimo, sa labas, o ampon, ng mga na reacquired kanilang Philippine citizenship sa ilalim ng batas na ito ay dapat ding itinuturing na Filipino citizen. Subalit, mayroong isa pang uri ng dual citizenship, na hindi sakop ng batas na ito. Ito ay sa mga dual citizen sa pamamagitan ng kapanganakan (dual citizen by birth). Ang isang bata na ipinanganak sa Estados Unidos kapag ang magulang alinman noon ay pa rin na Filipino ay itinuturing na isang kambal mamamayan mula sa kapanganakan. Saan pweding mag-aplay para sa re-acquisition ng Philippine Citizenship? Pweding mag-apply sa Pilipinas, pwedi rin sa labas ng bansa. Ang isang dating natural na ipinanganak na Filipino citizen na nasa Pilipinas at nakarehistro sa Bureau of Immigration ay maaaring mag-file ng isang petisyon sa ilalim ng panunumpa sa commissioner ng ​​Immigration para sa pagkansela ng Alien Certificate of Registration (ACR) at labas ng isang Sertipiko ng Identification (IC) bilang ang kaso ay maaaring, sa ilalim ng RA 9225.

Dual Citizenship 
Saan ako mag-aplay para sa re-acquisition ng Philippine Citizenship kung ako sa ibang bansa? Ang isang dating natural na ipinanganak na mamamayan ng Pilipinas na kasalukuyang nasa ibang bansa ay dapat mag-file sa pinakamalapit na Philippine Embassy o Konsulado para sa pagsusuri. Halimbawa sa akin, nag-file ako ng Application for reacquisition of Philippine citizenship dito sa Philippine Embassy sa US. Matapos ang application ay naproseso at naaprubahan, makipag-ugnay sa Embahada o Konsulado sa isang paunang natukoy na petsa para sa Philippine Citizenship Oath Taking sa harap ng isang opisyal ng konsulado. Pagkatapos aplikante ay manumpa sa harap ng Philippine Consul,  siya ay makatanggap ng orihinal na kopya ng kanyang notarized oath of allegiance to the Philippines (Sumpa ng katapatan) kasama ng Order ng ​​Approval na ibinigay ng Konsulado. At pagkatapos ng oath-taking, may dual citizenship na, at pwedi na ulit kumuha ng Philippine passport.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...