Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Friday, November 27, 2009

Ha? Lung Cancer?

Halos sampung taon na ang lumipas nang una ko siyang makilala sa Pilipinas. Isa siyang German-American na pabalik-balik sa Pilipinas dahil gustong gusto niya ang klima at ang magagandang tanawin sa ating bansa, lalo na raw ang pakikitungo ng mga Pinoy sa kanya.

Naging mabuti namin siyang kaibigan. Nag-uusap kami online, patungkol sa mga negosyo, pamilya at iba pa. Itinuring na namin siyang hindi iba lalo't nakikita naman namin siya sa web camera palagi. Nakasanayan na namin ang makipagchat sa kanya kapag nakikita naming available siya. Bagamat pareho na kaming nasa Amerika, hindi na kami nagkitang muli sa personal, magkaiba kami ng state, puro online na tsika nalang.

Nitong nakaraang mga araw, pagkatapos ng aking pangungumusta, bigla nalang siyang nalungkot at natahimik. Biglang tumayo, di makita sa camera at pagkaraan ng ilang minuto, bumalik sabay type na "i have lung cancer".

Ako naman ay nagulat, "ha??? lung cancer???". Nakakalungkot, lalo't 80 percent na raw ng kanyang lungs ang nakain ng cancer. Hindi ko alam kung papaano ko ilarawan ang expresyon ng kanyang mukha habang tinatype niya ang balitang iyon. Pero kung gusto niyo talagang malaman, isipin niyo nalang kung ano ang mararamdaman ninyo kung alam niyong bilang na ang inyong mga araw.

Ang masaklap pa, alam na alam niyang lagi naming sinasabi sa kanya, dati pa, na mukhang malakas siya masyadong manigarilyo, hitit buga, sunod sunod...at tandang-tanda ko pa, minsan isang araw nabigkas ko pa ang salitang "lung cancer", babala.

Narito ang isang informational Smoking and Lung Cancer video inteview kay Jay Lee, M.D., isang Surgical Director, Thoraric Oncology Program sa UCLA Medical Center. (Click to play).

Smoking And Lung Cancer


Ang kanser sa baga' (lung cancer) ay may matagal na kilala bilang sakit ng isang smoker, ngunit ngayon, ayon sa mga doktor, palaki ng palaki ang mga natatagpuang kaso ng kanser sa baga, sa mga taong hindi naninigarilyo at hindi kailanman nakapagsindi ng isang sigarilyo sa kanilang buhay. Paalala lang naman :)

Kung gusto niyo ang video, paki-share nalang ng link nito.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

1 comment:

A-Z-3-L said...

i'm a smoker... my dad and brother are!

pero thanks for this. hindi ko man maalis ang vice na un... pinipilit ko namang limitahan.

mahirap talagang magquit... :(

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...