Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Friday, November 27, 2009

Ha? Lung Cancer?

Halos sampung taon na ang lumipas nang una ko siyang makilala sa Pilipinas. Isa siyang German-American na pabalik-balik sa Pilipinas dahil gustong gusto niya ang klima at ang magagandang tanawin sa ating bansa, lalo na raw ang pakikitungo ng mga Pinoy sa kanya.

Naging mabuti namin siyang kaibigan. Nag-uusap kami online, patungkol sa mga negosyo, pamilya at iba pa. Itinuring na namin siyang hindi iba lalo't nakikita naman namin siya sa web camera palagi. Nakasanayan na namin ang makipagchat sa kanya kapag nakikita naming available siya. Bagamat pareho na kaming nasa Amerika, hindi na kami nagkitang muli sa personal, magkaiba kami ng state, puro online na tsika nalang.

Nitong nakaraang mga araw, pagkatapos ng aking pangungumusta, bigla nalang siyang nalungkot at natahimik. Biglang tumayo, di makita sa camera at pagkaraan ng ilang minuto, bumalik sabay type na "i have lung cancer".

Ako naman ay nagulat, "ha??? lung cancer???". Nakakalungkot, lalo't 80 percent na raw ng kanyang lungs ang nakain ng cancer. Hindi ko alam kung papaano ko ilarawan ang expresyon ng kanyang mukha habang tinatype niya ang balitang iyon. Pero kung gusto niyo talagang malaman, isipin niyo nalang kung ano ang mararamdaman ninyo kung alam niyong bilang na ang inyong mga araw.

Ang masaklap pa, alam na alam niyang lagi naming sinasabi sa kanya, dati pa, na mukhang malakas siya masyadong manigarilyo, hitit buga, sunod sunod...at tandang-tanda ko pa, minsan isang araw nabigkas ko pa ang salitang "lung cancer", babala.

Narito ang isang informational Smoking and Lung Cancer video inteview kay Jay Lee, M.D., isang Surgical Director, Thoraric Oncology Program sa UCLA Medical Center. (Click to play).

Smoking And Lung Cancer


Ang kanser sa baga' (lung cancer) ay may matagal na kilala bilang sakit ng isang smoker, ngunit ngayon, ayon sa mga doktor, palaki ng palaki ang mga natatagpuang kaso ng kanser sa baga, sa mga taong hindi naninigarilyo at hindi kailanman nakapagsindi ng isang sigarilyo sa kanilang buhay. Paalala lang naman :)

Kung gusto niyo ang video, paki-share nalang ng link nito.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, November 18, 2009

I'm Yours Acapella

Ang galing naman ng taong ito. Kantahin ba naman ang "Im Yours" ni Jazon Mraz ng Acapella, kanya pa lahat ng background. E-play niyo.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, November 17, 2009

Sige Sulong Lang

Our society is so caught up in winning, we forget that most of the great men and women in history have, at one time or another, failed at something. Often repeatedly, and discouragingly. But each failure is nothing more than a brick in the wall that forms the foundation of our success. We can't forget that.

—Carlton Young



Matira Matibay sa Buhay. Kung kailangang umiyak, sige iyak lang. Kung kailangang tumawa, hala tawa ng malakas. Madapa man, kailangang bumangon at muling lumakad...ng Pasulong :)

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, November 10, 2009

Cookies Mommy

Tawa ko naman sa videong ito. Nawala ng konti ang pagod ko sa kakatawa. Cute ng batang ito. Masdan mabuti ang mukha niya kakaexplain sa mama niya. Naalala ko tuloy iyong mga maliliit na tsikiting sa Pinas, mga pamangkin na nakakaalis pagod sa kulit.



Mommy naman, give him more cookies. Hahaha. Cookies lang katapat e!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Sunday, November 8, 2009

Connect With Me



Yup! I have Facebook. Konek tayo? Ano Email address mo dun? :)

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, November 5, 2009

Last Song Syndrome

Ay ewan ko't di ko namalayang kanina pa pala ako kanta ng kanta nito...last song syndrome nga. Inawat na ako ng kasama ko, nagrereklamo na sa sawa. Nadikit sa utak ko eh...paano ba yan? Sige nga kayo nga makinig at papasa ko sa inyo ang syndrome na ito....


Bread - Baby I'm A Want You Lyrics



Bread - Baby I'm A Want You Lyrics:



Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you
You the only one I care enough to hurt about
Maybe I'm-a crazy
But I just can't live without...

Your lovin' and affection
Givin' me direction
Like a guiding light to help me through my darkest hour
Lately I'm a-prayin'
That you'll always be a-stayin' beside me

Used to be my life was just emotions passing by
Feeling all the while and never really knowing why...

Lately I'm a-prayin'
That you'll always be a-stayin' beside me.

Used to be my life was just emotions passing by
Then you came along and made me laugh
And made me cry...
You taught me why...

Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you

Oh, it took so long to find you, baby

Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you



E replay niyo tapos pakinggan niyo ulit...tapos pakinggan niyo ulit...tapos ulit... hanggang magsawa kayo. OK? Pagpahingain niyo naman ako oy! Haha!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...