Nakakatuwang magkaroon ng mga panibagong kaibigan. Hindi man matalik, nakakadagdag sigla din sa damdamin. Kahit papaano ang bawat isa sa kanilay may bitbit ding kaligayahan.
Kani-kanina lang, sa isa ko pang blog, nakapanayam ko ang isang bagong kaibigan. Maiksi man ang aming usapan na idinaan lamang sa pagiiwan ng mensahe, parang totoo na ring nagkausap kami at kahit papaanoy nagkakilanlan. Ah! masarap talaga ang galaw ng teknolohiya. Naging malawak ang abot ng maliit na espasyong akin at naging mas maliit ang mundo. Sa pamamagitan ng konting pilantok ng kamay sa keyboard ng computer, ang mga taong nasa kabilang panig ng mundo ay naabot at nakakausap ng parang nasa harapan lang.
Hindi ko talaga maiwasang maalala si Bill Gates. Ang galing! Dumarami ang aking mga bagong kaibigang, casual man ang usapan, totoo naman ang hatid na ngiti sa labi at saya sa puso. Sana mas marami pang dumating.
Maghanap sa loob ng box
Custom Search
Tuesday, March 31, 2009
Mga Bagong Kaibigan
Labels:
Chikka Lang
Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.
Follow
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Happy 2018
Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...
-
I love this Catholic Cebuano song about Santo Nino. Ito iyong Grand Prize winner ng 2009 sa 3RD HUNIÑO-Huni Halad Kang Señor Santo Niño De C...
-
Hindi Ako Busy. Itong mga libro lang naman ang pinagkakaabalahan ko at ang trabaho. Aral dito aral doon, trabaho dito trabaho doon, at panak...
-
Madalas kong mamiss ang lutong Pinoy. Dahil dito, kapag may nakikita akong mga Filipino recipes, sinusubukan ko ito. Sa Pilipinas, sanay ako...
No comments:
Post a Comment