Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, March 31, 2009

Mga Bagong Kaibigan

Nakakatuwang magkaroon ng mga panibagong kaibigan. Hindi man matalik, nakakadagdag sigla din sa damdamin. Kahit papaano ang bawat isa sa kanilay may bitbit ding kaligayahan.

Kani-kanina lang, sa isa ko pang blog, nakapanayam ko ang isang bagong kaibigan. Maiksi man ang aming usapan na idinaan lamang sa pagiiwan ng mensahe, parang totoo na ring nagkausap kami at kahit papaanoy nagkakilanlan. Ah! masarap talaga ang galaw ng teknolohiya. Naging malawak ang abot ng maliit na espasyong akin at naging mas maliit ang mundo. Sa pamamagitan ng konting pilantok ng kamay sa keyboard ng computer, ang mga taong nasa kabilang panig ng mundo ay naabot at nakakausap ng parang nasa harapan lang.

Hindi ko talaga maiwasang maalala si Bill Gates. Ang galing! Dumarami ang aking mga bagong kaibigang, casual man ang usapan, totoo naman ang hatid na ngiti sa labi at saya sa puso. Sana mas marami pang dumating.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, March 25, 2009

Amidol Chat

Uwing uwi nako jan sa pinas
May puwang paba ako jan?
Baka masyado nang over populated
Gusto kong magbakasyon sa pinas
Lumubog sa dagat ng isang taon
O' kaya sa bundok mamalagi ng nag iisa
habang tumunganga sa bughaw na ulap

Gusto ko lang space
Makapag muni-muni
Pagod na pagod ang ale
Sa buhay at sa walang buhay

Gusto kong akyatin ang toktok ng magandang bundok
at sumigaw ng pagkalakas lakas

darNa!

Gusto kong pumikit ng ilang araw
At naway sa aking pagising pagkaing pagkadami dami ang aking kapiling...

Ahayyyy... LayP talaGa oO!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, March 12, 2009

Bye Horhey

Ay wala na si Horhey sa American Idol. Di naman siya ang pinakamahusay this year pero gusto ko siya dahil masayahin. Iyong tipong mababa ang kalooban, mabilis sumaya, simpleng tao. Mukhang magagaling ang napili ng mga judges this year ha! Nadala na yata sina Simon Cowell, Paula Abdul, at Randy Jackson nitong mga nakaraang taon kung saan may Sanjaya at iba pa na naging bulong bulongan ang kagalingan. Hindi ko naman sila minamaliit. Heck! wala nga ako sa kalingkingan nila sa pagkanta. Ang sinasabi ko lang eh, kung ikukumpara sa iba pang mga aspiring American Idol, mukhang nasa huli sila ng listahan, mukhang may mas magaling pa.

I think this year, si Danny Gokey aabot sa finals at saka yong Adam Lambert na birit ng birit. Hindi ko lang type ang make up niyang mukhang bampira. Pwedi nipisan ang make up please...

Gusto ko si Anoop..sweet kumanta pero I don't think malayo abutin niya. Crush ko si Danny Gokey. Ganda Lalaki, sarap ng boses. Hanggang dun lang muna, wag na nating pahabain at baka ano pa masabi ko.

Di halatang nagsusubaybay talaga ko ng American Idol ano?

Ikaw? Sino manok mo dun?

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...