Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Tuesday, January 2, 2018

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuhay. God is so good!


Ang daming kong leksyun na natutunan sa 2017. Isa na rito ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili. Minsan kasi mas inuuna natin ang ating mga mahal sa buhay na halos ikaw na masobrahan sa hirap. Nauunawaan ko na ang sinasabi ng iba na bago ka makapagbigay ng pagmamahal, pag-unawa at financial dapat buo ka muna, kundi mauubos ka. 

Sa 2017, natutunan ko ang sinasabi ng iba na "tunay" na kaibigan. Ngayon nauunawaan ko na kung ano ang tunay at pakitang tao lang. Dati kasi, akala ko, kapag andyan lang, tunay yun. Hindi pala. Nasusubok nga pala talaga ang tunay na kaibigan sa panahon ng kagipitan, yung gipit na gipit ka na talaga at siya na lang ang natitira mong pag-asa, tapos kahit labag sa loob mo wala kang ibang pagpipilian kundi ang humingi ng tulong tapos kahit alam mo namang meron, ay siyang pagtalikod sa iyo. Masakit yon. Pero mabait ang Panginoon kahit kailan hindi ka iiwan at kahit papaano, nakakaraos ka kasi padadalhan ka niya ng mga taong siyang aakay sayo habang sa ika'y lubos na makatayo.

Matthew 5:42 
Give to the one who asks you, and do not turn away from the one who wants to borrow from you.

Sa 2018, I wish you all good health, prosperity, and peace in your heart. I hope ito na ang taong makakamtan natin ang ating mga pangarap sa buhay. Darating yon kasi faithful ang Panginoon at tinutupad niya ang mga pangako niya. Sa tamang panahon ibubuhos Niya lahat ng biyaya ng para sa iyo. 😊 Happy New Year!

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, November 21, 2017

Congratulations ‪‪Nikki Gil‬, ‪BJ Albert‬‬

Congratulations kay Nikki Gil at BJ Albert sa pagdating ng kanilang bagong baby boy na si baby Finn. Ang cute cute ni baby. Ito ang larawang post ni Nikki Gil sa kanyang Instagram account. God is so good. Healthy sila pareho.

baby finn, Nikki Gil baby

Naka follow ako sa kanya kasi I'm a big fan. Nikki Gil is an absolute class. Maganda ang values niya, bibihira sa mga artista at feeling ko talaga, isa siya sa mga under rated actresses sa Pinas. Napaka galing niyang umarte. Sana nga dumami pa ang mga projects niya lalo na now na may baby na siya. Kung fan niya rin kayo, you can follow her instagram account at @nikkigil.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, June 29, 2017

Nandito Pa Rin Ako

Oo. Nandito pa rin ako.

Ang tagal ko na palang hindi nakapag post sa blog na ito. Ang dami daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naikwento sa inyo. Ilang taon na rin pala ang lumipas. Nasilip ko ang blog nato kasi gustong gusto kong magfocus sa pag-aaral ng Japanese (Nihongo). Magsisimula sana ako ng bagong blog pero ang dami ko na kasing blog, iba't ibang tema. At dahil walang update ang blog na ito, kesa magsimula ako ng bago, dito ko na lang ibubuhos ang mga trip ko.


Bakit gusto kong mag-aral ng Japanese language?

1. Gustong- gusto ko ng talaga ang Japanese language noon pa. Gusto ko rin ang kultura ng mga Hapon. Nasimulan ko noong mag self-study ng Nihongo kasi akala ko noon makakapag Japan ako. Akala ko kasi tutulongan ako ng pinsan kong makapunta sa Japan. Na broken-hearted din ako doon sa kakahintay. May naumpisahan na sana akong mga salitang Nihongo noon yun nga lang wala akong mapag-practisan kaya nakalimutan ko rin.


2. May mga pinsan akong nakapag-asawa ng Hapon. Naalala ko noong maliit pa ako, ang asawang Hapon ng pinsan ko ay ubod ng bait sa amin. Sa tuwing bumisita sila sa Pilipinas, may mga pasalubong kami, pero hindi ang pasalubong ang dahilan kundi ang kabaitan ng puso niya. Makikita mo naman sa kilos at sa mga mata ang tunay na nilalaman ng puso ng tao. Hindi ko makakalimutan. Ubod ng bait ni Narumi-san (sumalangit nawa).

3. Meron akong mga pamangking hapon. Ang iba, magaling mag-bisaya, mag-tagalog at syempre mag Japanese. Pero meron namang ibang hindi masyadong nakakapagsalita ng English at lalong hindi marunong mag bisaya at tagalog.

4. Subsob ako ngayon sa pag-rereview uli ng Math. Naisipan kong magkaroon ng alternative subject na pag-aaralan para di naman ako masobrahan na puro Math nalang.

5. Wala na akong maisip. Pero yong #1 na rason pa lang, sapat na. Gisto ko talaga at sana this time, ma-diretso ko ng ng bongang bonga. O, ano, go, go go. Mag- nihongo tayo?

Nandito Pa Rin Ako. Sana Kayo Rin Nandiyan Pa.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Tuesday, July 26, 2016

Hindi Ako si Basha Wag Ako

Dear feeling Popoy, 

Hindi ako si Basha, kaya huwag kang mag-astang Popoy. 

Wag Ako! 




Huwag kang umasa ng one more chance, dahil wala na tayong sequel.

Kung magma-mahal ka muli, Wag Ako!


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Monday, June 29, 2015

Pinakamahabang word sa English dictionary


pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis
- isang uri ng sakit sa baga

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Thursday, July 3, 2014

Kamsahamnida Thank You Salamat

Para sa mga gustong matuto ng Korean language.Here's another Korean word.  Memoryado niyo na ba ang "hello" in Korean? Kung hindi pa, balikan niyo muna ang old post ko dito.
kamsahamnida, kamsahamnita, thank you in korean, salamat in korean, korean-tagalog word, korean tagalog translation, learning korean, korean filipino, kamsahamnida in tagalog, tagalog korean 
  감사합니다 

Sometimes "Kam-sa-ham-ni-da" is pronounced as "Kam-sa-ham-ni-TA". Huwag na kayong magtaka kung may marinig karong puro Korean at ganyan ang pagkadinig niyo dahil sa Korean, ang tamang tunog ng "da" at "ta" ay parang nasa gitna ng "d" at "t". Kaya minsan pag pinakikinggan mong mabuti yong thank you nila, parang tunog "kamsahamnita" kaya yong ibang foreigner minsan gamit nila kamsahanita.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Wednesday, July 2, 2014

Nakakalula ang Kabaitan ng Diyos

Sa dinami daming hirap na pinagdaanan ko sa buhay, nandiyan pa rin ang Panginoon. Nakakalulang isipin ang kabaitan ng panginoon. Sa dinami ng mga luhang iniyak ko noon, kabiguan sa pag-ibig, problema sa pamilya, pagtaksil ng akala ko'y tunay na kaibigan, hirap sa trabaho, hirap sa pakikisama sa mga impossibleng boss, naku ang daming problema sa buhay pero
 ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Hinding-hindi ka Niya bibitawan. Iwan ka man ng mga kaibigan, itakwil ka man ng mga mahal mo sa buhay, madapa ka man, gumulong, gumapang, nandiyan pa rin ang Panginoon. Problema? Magdasal ka lang. Masakit? sige, iyak ka lang. Hindi natutulog ang Panginoon. Minsan may mga dasal tayong hindi niya agad binibigay dahil hindi talaga para sa atin, o' kaya hindi pa napapanahon. Siguro hindi pa tayo handa o' hindi bagay para sa atin. Naniniwala akong ang Panginoon ang may hawak ng pinakamagandang plano para sa iyo. Hindi ikaw. Kasi minsan kahit anong plano mo, kahit anong gusto mo sa isang bagay, hinding hindi mo makakamit kasi nga hindi laan o kaya'y hindi pa oras. Ang importante, kahit mabigo ka man, masaktan, sige dasal pa rin. Ibigay mo sa Panginoon lahat. Darating din ang araw na pagtatawanan mo nalang ang mga dasal na hindi inilaan para sa iyo dahil sa pagbalik tanaw mo'y maunawaan mo kung bakit kailangan mong umiyak at masaktan. Ialay mo lang sa Panginoon ang mga luha at problema. Ok lang yan. Maayos din ang lahat huwag ka lang bumitaw. Kapit. Kumapit kang mabuti. Nakikinig at nanonood ang Panginoon. God is in control. God is always in control. Maniwala ka.

ang bait bait ng diyos, grabe ang bait ng diyos, kabaitan ng diyos, nakakalula ang bait ng panginoon
Dati, sutil ako.  Tigas ng ulo ko. May mga sariling plano ako sa buhay. Dasal ako ng dasal at iyak ako ng iyak sa tuwing hindi dumarating yong mga pinagdarasal ko. Plano ako ng plano, nahihirapan naman akong tuparin. Ayoko na. Nakakapagod ang ganun. Ngayon binibigay ko sa Panginoon kahit ano. Parang nasakay ako sa barko at hindi ako ang kapitan. Nasa kay God ang control. Bumagyo, umaraw, ayoko nang mabahala. Alam ko naman, kahit anong hagupit ng bagyo, hindi malulunod ang barko. At kahit lunurin pa niya, okay lang. Siya naman nagmamay-ari ng lahat.

Ang bait bait ng Panginoon. Mga bagay na hindi mo nakikita at inaasahan. Yong hindi mo man lang naisip, biglang darating sa buhay mo. Bibigyan at bibigyan ka Niya ng paraan para bumangon. Wala talagang impossible sa Panginoon. WALA. Kung kailan kailangang kailangan mo siya, darating siya. Padadalhan ka niya ng sanlibong anghel para sagipin ka sa iyong problema. Nakakalula talaga ang kapangyarihan ng Diyos.

Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...