Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Thursday, June 29, 2017

Nandito Pa Rin Ako

Oo. Nandito pa rin ako.

Ang tagal ko na palang hindi nakapag post sa blog na ito. Ang dami daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naikwento sa inyo. Ilang taon na rin pala ang lumipas. Nasilip ko ang blog nato kasi gustong gusto kong magfocus sa pag-aaral ng Japanese (Nihongo). Magsisimula sana ako ng bagong blog pero ang dami ko na kasing blog, iba't ibang tema. At dahil walang update ang blog na ito, kesa magsimula ako ng bago, dito ko na lang ibubuhos ang mga trip ko.


Bakit gusto kong mag-aral ng Japanese language?

1. Gustong- gusto ko ng talaga ang Japanese language noon pa. Gusto ko rin ang kultura ng mga Hapon. Nasimulan ko noong mag self-study ng Nihongo kasi akala ko noon makakapag Japan ako. Akala ko kasi tutulongan ako ng pinsan kong makapunta sa Japan. Na broken-hearted din ako doon sa kakahintay. May naumpisahan na sana akong mga salitang Nihongo noon yun nga lang wala akong mapag-practisan kaya nakalimutan ko rin.


2. May mga pinsan akong nakapag-asawa ng Hapon. Naalala ko noong maliit pa ako, ang asawang Hapon ng pinsan ko ay ubod ng bait sa amin. Sa tuwing bumisita sila sa Pilipinas, may mga pasalubong kami, pero hindi ang pasalubong ang dahilan kundi ang kabaitan ng puso niya. Makikita mo naman sa kilos at sa mga mata ang tunay na nilalaman ng puso ng tao. Hindi ko makakalimutan. Ubod ng bait ni Narumi-san (sumalangit nawa).

3. Meron akong mga pamangking hapon. Ang iba, magaling mag-bisaya, mag-tagalog at syempre mag Japanese. Pero meron namang ibang hindi masyadong nakakapagsalita ng English at lalong hindi marunong mag bisaya at tagalog.

4. Subsob ako ngayon sa pag-rereview uli ng Math. Naisipan kong magkaroon ng alternative subject na pag-aaralan para di naman ako masobrahan na puro Math nalang.

5. Wala na akong maisip. Pero yong #1 na rason pa lang, sapat na. Gisto ko talaga at sana this time, ma-diretso ko ng ng bongang bonga. O, ano, go, go go. Mag- nihongo tayo?

Nandito Pa Rin Ako. Sana Kayo Rin Nandiyan Pa.


Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...