Sa gitna ng mga trahedya at kalamidad, ipinagdarasal ko ang muling pagbangon ng mga nasalantang Pilipino, mga nawalan ng mahal sa buhay. Bangon Pilipinas! Ipakita mo lakas at tatag ng iyong puso at mga kamay. Bangon!
Tandaan mong sa iyong ugat ay nananalaytay ang walang kamatayan dugo ng mga bayani, dugo ng katapangan ng mga matatag na ninuno. Bumagon ka at mamulaklak, hanggang sa magbungang muli ang henerasyon puno ng kalayaan at kaligayahan.