Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Monday, August 12, 2013

Sa Mandalay Bay Las Vegas

Nitong nakaraang lingo napunta ako sa Las Vegas Nevada. Sa Mandalay Bay Hotel kami nag stay para sa isang napakalaking business convention na sinaluhan namin. Ito ay ang taon taong Retail Solutions Providers Associations (RSPA) Retail Now show. Ito ang pinakaunang taon na nasama ako sa kompaniya namin.



Mandalay Bay las vegas nevada, sin city
Marami akong nakilala doon, lalo na mga Asians rin galing China, Korea, Taiwan na lumipad papunta dito sa Amerika para lang sumali sa ilang araw na exhibit ng naturang show. Nakakatuwa ngang isipin na may isang Pinay rin na pinadala ng kompaniya niya dito sa US para lang sa RSPA Retail Now Exhibit. Napakahaba pa naman ng byahe galing Pinas puntang US. Sa palagay ko mga labing liba hanggang labing walong oras yata ang direct flight.



RSPA Retail Now 2013 Mandalay Bay Las Vegas NV

Maganda sana ang Las Vegas kaso mas mainit. Napaka humid kompara sa nakasanayan ko nang klima sa Seattle, Washington. Pag dating namin doon, kailangan naming tanggalin mga business suits namin at magpalit ng sleeveless dahil ang init (90 F = 32.22 degree C).


 photo DSC00037111_zps6c8581f0.jpg
Malaki ang Mandalay Bay Hotel Casino at may malaking mall sa loob nito. Medyo malayo ang lalakarin papuntang venue ng mga business events. Wala akong dalang flat shoes at ang sakit na ng paa ko kakalakad. Mabuti nalang at may mall sa loob, nakabili ako ng flat shoes kung di mahihirapan ako sa ilang araw na business convention.  Karamihan sa mga babae doon may bitbit na flat shoes. Pagkatapos ng exhibit, business  networking, business seminars or business party nagpapalit ng sapatos dahil medyo mahaba habang lakaran pabalik sa kanya kanyang kwarto ng hotel.

Lesson learned ko talaga ang magdala ng flat shoes kahit isang pair lang kasi kung nasa ibang locations kami, sira ang business conventions ko, hindi ako makapag focus sa trabaho. Kailangang comfy shoes at clothing.

Kung papipiliin ako, hindi ako titira sa Las Vegas. Maganda rin ang Las Vegas pero para sa akin mas maganda pa rin tirhan ang Seattle. Ok lang ang Las Vegas for fun, siguro kung ang trip na ito ay hindi para sa trabaho tiyak na mas enjoy ako dahil sa napakaraming libangan kaya nga naturingang "Sin City" dahil sa Casino, strip clubs, malls. Paglabas na paglabas mo pa lang sa eroplano, sa loob pa ng airport may slot machines na at libangan. 



Hello po! Maraming Salamat po sa pagbisita dito sa aking maliit na espasyo sa internet. Ako po si Vivian, tubong Cagayan de Oro at kasalukuyang nakatira sa Ohio, USA. Bebing po ang palayaw ko at isa po akong bisaya kaya pagpasensyahan niyo na po ang baluktot kong Tagalog.

Follow

Happy 2018

Happy New Year everyone! 2018 na. Ang bait ng Panginoon na sa kabila ng mga pagsibok ay heto pa rin tayo't umabot at patuloy na namumuh...

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...