Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Friday, April 16, 2010

Yummy Fruity Smoothie

Yummy Fruity SmoothieTrip namin lately ang gumawa ng homemade smoothie, isang pinaghalo, pinalamig, kung minsan sweetened inumin na ginawa mula sa mga sariwang prutas o' gulay. Ang smoothie ay hawig sa milkshakes, hindi nga lang naglalaman ng sorbetes.

Dati na akong mahilig kumain ng prutas at gulay. Karamihan naman sa ating mga Pinoy ay mahilig kumain ng healthy. Minsan nag grocery ako, napadaan ako sa isang promo guy ng isang blender at nagde-demo, pinanood ko at naenganyo ako kasi walang halong iba, puro fruits lang, sinama pa iyong buto buto at ang maging ang orange fruit ay parang thin lang ang pagkatalop, iyong panlabas na skin lang ang tinanggal. The guy did not even add sugar, ice lang. Tapos try na namin yong ginawa niyang smoothie. Ang sarapppp. Naisipan namin, gawin sa bahay. Very healthy kasi tapos minsan may mga prutas sa bahay na hindi masyadong nakakain, ihalo nalang lahat. Haha! Sarap naman e. Healthy pa. At na-adik na kami. Woot!

1 comment:

Tonyo said...

Gusto ko makatikim nyan! masarap cguro yan..kasi mahilig ako sa prutas at gulay. :D

Nandito Pa Rin Ako

Oo. Nandito pa rin ako. Ang tagal ko na palang hindi nakapag post sa blog na ito. Ang dami daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naikwe...