Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Sunday, April 18, 2010

Turo ni Hachi: Katapatan

Hachi, Dog Story, Ba Be Bi Bebing, AsoMahilig ba kayo sa aso? Kung may alaga kayong aso o' hilig niyong manood ng palabas o' pelikula tungkol sa aso, huwag niyong kaligtaang panoorin ang pelikulang ito kung saan tampok ang isa sa mga paborito kong actor na si Richard Gere. Napakaganda ng istorya. One of the best movies I ever seen, sumakit nga lamang ang puso ko sa dulo ng pelikula pero napakaganda. Ang pelikulang ito ay base sa totoong pangyayari sa Japan. May mga DVD na ang title ng pelikula ay Hachi, meron ding iba na Hachiko ang titulo, adapted sa Japanese movie title nito.

Iilan lang sa ating mga tao ang nakakaunawa ng kahalagahan ng "katapatan". At ang katotohanan, maraming mga tao ang hindi pa rin nakakaunawa o' nagbibigay halaga nito. Ang katapatan ay isa sa mga pinakamahalagang bagay na tinitingnan ko sa tao.

Kung gusto niyong malaman ang tunay na kahulugan ng "pagmamahal at katapatan", panoorin niyo ang pelikula. Ipapakita sa atin ni Hachi ang tunay na kahulugan nito. At kung sa dulot dulo ng pelikula ay iiyak kayo at malulungkot, aba'y walang sisihan, hindi ko na kasalanan yan :) Heto nga pala ang thriller ng pelikula. E-play ang video sa baba.

Hachi: A Dog's Story (2009) Movie Thriller

2 comments:

Arvin U. de la Peña said...

i will try manood niyan..kasi matagal na rin akong hindi nakakapanood ng pelikula na umiikot ang istorya sa aso..ang pelikula na bida ang aso na napanood ko ay LASSY ang name ng aso..ewan kung iyon din ang pamagat..magandang pelikula talaga iyon......noong sabado sa PILIPINAS GOT TALENT ang isang contestant ay may alaga siyang aso at sumusunod talaga sa amo niya..sumasayaw ang aso..at iba pang mga pinaggagawa sa aso..dancing dog talaga..booger ang name ng dog..para mo makita ay punta ka sa youtube at search mo ito pilipinas got talent, dog talent.....makita mo iyon..tiyak matuwa ka....kung hindi man ay ito na lang copy paste mo

http://www.youtube.com/watch?v=VobVMNZum-w

freecallsphilippines said...

i loved this movie. Loved, loved loved it!:) i watched it on HBO and cried my eyes out. :)

Nandito Pa Rin Ako

Oo. Nandito pa rin ako. Ang tagal ko na palang hindi nakapag post sa blog na ito. Ang dami daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naikwe...