Follow by Email

Kahit Sino Pa

Michael JacksonKahapon habang nanonood ako ng TV news, napag-alaman kong dali-daling isinugod si Michael Jackson, isa sa pinakamagaling at pinakasikat na entertainer sa buong mundo. Ipinakita sa TV na ang legendary King of Pop ay nasa sasakyang pang medikal emergency. Hindi ko lang masyadong pinansin, dahil akala ko, lalabas siyang buhay sa ospital na pinagdalhan sa kanya. Live na nakatutok iyong estasyong pinapanood ko. Mga 28 minutes later, sabi ng news anchor, idineklara siyang patay. At isa ako sa mga fans na nagulat. Akala ko kasi, lalabas siyang buhay sa ospital na iyon. Pabalik-balik na ipinakita ng stasyon ang kanyang nakaraan mula umpisa ng career niya, hanggang sa tumada na at nagkaroon ng kontrobersya sa buhay niya. Iba't-ibang angulo at video ang pinapakita. Iyon na ang pinaka-balita magdamag.

Marami siyang alalay sa buhay. May taga bitbit pa ng payong sa tabi, palagi. At hindi naman maikakaila na ibayong tagumpay ang kanyang natamasa. At ibayong yaman ang napagdaanan. Paulit-ulit..

Pero nang inilabas na siya sa ospital na iyon, matapos ideklarang patay, ang live na eksenang iyon ang nagtatak sa aking isipan.

Papuntang Helicopter, balot siya ng puting kumot at apat na tao ang may karga sa kung saan siya nakahiga, walang alalay na nakasunod at walang tagapayong. Parehong eksena sa mga ordinaryong tao. Ibang-iba sa mga videong ipinakita, sa tagumpay na natamasa.*

Kawawa naman ang naiwang anak ni Michael Jackson. Tiyak magiging circus ang mga susunod na araw, para sa pagdedesisyon kung kanina mapupunta ang tatlong anak niyang tagapagmana. Siguradong pagkakaguluhan at pag-aagawan ang mga batang ito.

Ang tao talaga, gaano man kayaman, pagdating sa kamatayan, nagiging pantay-pantay. Wala talagang madadalang kayamanan sa huling hantungan. Ang katotohanang ito ay hindi naman ligid sa kaalaman ng tao. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit marami pa rin ang umaastang sila'y nakalalamang at kung magtrato ng kapwa'y akala mo kung sinong hindi namamatay. Kahit sino ka pa, pagdating sa libingan, ikaw at ikaw lang din ang maiiwan. Kung ang katawan nga hindi madadala, kayamanan pa?

*Magulo man ang personal niyang buhay, hindi maikakaila ang napakalaking impluwensiya at tagumpay niya sa musika. Isang malaking pagpupugay para kay Michael Jackson.

Paalam MJ. Sumalangit nawa.

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

pagkaing pagpag, pag-pag
Nagulat ako at naawa nang makita ko ang videong ito. Ito ay bahagi ng katotohanan at isa sa mga salamin ng kahirapan sa Pilipinas. Medyo napa smile lang ako ng bahagya nang makita kong nakatawa pa rin at masasaya ang mga tao sa video. Mabuti nalang likas tayong mga Pinoy na masayahin at mapagbiro. Mas lalo tayong nagiging matibay sa buhay dahil sa kagawiang ito.

Hindi ko rin alam ano ang pagkaing pagpag. Ni hindi ko pa ito narinig dati. Dito ko na lamang sa video nalaman. Sa nalalapit na eleksyon, sana ang nasasalaming kahirapan ng videong ito ay masama sa isipan at adhikain ng mga gustong maglingkod sa bayan.

Ito ay video ng Sine Totoo ng GMA. E-play po lang po ninyo. Pakinggan pong mabuti ang sinasabi sa pinakadulo ng video at naway maging gabay natin ang mga binigkas na salita ni Hawie Severino.

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

Kundi Ba Naman Bastos...

Kausap ko kanina sa yahoo messenger ang isang taong mahalaga sa akin. Siya iyong dahilan ng mga malulungkot kong kwento nitong mga nakaraang buwan. Pero syempre tinago ko na ang ilan sa mga posts na iyon, masyado na kasing personal. At ngayong may mga bisita na rin ang blog na ito, ipinasya kong mag cool na at huwag masyadong magkalat ng kalungkutan sa mundo. Kasi karamihan sa mga bisita ko'y nagbabasa at ayoko namang maramdaman nila ang emotion ko na palagi nalang malungkot at galit. Ganun ako magbasa ng mga blogs. Nararamdaman ko at naiintindihan ang emosyon ng nagsulat, parang naeexperience ko rin ang mundo niya, kaya nga enjoy ako sa pagbabasa ng iba't ibang blogs.

May ilang mga buwan na rin na madalas kaming magtalo sa mga personal na bagay. At dahil malayo kami sa isa't isa, kahit magkatabi lang ang bansa namin, nahihirapan kaming ayusin ang problema. Habang nagch-chat kami at nagtatalo, bigla nalang may nagtype na galit, naunawaan ko naman agad na hindi siya kasi biglang nag-iba ang tema at biglang nagtagalog, eh bisaya kaming pareho. Nainsulto ako. Kundi ba naman siya bastos, bakit biglang nakikisawsaw sa may usapan? Hindi naman niya ID at lalong hindi siya ang kinakausap ko. Eh hindi ko nga alam na nandoon siya. Halerrrr? Biglang nang-agaw ng keyboard at nagtype???? Tapos nagtapang-tapangan, nang-away....WTF (wat the fish...lolz!) Hindi daw ba ako nakakaintindi ng tagalog? Eh tagalog nga mga sagot ko sa mga message niya. Nang-insulto? . Tapos nag eenglish-english. Iningles ako. Ha ha ha ha.



Na provoke ako. Bastos na, nakikisawsaw sa usapan, tapos nang-insulto, nagmagaling pa. Tinawag pa akong loser. Hahahahahaha. Tapos nagtaka siya bakit ako tawa ng tawa. Sino kayang loser sa aming dalawa? Ay pinatulan ko na, inunahan ako e. Patawarin ako ni Lord, pag ako inunahan, Juice ko Day!!!! Mabait ako sa mga mababait sa akin, kapag magsasalbahe ka lang, huwag sa akin. Kasi mabait ako eh..... huwag subukan. Hik hik Hik!

Respect Begets Respect.
Kung gusto mong igalang ka, matuto kang gumalang at lumagar ng tama.

Tabi-tabi po.

Ito pa...ibubulong ko...
Mag-ayos ayos!

Hik Hik Hik!

O di ba ginawan talaga ng blog...kasi sumisilip yata yon dito e. Dis is eyspesyali por hir and ol dat ar layk hir. Hikhikhik!

Ay downt layk pipol ho ar bit ches bat ay lav beach.

Quote of the day: Maging wais na pusa, siguradohing tumahol sa tamang puno, dahil ang punong santol ay nambabato rin ng nagmumurang-kamatis....at mais


Wahahaha...
Get's niyo?

Mga Sagot sa Tanong Ni Ano

Mapangahas na mga tanong ni Ano (ayaw niyang pangalanan siya...siguro may utang o' hinahanap ng batas). Sinagot ko naman, natyempong wala akong magawa at nakikichikka lang din (utuin din). Sige basahin niyo, hindi ko na kasalanan kung maantok kayo, mainis, masuka, magutom at iba pa. Kilalanin daw si Ako. (Updated: January 06, 2010)



1. Sino si Bing?

Simpleng tao. Tahimik na madaldal. Seryosong mapagbiro.

2. Pwedi bang dagdagan? Sobrang iksi, yong mas malinaw.
Isa akong lisensyadong guro sa Pilipinas na dating nagtuturo sa Pinas ng Mathematics at Physics sa Highschool. Nagtutor din ako sa mga estudyanteng nasa kolehiyo at elementarya noon. Six ako nang mag-grade 1. Nineteen ako nang matapos sa kolehiyo, 20 ako noong magsimulang magturo sa isang napakalaking unibersidad sa amin.

3. Huh? 20 nagturo ka na?
OO maaga akong naggrade 1.

4. More pa...
Tama na yun.

5. Saan Ka Ngayon?
Nandito ako ngayon sa US. Matagal-tagal na rin ako dito. Mga ilang taon na, pero nami-miss ko pa rin ang Pilipinas, ang mga mukha ng mga taong nagmamahal sa akin, mga kapitbahay na kahit tsismosa ang iba, totoong may pakialam naman at malasakit ang karamihan, ang mga pagkaing gulay at prutas na mga paborito ko, ang mga natural na magandang tanawin. Ang jeepneys nag-iingay ng teeeettttttttttttt..tettt...tettt... Busina dito at doon, kahit obvious nang traffic at walang mapagdaanang iba. Hahaha. Lahat ng iyon, miss ko. Totoong ibang-iba ang Pilipinas at ibang-iba ang mga kaugaliang Pilipino. Mas namiss ko at mas naging makabayan nang malayo ako.

6. Ano ang Ginagawa mo jan?
Nagt-trabaho. Nagb-blog. Nag-gagarden din ako. Nag-aaral, balik-estudyante ako. This time sa linya ng Medisina naman. Sana matapos ko.

7. American Citizen ka na?
OO. Filipino at American Citizenship.

8. Edad?
Secret. Huluaan mo kaya? Nasa kalendaryo pa ang numero ko.

8. Status?
Civil. Lolz.

9. Maganda Ka.
Tanong yan?

10. Hindi... Ano ang maganda para sa'yo?
T.Y kung ganon. Ang kagandahan ng tao ay nasa tumitingin nito. Para sa akin ang kagandahan ng tao ay ang kabuuan nito; ang pisikal, moral, intelektwal, social at iba pa. Tamang timpla lang. Tamang asal, tamang galaw, tamang pag-iisip, tamang pilosopiya, tamang matapang, tamang duwag, linis sa katawan, tamang daldal, tamang tahimik at tamang biro. Kung ano ang timbang ng "tama", depende na sakin. Katulad mo, may mga criteria ka rin kung ano ang maganda at ano ang tama sa paningin mo.

11. Pilosopo Ka Ba?
Parang naririnig ko ang mga friends ko nagsasabing Mismo! Hahahaha. Sige na nga.... Oo, pero hindi ako namimilosopo. Makikinig lang ako at mag-iisip, baka mabago mo ang isip ko, kung hindi naman, okay lang. Lahat tayo may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Kung hindi ako sang-ayon sa iyo, irerespeto pa rin kita at hindi ako makikipagtalo sa'yo. Syempre opinyon mo at paniniwala mo iyon. Lahat tayo may sariling paninindigan, pero hindi natin kailangang mamilosopo at manlait sa tao para lang maipakita nating mas magaling tayo. Ang tunay na magaling, talsikan man ng putik, magaling pa rin..kusang kikinang ang powers..LOlz!

12. Ano ang ayaw mo sa tao?
Ayoko ng maarte, nagmamagaling, sobrang plastik, at walang respeto sa kapwa. Tama na iyon kung dadagdagan ko pa, baka magmukha na akong nagmamarunong, hindi rin naman ako perfect. May mga shortcomings din ako. Basta importante sa tao ang balanse. Tamang timpla lang.

13. Masama ka Bang Kaaway?
Hindi ako nang-aaway.

14. Hindi.... Masama ka Bang Kaaway?
Hindi nga ako nang-aaway. Lolz..

15. Eh! Paano kung awayin ka?
Ano yan bata? Lolz...Kasalanan na nila iyon. Basta hindi ako nang-aaway. Pag inunahan ako at inapak-apakan, ibang usapan na yan. Tamang mabait lang ako...hindi santo. Kung away ang gusto di sige pagbigyan. Hahahaha. Mabait ka na nga, aawayin ka pa? aba'y naghahanap na talaga ng gulo yan.

16. Ikaw ba palagi kang nakatawa?
Madalas. Hindi naman sumasakit ang aking panga. Mababaw lang kaligayahan ko eh, minsan drama na ang palabas nahahanapan ko pa ng funny something. Kung gaano ako kabilis tumawa, ganun din ako katagal magalit. Galit na silang lahat, ako cool lang. Lolz...hindi ako pikonin e. Kaya ayokong magalit o' makiaway kasi pag galit ako, galit na talaga yon.

17. Nakakahawa yang hahahaha mo eh, parang hagalpak.
El o' el nalang.

18. Kelan ka nagiging seryoso?
Kung kinakailangan.

19. Describe mo ang mga kaibigan mo?
Malawak e. May propesyonal, may tambay, may mayayaman, may mga pulubi. May mga disente, meron ding hindi. May mga kaibigan akong mga katulong, magbobote, mga doktor. Iba-iba. Pwedi ako kahit sinong kasama basta di masamang tao.

20. Anong common nila?
Siguro ugali.

21. Yun pwedi. Matagal ka na sa Blogospero?
Mag-aapat na taon na rin. Marami-rami akong blogs, pinagkakakitaan yong ibang mga english. Ilang beses nakong sumubok ng personal blog pero nagiging commercial din later kasi ayoko ng masyadong personal. Ok na ako dito. Ang buhay ko paikot ikot lang, hindi masyadong interesting. Kalokohan ko marami, siguro thoughts nalang, hindi too much personal stuffs.

22. Madalas may mga gropo-gropo sa blogosphere. Wala kang ka groupo?
Wala iyong close talaga. Meron sa commercial blogs na linking and nagbibisitahan talaga, parang for business sake lang...networking din yon e. Dito sa babebibebing na blog nag-iikot ako sa mga nasa listahan ko at minsan nagagala din ako sa iba. Nag eenjoy ako magbasa at makicomment sa mga Ka-Blogs, minsan tahimik lang ako di na nakikisali sa comment pero nagbabasa talaga ako.

23. Bakit?
Interesting kasi malalaman mo anong trip niya o' mood o' iniisip niya sa mga panahong iyon. Basta enjoy.

24. Iyong social networking talaga na close meron ka?
Wala. Siguro dahil hindi ako masyadong open sa personal life ko. Hindi katulad ng iba. Nagsusulat ako ng damdamin at mood ko sometimes pilit na pilit pa yan.

Dati napasok ako sa mga pinay din na nasa America. May mga nakilala rin naman ako online na mababait, mga online journal talaga blogs nila, daily lives nila. Nawala ako dun siguro masyado nang malaki ang group, tapos nakikisali ako sa kanila pero hindi naman ako nagsasabi ng personal stuffs about me, so wala rin masyadong connection.

Ngayon dito ako sa KaBlogs nagb-bloghopping and gusto ko siya kasi iba-ibang personality malawak ang nakukuha kong impormasyon.

25. Paano ka napunta sa Ka Blogs?
Napadpad ako sa blog ni Marlon Perspektib. Nagenjoy ako kakabasa, tapos nagandahan ako sa ID niya. After Marlon, napaclick ako kay LordCM. Gusto ko iyong thoughts niya. Adhikain niya. Palagi akong bumibisita doon at nakikibasa. Tapos napunta ako kay Hari ng Sablay, naaaliw ako dun. Hanggang napadpad na rin ako sa ibang mga blogs. Tapos nandiyan si Jettro nakikicomment din ako dun. Hindi talaga ako mahilig magcomment kasi parang close mga tao dun pero nakikicomment na rin ako pagtagal. Nagsasanay pa akong makisali sa commenting.

26. Bakit hindi ka mahilig magcomment?
Kasi hindi ko sila kilala. Pero kapag gustong-gusto ko ang post, nakikicomment nalang. Pilit pa yan. Hindi naman ako mahiyain talaga, hindi lang ako sanay na ako iyong unang mag-effort. Ako iyong mag-aantay lang, even in real life pag may mga bagong tao, nasa isang tabi lang ako mag-aantay pansinin.

27. Nagbabasa Ka Ba Talaga ng mga binibisita mong Blogs?
Ay OO. Binabasa ko talaga mga iyan. Kahit hindi ako nagco-comment, nagbabasa akong talaga. Minsan nga nakakalimutan kong mag-iwan ng message sa cbox nila kasi busy din naman ako. Nagmumulti-tasking lang. Pag libre ako, ayon bilis basa ng mga blogs. Totoong enjoy ako and iyon ang importante. Kasi pagod ka na nga di ba? iyon na palipas oras ko ngayon.

28. Ano ang paborito mong blogs?
Marami eh. Lahat naman magagaling, iba iba lang ng style. Magagaling tayong mga pinoy talaga at matatalino.

29. Alam mo bang yong gulo sa iba nating mga ka-blogs at kay Mike Avenue?
OO. Natyempong busy ako ng mga araw na iyon noong unang dinig ko hindi ako nakikicomment pero nabasa ko at nalaman ang gulo later na.

30. Ano ang opinyon mo tungkol sa pangyayaring iyon?
Masakit sa kapwa ang mga binitawan niyang salita. Masakit malaman ganun kaliit at kasama ang tingin sa kapwa niya Pilipino na totoong nagsasakripisyo at kumakayod ng husto para sa pamilya. Wala siyang karapatang manghusga. Kung may kilala man siyang mga OFW na ganun ang dahilan at ginagawa (base sa mga description niya), siguradong iilan lang sila. Hindi tamang mag-generalize lalo't hindi naman sigurado. Kaya nga may salitang "iilan" at "some" sa english dahil hindi naman lahat ng tao pareho. Masyadong masakit iyong sinulat niya at natural lang na masaktan at maoffend ang iba. Masakit eh, nakakainsulto. Totoong malaya tayong magpahayag ng ating mga saloobin at koro-koro pero kailangan din nating maging responsable. Hindi nga ba't kasabay ng higit na kapangyarihan kagaya ng pagsusulat ay ang mas malaking responsibilidad?

31. Gusto mo bang baguhin ng style ng Ba Be Bi Bebing?
Walang style ang blog ko. Dati kasi seryoso to, walang nagbabasa. Lahat ng kalungkutan at frustrations ko, dito ko binubuhos. Kung mababasa mo lang ang mga luma kong entry baka isipin mong magpapakamatay na ako. Lolz. Kasi tago tong blog nato dati eh and noong time na iyon nagkaproblema kami ng isang taong napakaclose sakin, bestfriend. Hanggang ngayon may tampuhan pa rin, malayo kasi kami sa isa't isa mahirap ang communication. Ngayon may mga napapadpad na dito, kailangan kong itago ang mga lumang super personal na mga bagay bagay. Hindi ko pa alam anong style ang pokos ko sa Ba Be Bi Bebing. Hinahanap ko pa ang aking comfort zone. Ok na sa akin na andyan lang ang blog na ito at nakakapaglibot ako sa iba, kasi dun naman ako enjoy, sa pagbabasa. Baka isang araw, makapagdesisyon din ako kung ano talaga ang gusto ko sa blog na ito. Naglalaro lang ako. Palipas oras, pawala ng pagod. Pansin mo naman siguro iba-iba nilalagay ko. Anik anik lang...wala sa ayos ng tema...kasi wala pa akong tema.

32. Wala ka bang naging BF na OFW? Mukha kasing malapit talaga kami sa puso mo?
Actually noon bago pako dito sa Tate, nasa mga Pinoy forums ako and marami akong naging kaibigan na mga OFW rin kaya kahit papa'no alam ko ang hirap at sakripisyo nila. Hindi madali. Hindi naman malayo ang buhay ko sa mga OFW.
35. May OFW na bang minsan nagpatibok ng puso mo?
Meron.

36. Hahaha. Sino?
Isang tutubi. Isang guy na may pagkahawig sa una kong bf ang ugali.

37. Sino naman ang maswerteng iyon?
Hindi ko na nakakausap now. Sa maiksing panahon na nagkausap kami, parang nakita ko sa kanya yong unang BF ko, kaya siguro nawindang ako sandali. Sandali lang yon. Alam kong nawindang talaga ako dun kasi nagawan ko iyon ng tula sa isang upuan lang. Parang buhos na buhos ang damdamin. Sa buhos e nawala rin agad. Hahahahaha. Kaloka!

38. Ba't wala na?
Nauntog kami pareho. Lolz. Pareho lang yata kaming bored noon and found each other.

39. Ano ang type mong guy?
Iyong mahal na mahal ang kanilang nanay at mga kapatid na babae. Malaking plus yon. Tamang prinsipyo. Ayoko ng masyadong matapang, o masyadong duwag. Ayoko ng masyadong seryoso o' masyadong mapagbiro. Balance lang sa panloob at panlabas na kaanyuan. Nagiging pangit lang ang tao sa paningin ko kung ang ugali nito'y negatibo.

40. Bakit Ba Be Bi Be Bing?
Kasi tawag nila sakin sa bahay Bebing, yong ibang pinsan ko tawag Bingkay. Medyo personal naman ng konti ang blog kaya yon na title ko. Madali kasing tandaan parang abakada lang.

41. Hindi naman personal ang Ba Be Bi Be Bing mo ah. Wala masyadong personal details.
OO nga eh. Ito nalang mga tanong mo ilalagay ko dun para may "konting" details tungkol sa akin.

42. Sige. Konti Lang?
Oo. Ayoko ng sobra. Shy ako. Pribadong citizen ako, hindi ako importanteng tao. Wala naman akong mga fans eh. Hindi ako magaling makipagkaibigan. Kung naging lalaki ako, patay! hindi ako magkakanobya. Hahaha.

43. Other Blogs?
I actually have a lot of sites but I kept my other blogs in an anonymous writer, so I don't link them all. Well I do, but hidden.

44. Kita kong meron kang Inspirational Quotes site?
Oo, sa nasabi ko na po, medyo marami rami akong sites online. Ilalantad ko rin silang lahat kapag ka ayos na masyado o' establish na masyado.

45. That's a lot of quotations compiled. You must really like Quotations.

I do. I love reading different quotations for power. Its a ball of light in my hand, keeping me sane and guided by the wisdom and humor of the wise and funny, and lessons from individuals with different experiences in life. Inspirational Quotes helps me in actively pursuing a dream and attaining satisfaction in it. I compilled them there, there are a lot of them that I was not able to post. I can't manage to post every quotations I read.

46. Nice naman. Sabi mo marami kang blogs/websites. Kumikita ka ba Online?
Opo. It started in 2006 as libangan, bored, walang magawa. Until nagsimula na akong kumita, so tinodo ko na. Haha! Nag eenjoy na ako, kumikita pa. Hindi kalakihan sa simula, pero palaki ng palaki. Lalo na iyong mga sariling domain name ko, iyong mga dot com at dot net, or dot info.

47. Paano ka Natuto gumawa ng websites at sa mga codings? Nag-school ka?
Hindi po. I read a lot, self study. Puro lang ako self study. Kahit sa iyong ibang mga languages na nauunawaan ko at alam kong bigkasin, self-study lang din. Naghihiram po ako ng mga libro sa public library.

48. Paano ba iyong sinasabi mong self-study?
Basa lang po ng mga libro, o' kaya sa online . Tapos subok-subok lang. It works naman sa akin kasi ganun na ako, nakasanayan ko na pong ganun. Iyong pag may gusto akong gawin, subok subok lang until matuto. Madali akong mabored, kaya marami akong ginagawa palagi, iba-ibang field, sabay sabay so para lang akong naglalaro. Nag eenjoy akong ganun.

49. Ano naman pinag-aabalahan mo? Iyong sinasabi mong sabay sabay?
Naku marami. Nag-gagarden ako, gumagawa ng fashion jewelry, candles, blogs, work pa, self study pa ng ibang fields. Siguro kasi, di mapakali utak ko, palaging maraming gustong gawin. Malikot. Ang mga blogs ko ganun din, iba -ibang themes. Ito lang Ba Be Bi Bebing, palipasan lang talaga ng oras, wala monetization.

Pwedi end na? Hehehe...haba na kasi masyado.

50. Wow! Galing naman! Ok.
Thank you.

Mamuhay ng may Kabuluhan



Handa na o hindi, darating ang araw na ang lahat ng ito ay matatapos. Hindi na sisikat ang araw, walang minuto, oras o' linggo. Ang lahat ng mga bagay na iyong inipon, pinahalagahan man o' kinalimutan, ay maipasa sa ibang tao.

Ang iyong kayamanan, katanyagan at kapangyarihan ay pilipisang matigang sa kawalanng halaga. Hindi mahalaga kung ano ang iyong paga-ari o' kung ano ang iyong taglay. Ang iyong poot, galit, inggit, sisi at pag-aalinlangan ay tuluyang mawawala.

Maging ang iyong inaasahan, mga ambisyon, plano, at mga nakalistang gawin ay lilipas. Ang lahat ng tagumpay at pagkatalo na minsan ay mahalaga sa'yo ay maglalaho.

Hindi mahalaga kung saan ka nagmula. Hindi mahalaga kung ikaw ay maganda o' hindi, may kislap o' wala. Kahit na ang iyong kasarian at ang kulay ng iyong balat ay walang saysay.

Ano ang mahalaga? Paano susukatin ang kahalagahan ng natitira mong mga araw?

Hindi ang mga bagay na iyong binili, kundi kung ano ang iyong binuo; hindi kung ano ang meron ka, kundi kung ano ang iyong ibinigay.

Hindi importante ang iyong tagumpay, kundi ang iyong kabuluhan.
Hindi importante kung ano na iyong mga natutunan, kundi kung ano ang iyong mga itinuro.

Ang mahalaga ay ang iyong bawat pagkilos ng may integridad, pakikiramay, tapang o' pagpapakasakit na magbibigay inspirasyon, kapangyarihan at paghihikayat sa iba na tumulad sa iyong mga halimbawa.

Hindi mahalaga ang iyong mga kakayahan, kundi ay ang iyong katangian,
Hindi mahalaga kung gaano karaming mga tao ang kilala mo, kundi kung gaano karami ang mangungulila at manghinayang ng iyong pangmatagalang pagkawala kapag ikaw ay hindi na makikita.

Hindi mahalaga ang iyong mga alaala, kundi ang mga alaala na maiiwang buhay sa mga taong nagmamahal sa'yo. Ang mahalaga ay kung gaano ka katagal na maala-ala, kung sino at sa kung ano.

Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay hindi aksidente. Ito ay hindi isang bagay na bigla na lamang dumating o' mangyayari. Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay isang bagay na ating pinipili.

Piliing mamuhay ng may kabuluhan.

Mabuhay ang mga Tatay

Gusto ko lang batiin ang mga masisipag kong mga kablogs na mga pogi at may mga tsikiting na. Happy Father's Day sa inyong lahat. Sanay pagpalain pa kayo ng Maykapal at bigyan ng malusog na pangangatawan. Nawa'y maabot niya lahat ng inyong mga pangarap para sa inyong pamilya. Sana rin mas pahalagahan kayo at mahalin ng mga taong malalapit sa inyong puso, lalo na ng inyong mga inspirasyon.

"I Love You Pa. Alam ko nandiyan ka lang palagi nakabantay at patuloy na nagmamahal. E-hello mo nalang ako sa mga anghel na nagbabantay rin sa akin. I'll see you soon in Heaven, say me Hi to God"

Palit Na Naman



Nagsawa yata ako sa dati kong template at eto, pinalitan ko na naman. Walang magrereklamo at magsasabing sawain ako dahil noon ko pa alam yan. Hik hik hik! Pwera biro, hindi ko naman pinagsawaan, napagtripan ko lang gawing tatlo ang column para mas maluwag.

Juice Ko Day! Nakakabaliw na ang temperatura.
Sobrang initttttttttttttttttttt. 100 °F ( 37.778 °C) ! Bukas pa magsisimula ang summer pero naku mainit na masyado.

Panalangin ko: Sana maging maayos na at payapa ang kaguluhan sa Iran. Kawawa naman ang mga inosenteng nadadamay, nasasaktan at nasusugutan. Sana PEACE na. Sana. Sana. Ipagpanalangin po natin ang kapayapaan.

Ano ang Patis?

Madalas kong mamiss ang lutong Pinoy. Dahil dito, kapag may nakikita akong mga Filipino recipes, sinusubukan ko ito. Sa Pilipinas, sanay akong may nagluluto ng masarap na pagkain, dito nasanay na akong kumain ng sarili kong lutong Pinoy. Hehehe. Hindi ako kagalingan magluto dati. Dito nalang ako natuto, kung kelan malayo sa mga magagaling sanang magturo.

Noong nakaraang lingo, may nakita akong video na nagtuturong magluto ng Pininyahang manok. Nilista ko ang mga sangkap para mabili ko ang mga kulang. Hindi ko napansin na kailangan din pala ng Patis. Pinagsasabay sabay kasi ang gawain, multi-tasking, ayon nabingi yata ako at hindi ko narinig ang Patis. Binili ko ang mga sangkap at nagluto na nga ang kawawang bata.

Bitbit ko pa ang laptop sa kusina, pinanood ko iyong video at sinabayan ko sa pagluluto. Pause muna kapag nabibingi na naman o' nabibilisan. Tapos biglang sabi ng nagtuturo sa video; "Ang panimpla po natin...patis lang"

Nagulat si ako. "Huh! Ano ang Patis?". Dali dali akong naghanap sa mga sauce ko. Meron akong soy sauce, vinegar, rice vinegar, worcestershire sauce, oyster sauce, apple cider vinegar. Ano kaya sa bisaya ang patis? Yay! nahiya ako sa sarili ko, ayan kasi magaling lang kumain, walang pakialam sa sangkap. Mabuti nalang hindi pa luto ang manok, may oras pa akong mag google. Nagtype...Patis in English. Scan ng scan sa mga resultang binigay ng google...basa..basa...walang makuhang info. Nagdial sa telepono (hindi naman sa 911, ano ka! ), tawag ako sa kaibigan ko. "Dith, alam mo ba ano ang patis sa english?". Sumagot, hindi. Bisaya rin siya. Alam niya ano ang patis, describe pa niya ang lasa. Tumawa nalang kami pareho. At binaba ko na ang telepono, bumalik sa luto ko.




Minagic ko nalang, nilagyan ko ng konting toyo at rice vinegar. Syempre iyong ibang sangkap pa ayon kay Kuya Chef (iyong pinoy sa video na nagtuturo). Hindi ko alam ano ang pangalan niya.

Tinikman ko na. Aba! milagro, masarap pa rin. Medyo oily ng konti kasi yong chickeen ko may skin pa, dapat konting oil lang nilagay ko pero pwedi na rin. Masarap din naman. Unang subok ng pininyahang manok => Pwedi na (+80 points)



Habang hinihintay kong maluto ang magic pinanyahang manok ko, nagbasa pa ako online at ayun! Patis, fish sauce. Ay sus! Fish sauce lang pala ang english ng Patis. Hindi kasi mahilig ng patis si mommy sa bahay. Siguro meron din kami niyan dati, baka bisayang name lang kaya hindi ko alam. O talaga lang wala akong pakialam sa kusina dati. (Either...or. )

May mga patis sa Asian store dito. Kahapon namalengke ako, bitbit ko na ang fish sauce. Kailangan kong subukan uli para perpek ang lasa. Ako lang din naman mag-isa ang kumakain kaya wala rin namang magsusumbong sa pulis.

Metro Atlanta Nakakabaliw

Bumalik na naman ako sa Atlanta, Georgia noong June 12 para sa aking fingerprinting appointment ng U.S Citizenship. Masarap sanang mag side trip ulit at bumisita sa zoo. Kaya lang ayoko namang ma-late sa appointment ko.

atlanta

atlanta1

Nakakainis magmaneho sa Atlanta, traffic masyado lalo na ngayon na maraming construction sa daan at kapagka nagkamali ka ng liko sa highway, iikot ka pa.

garmin-gps

Buti nalang, hindi ako ang nagmamaneho duling duling sana ako sa daan. Akala ko hindi ako sasamahan lalo't hindi rin naman pinapapasok sa opisina ang mga hindi aplikante. Ilang beses na akong bumisita dito at palagi nalang may improvement, lalo na sa daan. Hayyyzzz..nakakabaliw sa hi-way. Siguro sanayan nga lang, mahirap nga naman iyong biglang lipat sa lane, para maka liko agad.

atlanta3

atlanta4

atlanta5

Lagpas dalawang oras ang byahe pasulong Atlanta galing sa bahay, another two hours pabalik. Ang appointment ko sa loob ng opisina hindi man lang inabot ng 30 minutes. Mas matagal pa ang byahe kaysa appointment talaga, pero nasanay na rin ako dahil ganun din naman sa mga naunang appointment ko dito noong nakaraang mga taon.

Tiyak balik na naman ako ulit kapagka doon pa rin ang venue ng interview ko at oath taking. Pero di bale, dalawang step nalang at matatapos na rin ako sa byaheng ito.

Adik Sa'yo

Adik Ka Ba? Sa mga palabas sa TV. Hindi ako masyadong adik sa mga teledramas pero nanonood din ako kapag may nagustuhan. Eto kinaaaliwan ko ngayon ang Adik Sa'yo.



Tamang Tayming ko naman sa bagong GMA Telebabad na palabas na pinamagatang Adik Sa'yo. Trip ko ang tema. Very light. Romantic Comedy. Nakakasawa na rin ang puro drama. Tawa ko ba naman ng tawa sa show na ito. Noong Lunes lang yata to nag umpisa sa Pinas. Marami-rami rin namang magagandang palabas hindi ko nalang pinapanood kasi hindi ko naumpisahan, mahirap na sundan ang estorya.

May nag-uupload ng mga episodes nito sa youtube, pwedi niyo ring mapanood sa pinoychannel.tv.

Anak To The MaKs

poverty, kahirapanNakakalungkot na masyado ang kahirapan sa Pilipinas. Sa matrapik na daan pa lang, makikita mo ang mga batang pinagnakawan ng kamosmosan, nasa lansangan, namamalimos, natututong magloko, magnakaw, mangupit, umaakting, manloko sa kapwa . Ano ang nangyari sa mga binansagan ni Dr. Jose Rizal na pag-asa ng bayan?

Ang pamilya ang pinakamaliit at pundamental na panlipunang grupo sa lipunan. Dito nagsisimula ang pag-aalaga ng buhay. Nandiyan si nanay, si tatay, at anak o' mga anak. Si anak ang bata, lumaki, nagkapamilya at nagkaanak. Tapos sa susunod na henerasyon, ganun ulit ang takbo ng buhay, hindi man lahat ang nagkakanak, patuloy ang pagsulong ng henerasyon ng tao.

Alam kong walang karapatan ang sino man na manghusga sa kapwa dahil lahat tayo, sagana man ang buhay o' hindi dito sa mundong ating ginagalawan, pantay-pantay tayo sa mata ng nag-iisang Diyos. Hindi ko lang maintindihan kung bakit marami pa ring mga nanay at tatay na lubog na nga sa kahirapan, gumagawa pa rin ng anak...to the maks.

Sabi ng mga depensibong magulang, wala raw tayong pakialam, buhay nila iyon at hindi tayo ang nagpapakain sa kanila. Hanggang kailan ba tayo magbubulag bulagan na ang kanya kanyang kahirapan ay sobrang nakakaapekto sa pag-unalad ng bayan? Nandiyan ang kaawa awang mga walang tahanan at walang makain. Iyong iba nagiging salot na lipunan, umaabuso sa droga para kahit sa ilang oras o minuto man lamang ay makatakas sa hirap at kalungkutan. Iyong iba pa nagnanakaw, pumapatay para mabuhay.

poverty, kahirapan


Hanggat patuloy na nag-aanak ng higit pa sa kayang buhayin, pagpapaaralin, at gabayan ng tama, lalo lang lalala ang kahirapan. Kung sa pamilya pa lang, may kakulangan na ng mga karaniwang bagay tulad ng pagkain, pananamit, tirahan, ligtas na inuming tubig, at ang lahat na ng kailangan sa pang araw araw na pamumuhay, ang kalidad ng buhay sa pakikipagsalaran sa lipunan ay mas mahirap na, kumpara sa ibang pamilya. Maraming mga pag-asa ng bayan ang hindi nabigyan ng tamang edukasyon na siyang isa sa mga pinakamahalagang paraan sa pagtakas mula sa kahirapan.

Maraming mga pilosopo ang nagsasabing hindi na sila mag-aaral dahil marami rin namang nakapag-aral ang walang trabaho at mahirap pa rin.
Bagamat may katotohanan din ang salitaing ito, huwag nating maliitin ang dulot ng ibayong pag-aaral lalo't higit natin itong kailangan ngayon sa naghihingalong Republika ng Pilipinas. Bitbit ng mga nakapag-aral ang mas maliwanag na pag-asa. Sabi nga, ang katalinuhan ng tao ay hindi nananakaw ninuman, hiwain man ang ating mga ulo at pagtatadtarin ang ating utak, mamamatay tayong bitbit ang ating kaalaman.

Palaki ng palaki ang numero ng ating populasyon kada taon, hindi naman lumalaki ang area ng lupa sa Pilipinas. Pasikip ng pasikip, patrapik ng patrapik, pahirap ng pahirap.

Nasaan na ba ang ating mga "sintido common"? Bawat isa sa atin ay mahalaga sa kaunlaran ng bayan. Lalo na ang bawat pamilya na pundasyon sa lipunan. Ang mga nanay at tatay ang nag-aaruga, gumagabay at nagpapalaki sa mga pag-asa ng bayan. Nasa kanila ang mahalagang susi ng pagpapabuti sa pamumuhay lalo na sa mga susunod na henerasyon.

Ibuhos po natin ang ating pagmamahal sa kapwa at maging responsableng mga magulang po sana tayo. Huwag sana tayong mag anak ng anak... To The MaKs. Kawawa naman ang mga bata. Kung mahirap lamang kayo, gusto mo bang maranasan din ng anak mo ang kahirapang pinagdaanan mo?

Magpakatatag Ka Puso

Mapagbiro rin ang talaga ang tadhana. Sa dami ba naman ng mga pusong nag-aantay din na mahalin at pagtuonan mo ng pansin, madalas doon pa tayo nahuhumaling sa taong magpapaiyak lang pala sa atin. Minsan magtataka ka nalang, anong nangyari. Bakit? paano? saan? Parang bigla nalang isang araw, nagising kang wasak na ang mundong dati punong-puno ng saya, mga magagandang pangarap na sabay na binoo, mga pangakong akala mo'y hindi na magbabago.



Minsan buong tapang kang nakatayo, bitbit ang pag-asang lilipas din ang lahat. Minsan naman, gusto mo nang maglaho nang matapos na ang lahat ng hirap at kirot na nararamdamin. Bakit nga kaya may mga taong walang pakialam sa damdamin ng iba? Minsan kung sino pa iyong mabait naman sa kapwa at walang ginagawang masama, siya pang nagdurusa at nasasaktan.

Gusto mo, ayaw mo. Magulo. Minsan ayaw mo na talaga, nakakapagod din kasi ang umunawa at palaging nagpapakumbaba. Minsan naman gustong gusto mo pang ipaglaban at ipakita sa iba na nalampasan mo ang bagyong pilit na nagpapatumba. Kaya nga lamang, hindi lang naman ikaw ang pinagkukunan ng lakas. Paano kung ikaw lang ang matapang? paano kung ang isang panig ng partidong nasa kabilang bahagi ng mundo ay bulagta na sa lupa, mahinang mahina at nawawalan an rin ng pag-asa?

Minsan magtatanong ka sa iyong sarili, kaya mo pa ba puso? Kakayanin mo pa ba? Hanggang saan ang iyong pasensya? Hanggang kailan ang iyong tatag?

Punong puno ng katanungan ang iyong isip. Mga tanong na hindi agad masasagot ng panahon. Punong-puno ng kirot at pait, mga sugat na hindi agad mapaghilom ng panahon. Kung wala ang salitang "maybe" o' "baka", paano pa kaya magpapatuloy ang puso na makibaka at makisakay sa agos ng buhay? Totoo ngang ang pag-asa nalang ang tanging pag-asa para bumangon at makisaya, ipagpatuloy ang buhay.

Magpakatatag ka puso. Darating din ang araw na mauunawaan mo at magiging malinaw sa iyo ang lahat. Mabait ang Panginoon. Kahit kailan naman hindi ka Niya pinabayaan. Sige lang...antay lang...Sasaya ka rin ulit. Hindi nga ba palaging may isang bahaghari pagkatapos ng ulan?

Para sa mga adik ng iPhone

Natawa naman ako sa design nitong underwear nato. Marahil dahil usong uso ngayon ang iPhone at kilala ito sa kanilang feature na "slide to unlock", may nagdesign din ng iPhone panties o' iPanties. Hindi ko lang alam kung related ba sa iPhone company ang gumawa at ngayo'y nagbebenta ng mga iPanties - slide to unlock. May kapilyohan din tong tag nato. Lolz.




[Photos via: Walyou]

Nabasa ko lang sa article na ito => iPhone Panties Now for Sale. The price? $12 per pair. Trip niyo iregalo sa mga girlfriend niyo? Mga kaibigang girl at ka-ibigang girl. Independent company siguro ito, sinubukan ko lang hanapin sa Amazon kung may bentahan ba sila dun pero wala. Dito lang sa link na ito=> Slide to Unlock Panties yata pwedi bumili.

Para sa mga sobrang adik ng iPhone (hindi ako kasali dito!) pati undies nakaiPhone design na. Alam ko may Slide to unlock' Doormat rin. Hay naku! Ano na naman kayang sunod na mapagtripan nila?

Ang May Pinakamaraming Hikaw

Ang katawan niya'y nagtataglay ng lagpas anim na libong hikaw. Noong Pebrero 2009, meron siyang 6, 005 na butas at patuloy pang nagdadagdag ng butas sa kanyang koleksyon.

Most Pierced Woman Pictures, Images and Photos

Siya si Elaine Davidson, dating nurse na taga Scotland, nagpose dito sa isang litrato sa Royal Mile sa Edinburgh, Scotland na nagpapakita ng ilan sa kanyang mga tuhog.

Naisip ko lang, paano kaya ang kanyang pagligo at paglilinis sa katawan? Isa-isa kaya niyang tinatanggal ang mga hikaw na iyan? Hikhikhik. Hindi ko yata type magpahikaw ng ganyan karami, magkabutas butas at masira ang aking anyo sa ngalan ng world record. Di na baling hindi ako makilala at magkapangalan sa mundo.

Aray Ko Pag-ibig

Ito totoong kwento. Babae at lalaki. Parang langit at lupa ang estado nila sa buhay. Mayaman ang lalaki, anak-pawis ang babae kaya ayaw ng pamilya ng lalaki sa babae. Pagkatapos ng dalawang taong paghihintay ng 25-taong gulang na lalaking Egyptian sa kanyang sariling ama para payagan siyang pakasalan ang kanyang minamahal na babae, hindi pa rin nagbago ang isip ng kanyang tatay. Dahil dito, pinainit niya ang kutsilyo at hiniwa ang kanyang........


RePrOdUcTiVe OrGaN. (Aray ko po!)

Dali-dali siyang dinala sa ospital, pero malas lang niya dahil hindi na naisalba ng doktor ang naputol na bahagi.

Hindi na nasama sa balita kung feeling astig pa rin ba siya o' pinagsisihan na ang kanyang ginawa. At lalong wala sa balita kung ano ang naging reaksyon ng kanyang girlalo.

Lalo kaya siyang mamahalin ng babae dahil dito? o' ang kabaliktaran?

Hindi kayo naniniwala? Ito nag link ng balitang ito => Egyptian reportedly severs penis for love.


Ang hindi magco-comment....

mapuputulan

(ng internet koneksyon
)



Cellphone Elbow

Mahilig ba kayong magbabad sa cellphone o' telepono chikka dito, chikka doon? Kung mahilig kayong magbabad sa phone, kung maari po lamang, huwag kaligtaang magpalipat-lipat ng brasong ginamit panghawak sa cellpon na nakadiin sa tenga o' kaya gumamit nalang ng speaker phone. Karamihan naman ng cellphone ngayon ay may loud speaker na.

Nabasa ko sa bagong balita tungkol sa bagong sakit galing palagiang pagamit ng cell phone na tinatawag ng mga scientist na "cellphone elbow". Ito daw ay maaring maging sanhi ng paghihirap at pangmatagalang pinsala. Ayon sa mga doktor, kapag daw gamit natin ang cellpon sa tenga, ang siko na ginagamit natin ay may isang ugat na nagkokontrol sa pinakamaliit na mga daliri. Kapag nagtagal ang pagbend ng siko natin para hawakan ang cellphone sa tenga ay maaaring maapektuhan ang supply ng dugo sa ugat at magkashort circuit. Ito ay ayon kay Dr. Pedro J. Evans, direktor ng Upper Extremity Center at the Cleveland Clinic in Cleveland, Ohio.

Simpleng pag-iwas lang naman laban sa
pangmatagalang pinsala, kakayahan sa pagamit ng maayos ng ating kamay katulad ng pagtype, pagsulat, kahinaan ng mahigpit na paghawak at iba pa... para hindi tayo magka cubital tunnel syndrome.

Sa mga taong palaging nasa iisang posisyon lang ang kamay, katulad nalang ng mga nagb-blog, nagchchat online na inaabutan ng madaling araw ..LOLz. Iyong mga siko natin jan, wag kaligtaang mag stretch...stretch.

Buhok Nino?

Wala akong talent sa pag aayos ng buhok. Madalas kundi man nakalugay ang buhok ko, nakagapos lang ito kagaya ng pony tail. Gusto ko palaging mahaba ang buhok ko, kung iksian man, basta iyong sayad sa may balikat. Ayoko ng sobrang iksi kasi lalo akong lumiliit at hindi yata bagay aking mukha. Gusto ko na sana magpagupit at magpalit ng style, kaya tumitingin tingin ako sa mga catalog kung ano ang babagay sa aking gupit. Hanggang mapadpad ako sa isang site na pweding sumubok ng ibat ibang style ng buhok. Sinubukan ko. Eto o...


Style at kulay ng buhok ni Jessica Alba

Biglang dumating online si wildcat, kaibigan ko. Ipinasa ko ang litratong ito, at itinuro kung saang site, ayun sinubukan ako ng ibang hair styles (wala kaming magawa kanina, buhok ang pinagtripan). Eto o'...

Buhok daw to at style ni Beyon'ce


Style ng buhok ni Reese Witherspoon

Bagay ba sakin, hawig ko yata si Madam A jan. Hahahaha.. Masarap din mag ayos pero sa mas maigi pa rin ang simple basta malinis. Nag aayos ako depende sa okasyon. Hindi ko yata type magpakulay ng hair, iyong sis ko nasubukan na yata lahat ng kulay. Kanya-kanyang trip lang yan. Ika nga kung saan masaya.

So ito pala ang mukha ko kung ganito ang mga kulay ng buhok ko. Hmmm...okay! Taka lang ako if I'll try Britney style. Kalbo? ok lang din naman siguro ibat ibang kulay pero mas gusto ko pa rin buhok Pinay. Hindi naman ako amerikana. Ay! malapit na...Hehehe. Nakaprocesso na iyong citizenship application ko, balitaan ko kaya kapag na approve na ako. Sana maapprove agad para wala nang hassle bumyahe.

Gusto mo bang sumubok ng iba't ibang hairstyles? Nagpost ako sa kabilang blog ko kung paano at saan sa bingkay.net ♥. Silipin mo.

Tanong lang:
1. Ang buhok ba ay isa sa mga basehan mo ng pagkakagusto sa tao?

2. Para sa mga lalaki → Ano type mo sa babae? Long hair o' short hair? Bakit?

Para sa mga babae → Turn off ba para sa iyo ang kalbo?

Comments system

Disqus Shortname



Labels