Maghanap sa loob ng box

Custom Search

Wednesday, June 10, 2009

Adik Sa'yo

Adik Ka Ba? Sa mga palabas sa TV. Hindi ako masyadong adik sa mga teledramas pero nanonood din ako kapag may nagustuhan. Eto kinaaaliwan ko ngayon ang Adik Sa'yo.



Tamang Tayming ko naman sa bagong GMA Telebabad na palabas na pinamagatang Adik Sa'yo. Trip ko ang tema. Very light. Romantic Comedy. Nakakasawa na rin ang puro drama. Tawa ko ba naman ng tawa sa show na ito. Noong Lunes lang yata to nag umpisa sa Pinas. Marami-rami rin namang magagandang palabas hindi ko nalang pinapanood kasi hindi ko naumpisahan, mahirap na sundan ang estorya.

May nag-uupload ng mga episodes nito sa youtube, pwedi niyo ring mapanood sa pinoychannel.tv.

1 comment:

abe mulong caracas said...

hmmm gusto ko sana rin itong panoorin kasi para maiba naman ba at hindi puro lumilipad o kaya eh puro umiiyak ang napapanood. kaso panggabi kaya wala rin.

teka sang bansa ka pala ba?

Nandito Pa Rin Ako

Oo. Nandito pa rin ako. Ang tagal ko na palang hindi nakapag post sa blog na ito. Ang dami daming nangyari sa buhay ko na hindi ko naikwe...