Thursday, May 28, 2009

Ang Mahiwagang iPhone Earbuds

Mahilig ba kayong makinig sa musika? Isa ka ba sa mga nilalang na palaging mag nakakabit na earbuds sa tenga habang naglalakad, o kaya may ginagawa? Gusto mo na ba ng bagong earbuds? Ito nalang bilhin mo o...ito ang tinatawag kong mahiwagang iPhone earbuds.

Bakit mahiwaga? Kasi nahihiwagaan ako sa presyo. Nilalagnat ako sa presyo niya. Itong iPhone/iPod Touch earbuds na ito ay nagkakahalaga ng $3499. Hindi po mistype yan. Dollars po talaga. Juice ko day! ilang sakong bigas na ba mabibili ng halagang iyan? Ilang beses na bakasyon na ito kasama ang mga mahal sa buhay! Kahit pa siguro kung mayaman ako...kung lang naman... hindi yata ako bibili nito. Bakit mahal? Well, wala siyang ibang specialty, maliban nalang sa mga 14 K white gold diamonds.

Pero sa mga mayayamang trip ito. Why not? Bahala na kayong gumastos sa kayamanan ninyo. Sana lang maisipan ninyong mag donate din sa mga foundations o' kaya mamigay nalang sa mga less fortunate. Marami nang tiyan ang mabubusog sa halagang ito. At maraming nang mga libro, lapis at papel ang mabibili. O kaya tsinelas at uniporme.

Anyways, baka gusto niyong bumili nito para sa sarili ninyo o' kaya regalo sa mahal niyo sa buhay, punta lang kayo sa Ebay. Click niyo nalang ang link. At kung hindi niyo type ang magkabit ng earbud sa dalawang tenga, handa po akong tumanggap ng isang earbud na iyan, putulin niyo na lamang po at ipadala sa akin. Tatanggapin ko ng maluwag sa dibdib. Kahit ako'y napipilitan lamang .

Sa mga lalaking matagal tagal nang nanliligaw at hindi pa rin sinasagot, baka gusto niyong regaluhan ang sinisinta ninyo (sinuswerte?). Hindi lang ako sigurado kung magiging swerte sa iyo ang mahiwagang earbuds na ito. "Baka" lang naman... Baka din ito ang magiging rason para lalo kang hindi sagutin. Baka sabihing binibili mo na siya. At kung sagutin ka nga dahil sa mahiwagang earbuds na ito, sasaya ka nga kaya?

Sa mga babae namang gustong magpabili ng kanilang mga asawa o' kaya nobyo, dahan dahan lang po tayo, huwag nating pilitin si fafa lalo na kung kayo'y nagc-celebrate ng inyong anibersaryo. Baka yan na ang magiging pinakahuli ninyo.

Tanong lang: Kung ikaw ay may $3500, bibili ka ba nito? Para kanino naman?

7 comments:

chikletz said...

meron ako nyan. hahaha!!!! jk! gudlak! pero gusto ko na ng bagong earbuds...

lenz said...

hehehe kung meron ako ganun halaga hndi ako bibili...tama ilan balik na rin yon sa pag babakasyon ..mayaman lang ang pwedeng maka bili non at pwedeng mag regalo sa mahal nila...

DETH said...

hindi kaya mabigat sa tenga to? hehehe...ok na ko sa ordinaryo kong earbud...hehe

A-Z-E-L said...

huwawwwww! diamonds are women's bestfriend!

pano kung may diamond na mahulog sa tenga? hahahaha!

Marlon said...

naku...baka hindi ko rin gamitin yan kahit meron ako niyan..mas mahal pa iyong earphone kesa sa tenga ko! lols!

HARI NG SABLAY said...

tatlo yung ganyan ko, yung isa pinabigay ko tas yung isa sinira ko pumasok kasi diamond sa loob tenga ko,tas yung isa pa tinapon ko nung kasi nkita kong may tutuli,lols

gawa-gawa ko lng yun... :)

abe mulong caracas said...

una, wala akong ipod kung ano mang mamahaling music player na paggagamitan ng ear something na yan

at pangalawa kung may $3500 ako, mas lalo namang di ako bibili nun kasi san ko naman gagamitin di ba? hehehe

Kamsahamnida Thank You Salamat

Para sa mga gustong matuto ng Korean language.Here's another Korean word.  Memoryado niyo na ba ang " hello " in Korean? Kung...