Follow by Email

Happy 2010



Wishing Everyone a Happy, Healthy, Peaceful and Prosperous New Year.
May the good Lord Bless Us All and Grant the Desires of Our Hearts.

Pasko na Naman

Good News: Pasko na Naman, at naririnig ko na naman ang mga masasayang awiting pang Pasko.

Not So Good News: Nasa Amerika ako ngayong Pasko, pang-ilan na ba to?

Hindi ko sinasabing hindi ako masaya na nandito ako. Ang sinasabi ko'y ayoko dito sa Pasko, higit na mas masaya at mas makabuluhan ang pasko sa Pilipinas. Sa palibot ng mga taong mahal ko at nagmamahal sa akin; ang aking pamilya, kamag-anak at mga kaibigan. At tiyak kong alam yan ng lahat ng Pinoy, saan mang sulok ng mundo.

Katulad ng linya ng kantang Pasko na naman, totoong "walang katulad ang Pasko sa Pilipinas". Malayong malayo, ibang-iba.

Nararamdaman niyo ba ang kalungkutan sa aking mga salita? Iyan ay dahil sa ang Pasko ang pinakapaborito kong okasyon. Gustong gusto ko ang simbang gabi, hindi ako pumapalpak dati sa Pilipinas. Umalan, bumagyo, pumupunta talaga ako sa simabahan para tapusin ang 9 days. Haha! Natatawa ako kapagka naaalala ko ito dahil marami-rami rin akong kapamilyang natatamad at tini-tease ako kapagka ulan at mahangin, malamig at bitbit ko ang payong pasulong sa simbahan.

Pinakagusto ko ang makikanta sa simbahan. Madalas pa nga, ang aantok-antok kong bestfriend na garay garay ko puntang simbahan ay pinagtatawanan ako kapagka medyo tumataas o' nawawala ako sa tono. May pagka makapal din kasi akong kumanta sa simbahan, walang pakialam sa iba.

Masaya, maraming magagandang memories. Kung isa-isahin ko pa, baka maantok kayo kakabasa.

At dito sa Amerika, parang ordinaryong araw lang ang pasko. Sa shopping malls mararamdaman mong Pasko rin, sa dami ng taong nagbibisihang magshopping, subalit sa pinaka araw na ng Pasko, kainan lang sa magkamag-anak, konting exchange gifts, tapos uwian na...then tahimik na ang gabi.

Imbes na magsaya, may halong lungkot at Pasko ko dito sa Amerika, dahil kada Pasko hinahanap hanap ko pa rin ang Paskong Pilipinas, ang mga ngiti at tawa, halakhak ng mga mahal sa buhay, ang kislap ng mga ilaw at ang ingay ng mga paputok at naglalakasang stereo.

Syempre makakalimutan ko bang bangitin ang mga pagkaing sariling atin? Hayzz!!!! Subalit gayunpaman, Merry Christmas sa lahat. Dapat Merry pa rin dahil Pasko. Puno ng pagmamahal at pagbibigayan, kahit pa tayo'y malayo.


Orasan ng Buhay

Nakita ko ang tulang ito habang nagbabasa ako ng mga kwento at sulat ng mga kapamilya at recepient ng mga organ donors. Matagal tagal ko nang pinag-isipan ang maging Organ Donor, subalit kailangan ko pang ipaalam sa aking mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas, bago pa man ako magpalista ng pormal. Ilang beses ko nang pinag-isipan at iniaalang-alang. Isa ito sa pinakamalaking pagbabago na nangyari sa akin sa taong ito. Dati na akong may malaking pagpupugay sa mga donors, lalo na sa mga naiwang pamilya na siyang na namamahala para maisakatuparan ang kahilingan ng donador.


The Clock of Life
by Robert H. Smith, copyright 1932, 1982

The clock of life is wound but once,
And no man has the power
To tell just when the hands will stop
At late or early hour.

To lose one's wealth is sad indeed,
To lose one's health is more,
To lose one's soul is such a loss
That no man can restore.

The present only is our own,
So live, love, toil with a will,
Place no faith in "Tomorrow,"
For the Clock may then be still.


At yan ang kahalagahan ng tinatawag nating, NGAYON!

Kung May Gusto Kang Gawin, Gawin Mo Na.
Kung May Gusto Kang Sabihin, Sabihin Mo Na.
Sige ka, Baka Bukas o' Makalawa, Huli Ka Na.


smiley Pictures, Images and Photos

When things go wrong



When things go wrong as they sometimes will,
When the road you're trudging seems all uphill,
When the funds are low and the debts are high,
And you want to smile but you have to sigh,
When care is pressing you down a bit
Rest if you must, but don't you quit.
Success is failure turned inside out,
The silver tint on the clouds of doubt,
And you can never tell how close you are,
It may be near when it seems afar.
So, stick to the fight when you're hardest hit
It's when things go wrong that you mustn't quit.

Nothing or Something

If you do nothing, nothing is going to happen,
if you do something, something might happen,
The Future is yours, do something about it!

Ha? Lung Cancer?

Halos sampung taon na ang lumipas nang una ko siyang makilala sa Pilipinas. Isa siyang German-American na pabalik-balik sa Pilipinas dahil gustong gusto niya ang klima at ang magagandang tanawin sa ating bansa, lalo na raw ang pakikitungo ng mga Pinoy sa kanya.

Naging mabuti namin siyang kaibigan. Nag-uusap kami online, patungkol sa mga negosyo, pamilya at iba pa. Itinuring na namin siyang hindi iba lalo't nakikita naman namin siya sa web camera palagi. Nakasanayan na namin ang makipagchat sa kanya kapag nakikita naming available siya. Bagamat pareho na kaming nasa Amerika, hindi na kami nagkitang muli sa personal, magkaiba kami ng state, puro online na tsika nalang.

Nitong nakaraang mga araw, pagkatapos ng aking pangungumusta, bigla nalang siyang nalungkot at natahimik. Biglang tumayo, di makita sa camera at pagkaraan ng ilang minuto, bumalik sabay type na "i have lung cancer".

Ako naman ay nagulat, "ha??? lung cancer???". Nakakalungkot, lalo't 80 percent na raw ng kanyang lungs ang nakain ng cancer. Hindi ko alam kung papaano ko ilarawan ang expresyon ng kanyang mukha habang tinatype niya ang balitang iyon. Pero kung gusto niyo talagang malaman, isipin niyo nalang kung ano ang mararamdaman ninyo kung alam niyong bilang na ang inyong mga araw.

Ang masaklap pa, alam na alam niyang lagi naming sinasabi sa kanya, dati pa, na mukhang malakas siya masyadong manigarilyo, hitit buga, sunod sunod...at tandang-tanda ko pa, minsan isang araw nabigkas ko pa ang salitang "lung cancer", babala.

Narito ang isang informational Smoking and Lung Cancer video inteview kay Jay Lee, M.D., isang Surgical Director, Thoraric Oncology Program sa UCLA Medical Center. (Click to play).

Smoking And Lung Cancer


Ang kanser sa baga' (lung cancer) ay may matagal na kilala bilang sakit ng isang smoker, ngunit ngayon, ayon sa mga doktor, palaki ng palaki ang mga natatagpuang kaso ng kanser sa baga, sa mga taong hindi naninigarilyo at hindi kailanman nakapagsindi ng isang sigarilyo sa kanilang buhay. Paalala lang naman :)

Kung gusto niyo ang video, paki-share nalang ng link nito.

I'm Yours Acapella

Ang galing naman ng taong ito. Kantahin ba naman ang "Im Yours" ni Jazon Mraz ng Acapella, kanya pa lahat ng background. E-play niyo.

Sige Sulong Lang

Our society is so caught up in winning, we forget that most of the great men and women in history have, at one time or another, failed at something. Often repeatedly, and discouragingly. But each failure is nothing more than a brick in the wall that forms the foundation of our success. We can't forget that.

—Carlton Young



Matira Matibay sa Buhay. Kung kailangang umiyak, sige iyak lang. Kung kailangang tumawa, hala tawa ng malakas. Madapa man, kailangang bumangon at muling lumakad...ng Pasulong :)

Cookies Mommy

Tawa ko naman sa videong ito. Nawala ng konti ang pagod ko sa kakatawa. Cute ng batang ito. Masdan mabuti ang mukha niya kakaexplain sa mama niya. Naalala ko tuloy iyong mga maliliit na tsikiting sa Pinas, mga pamangkin na nakakaalis pagod sa kulit.



Mommy naman, give him more cookies. Hahaha. Cookies lang katapat e!

Connect With Me



Yup! I have Facebook. Konek tayo? Ano Email address mo dun? :)

Last Song Syndrome

Ay ewan ko't di ko namalayang kanina pa pala ako kanta ng kanta nito...last song syndrome nga. Inawat na ako ng kasama ko, nagrereklamo na sa sawa. Nadikit sa utak ko eh...paano ba yan? Sige nga kayo nga makinig at papasa ko sa inyo ang syndrome na ito....


Bread - Baby I'm A Want You Lyrics



Bread - Baby I'm A Want You Lyrics:



Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you
You the only one I care enough to hurt about
Maybe I'm-a crazy
But I just can't live without...

Your lovin' and affection
Givin' me direction
Like a guiding light to help me through my darkest hour
Lately I'm a-prayin'
That you'll always be a-stayin' beside me

Used to be my life was just emotions passing by
Feeling all the while and never really knowing why...

Lately I'm a-prayin'
That you'll always be a-stayin' beside me.

Used to be my life was just emotions passing by
Then you came along and made me laugh
And made me cry...
You taught me why...

Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you

Oh, it took so long to find you, baby

Baby, I'm-a want you
Baby, I'm-a need you



E replay niyo tapos pakinggan niyo ulit...tapos pakinggan niyo ulit...tapos ulit... hanggang magsawa kayo. OK? Pagpahingain niyo naman ako oy! Haha!

Batter Up!

Baseball fever is in the air!

Sinusubaybayan ko sa kasalukuyan ang 2009 World Series Major League Baseball championship kung saan naglalaban para sa titulo ang New York Yankees at Philadelphia Phillies, best of seven games betting.

Di ko natapos panoorin ang 2nd game kagabi, nakatulog na pala ako. What the heck happened to Phillies lastnight? Pagkagising ko search ko agad ang result, talo. Aw! tie na tuloy. 1-1 win na sila. Sana mag champion ulit ang Philadelphia Phillies this year. (Sorry Yankees fans, i don't hate your team but bf is a BIG fan of Phillies, so I'm rooting for Phillies all the way).


Contact Me

Pwedi niyo po akong makontak via email. Isulat lang po ang inyong mga katanungan, suhestiyon, problema, reklamo, at iba pa...











Maari din po kayong magpadala ng mensahe gamit ang messenger sa baba. Private po ang Conversations natin dito. Kung maaari po lamang, paki-edit po ng Nickname na makikita sa baba ng box, para malaman ko naman kung kanino nanggagalin ang mensahe. Maari po tayong mag live chat, kung hindi po busy. Madalas ko pong iniiwang bukas 24/7 ang aking messenger sa cellphone, kaya kung available man ang status ko, pero matagal ang first reply, baka busy po or humihilik si ako :)




My Baby You

Wala lang, share ko lang tong magandang song na ito sa inyo. Isa sa mga kantang malapit sa puso ko. Aw!!!! hindi ko na sasabihin kung bakit.

The Lucky 8

Noong October 6, 2009 exam ko at interview for U.S citizenship sa Atlanta, GA. Maraming tao, iba-ibang mukha at pangalan. Habang nag-aantay akong matawag ang pangalan ko'y inaliw ko ang sarili sa pakikinig ng iba't ibang pangalan na tinatawag. Parang nag t-tongue twist ang mga empleyado sa pagbigkas ng mga names ng applikante. Nakabawas na rin ng nerbiyos. Paano ba naman, habang nag-aantay naririnig ko pa ang karamihang nag Q and A's para sa exam...parang na tetense ako lalo baka makalimutan ko ang mga sagot sa Exam.

Nag-iikot ikot ang mata ko, hanap ng Pilipino. May iilan rin na sa tingin ko'y Pinoy. Medyo malayo nga lang ako sa kanila at busy din sila kasama ang pamilya.

Madalas, pagkatapos ng interview ay mag-aantay pa ng sulat galing sa U.S Immigration kung kelan ang appointment mo para sa panunumpa bilang bagong citizen. Sabi ng iba, madalas mga isa o' dalawang buwan pagkatapos ng interview.

Pero sa araw na iyon, isa ako sa mga walong applikante na, pina sumpa nila agad. Pagkatapos ng interview at exam ko, sabi ng nag interview sa akin, antayin ko daw matawag ang pangalan ko at susubukan niyang makapag sworn in ako agad. Siyempre tuwa ako. Lagpas dalawang oras ang byahe galing sa amin, papuntang Atlanta. Kainis pa ang byahe minsan, sobrang traffic, katakot malate sa appointment.

Pagkatapos ng Citizenship ceremony ng mga taong nakaschedule para sa araw na iyon, tinawag na kaming walo. Parehas kaming walang kamalay malay na ma-sworn in agad. Iyong iba, hindi man lang nakapagdala ng camera pang souvenier. Tapos iyong iba pa, nag-iisa, wala ang pamilya para makasaksi sa event na iyon. Isang napakalaking event iyon sa amin. Hindi birong processo at pag aayos ng mga papeles, bago makarating sa panunumpa. Syempre lahat kami gusto na nandoon ang mga mahal namin sa buhay para makasaksi. Meron akong kasama, isa. Actually siya lang naman kailangan kong nandoon, so ok na ako dun.

Buti may bitbit akong camera palagi. Napagsilbihan din. Iyong mga hindi nakapagdala ng camera pinag picturan din namin at hiningan ng email address, kahit papano magka souvenier naman. Ngayon, nasa Facebook friends ko na rin iyong iba. Bunos na iyong bagong friendship namin. Siguro iyong araw na iyon na ang pinaka-una at pinakahuling pagkakataon na magkita kami in person.

Hindi ko inakala na at the end of the day, uuwi na akong American Citizen. Natapos na rin ang sandamak mak na processing. Mula nang makarating ako dito sa tate, puro processing. Syempre di naman agad citizenship, may pinagdaanan pang ibang applications. Lagpas 4 pm na kami nakalabas sa Immigration office, nagmamadali pa kaming umuwi para di maabotan ng traffic sa uwian. Office hours, uwian nakakabaliw ang traffic. Aside from that, gutom na ako masyado, hindi ako nakapag lunch.

Asan ako sa litrato?

Soot ko'y kulay ng pagmamahal.

Next thing to do? Mag-apply ng U.S. Passport. Uwing uwi na ako sa Pilipinas. Miss ko na masyado ang pagkain at iba pa. Ngayon, pwedi na rin akong punta sa ibang bansa na walang visa. Yehawwwwwwww!!!!!

Balik Blogging

Ahhh!!!! tagal kong nawala sa ere. Nag black-out ang blog na ito. Anong nangyari? Burnt out, tapos busy etc...etc...etc. ...napagod kakatype at kaka chikka si kamay at si isip.

Ang dami kong babasahing updates sa mga ka-blogs. Kumusta na kaya ang blogosphere? Kailangang mag-umpisa na naman ako ng pag-ikot ikot at basa.

Sabi nga, komplikado ang mundo. Bilog, nakakahilo ang ikot. Minsan payapa. Minsan magulo. Kapag daw gutom, kumain para manatiling malakas. Kapag pagod, magpahinga para bumalik ang lakas at makapagpatuloy sa paglalakbay.

Pana-panahon ika nga. At panahon na naman ng pagb-blog.

And so....i'm backkkkkkkkkkkkkkkk!

Woooooot!!!!

Oo Ikaw Nga!

Malapit na ang mahabang exam namin kaya hindi muna masyadong blog hopping...(babawi ako next time guys) . Masyadong TOxic sa skol, kaloka ang sched, and yong dalawang tutee ko ay.... nakakaaliw, sometimes nakakadagdag pagod. Buti nalang makukulit lang pero mababait rin naman.

I'm trying to join Litratong Pinoy, kaya nagsimula na akong mag post ng mga pictures ayon sa tema nila. My first entry was yong previous post kong "tuyo". Nakikisali si ako. Mahilig din naman ako sa mga litrato at tambak na ang picture files sa computers ko. Sana makasali naman at nang mapagsilbihan naman iyong mga anik anik na mga litrato.

Ito nga pala para sa inyo...

inspirational quotes Pictures, Images and Photos

Ingat ka! Ang ginagawa mo sa iba ay ginagawa mo rin sa iyong sarili. Babalik sa iyo ang lahat lahat ng ginagawa mo, madalas nga higit pa nito ang katumbas. Ang lahat ng tuwa, kabaitan at tulong na binigay mo, pati na ang lahat ng luha, pasakit at panloloko ay babalik sa'yo.

Naalala ko tuloy ang tula ni Henry Wadsworth Longfellow, na pinamemorya ng guro namin noon grade 5 kami...ang pamagat nito'y "The Arrow and the Song".

I shot an arrow into the air,
It fell to earth, I knew not where;
For so swiftly it flew, the sight
Could not follow it in its flight.

I breathed a song into the air,
It fell to earth, I knew not where;
For, who has sight so keen and strong
That it can follow the flight of song?

Long, long afterward, in an oak
I found the arrow, still unbroke;
And the song, from beginning to end,
I found again in the heart of a friend.

Parang lahat ng galaw natin ay parang arrow na pinapakawalan natin sa kalawakan. Tayo lang ang may alam kung ang arrow na iyan. Madalas hindi natin nasusundan ang mga pangyayari, madalas nakakalimutan nalang natin ang iba't ibang pangyayari sa buhay natin. Mabilis ang galaw ng buhay eh, pero Long, long afterward,darating din yan. Paano kung kada shot mo ng arrow sa kalawakan, sa'yo rin mahuhulog at ikaw rin ang matutuhog? Ano ang gagawin mo?

"Life is a like a boomerang...you get back what you give "

Musik

These are some of the songs that we really really like. I meant I. Halos lahat ng kantang naririto ay especial sa aking puso. Naks! These are "our songs" people. If you know what I mean. Hehehe. Naka set po ang player na AUTO-PLAY. Pasensya na po sa mga nasa office na naligaw dito at biglang bagsak ng kanta. Naka set din po ang player bilang RANDOM/SHUFFLE para di paulit ulit ang arrangement ng songs, baka kasi magsawa kayo agad. I'll be adding more songs later.




I will add another set of songs po later, sa baba. Iyong puro tagalog naman. Marami rin kasi akong paborito na mga tagalog. Hehehe. Lalo na iyong mga OPM, iyong mga style ASIN at Sampaguita, APO Hiking Society at Iba Pa. Idadagdag ko iyon, later. GOD BLESS YOU GUYS! eNjoY Our Songs!!!!

Tuyo

Ang larawan sa baba ay kuha sa gilid ng Chatahochee River, sa may bandang Phenix City, Alabama. Masdan ang tuyong-tuyo na lupa. Ang mga malalaking ugat ng mga punong kahoy ay makikita kapag ang tubig ay mababa. Kapag high tide naman, hindi makikita ang mga ugat na iyan at ang tubig ay halos umaabot na sa River walk side. Buhay po ang mga punong iyan, malalaki at maraming dahon.


big-roots

Naisip ko lang...Gumagalaw din kaya ang mga ugat na ito kapag kabilugan ng buwan? Yay!

Bayani

E-play ang video sa baba at pakinggan ang mga hinaing ni Juana Change.



Natawa ako dun sa sinabi ni Juana Change na; "maraming isnabera dito" dahil dito sa kung nasaan ako, TOTOOng maraming isnaberang Pilipina. Minsan nga, kahit kayong dalawa nalang ang nag-uusap, tapos kausapin mo ng tagalog mageenglish pa rin. Akala mo, nakalimutan nang magtagalog, baka nasanay na sa english. Pero tanungin mo naman kung matagal na ba siya dito, ang sagot mga ilang buwan pa lang o' kaya taon. Hehehe. Kung pakikinggan mong mabuti ang sinasabi.... Awwww! Wala na akong sasabihin. Haha.

Hindi ko sinasabing lahat, dahil marami-rami pa ring nanatiling friendly at nakikisama ng maayos.

Tungkol sa hinaing ni Juana Change sa Gobyerno....ahhh, talagang sakit sa ulo ang problemang ito. Kailangan talaga ng isang napakalakas at nakakawindang na sigaw ng mga Pilipino.

Hoyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy
Gisingggggggggggggggggggggggggggggggg!

Sana dumating na ang Pagbabago. Nakakasawa na nga marinig ang Sana. Puro nalang sana. Pero ano nga bang magagawa natin? kung alisin natin ang salitang "sana" parang inaalis na rin natin ang paniniwala nating mayroon pang PAG-ASA.( hindi po Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ha!)

Ang Ngayon

Kuha ko ang litratong nasa ibaba, nang minsang maglakad-lakad ako sa tabing ilog. Mababaw lang ang aking kaligayahan. Masaya na akong makita ang maliit na punong tumutubo. Kapag ka nakakakita ako ng lumalaking puno naiisip ko ang mommy at nararamdaman ko uli ang "pag-asa" sa buhay. Sabi kasi dati ng mama ko, "kung ang mga ibong lilipad lipad lang at ang mga punong tumutubo lang kung kung saan ay hindi pinapabayaan ng Panginoon, tao pa kayang marunong magsikap at magpursige?" Basta magdasal lang daw palagi.

Pagsibol ng Bagong Pag-asa

"There are two ways to live your life.
One is as though nothing is a miracle.
The other is as though everything is a miracle.”


~ Albert Einstein


Hindi palaging masarap ang buhay. Madalas nga, malungkot at masalimoot. Nasa sa atin lang ang pagpili kung magpapatumba tayo ng tuluyan, o' manatiling matatag.

Naaksidente ako kumakailan lang. Nagkapasa-pasa ako at gasgas. Sa lakas ng pagkauntog ng ulo ko, lagpas dalawang araw akong walang malay sa ospital. Nang magising ako, ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga mahal ko sa buhay. Paglabas na paglabas ko sa ospital, tinawagan ko agad sina mama pero hindi ko na pinaalam na kamuntik na akong mamatay. Hindi ko gustong pati pa sila lahat doon sa Pilipinas ay mag-alala ng sobra.

Kung tatanungin ang lahat ng taong nakakilala sa akin ng personal, kung ano at paano ako, nasisiguro kong sasabihin nilang positibo akong tao. Pala-tawa kasi ako, mapagbiro at madalas nagbibigay ng mga positibong opinyon tungkol sa mga bagay bagay. Makikita niyo akong palaging nakasmile at tawa. Pero alam niyo ba, na hindi lahat ng tumatawa ay palaging masaya? Minsan may mga pagkakataong tumatawa ka lang, pero sa ilalim ng iyong isipan at puso meron kang dinadalang kalungkutan.

Sinong mag-aakala na sa likod ng boses kong tumatawa at masayang kausap sa telepono ay dumadaloy ang luha ko sa mata? Naisip ko lang kasi na ang kahalagahan ng buhay at tunay ngang hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o' sa mga susunod pang mga araw. Naisip ko paano kaya kung hindi na ako nagising sa ospital? Paano kung tuluyan akong nawala? Namatay lang akong hindi ko man lang kasama ang mga mahal ko sa buhay. Nawala lang akong hindi man lang sila nasilayan ulit. Ano kayang nangyayari kung nawala ako? Dito ba ako sa U.S ililibing o' iuuwi ako sa Pilipinas na nakakahon? Naku, marami pa....maraming-marami pa.

Kaya umiiyak ako habang kausap ko sila. Pinagpapasa pasa ko ang telepono. Sinadya ko talagang huwag mag instant messenger at mag webcam dahil baka makita pa nila akong nasasaktan, malulungkot lang sila. Nasabi ko lang na naaksidente ako, pero okay na ako. Yun lang. Tama na ang impormasyong iyon para wala nang mag-aalala.

Dahil sa nangyari, nagsulat ako sa notebook ko ng mga mahahalagang bagay. Parang "will". Tapos sabi ko sa kasama ko sa bahay, kung saka sakaling may masamang mangyari sa akin, hanapin ang notebook na iyon sa cabinet ko at lahat ng kakailanganin nilang impormasyon ay naroon.

Kapag nandoon ka na sa puntong konti nalang ang kulang at tuluyan ka nang mamamaalam sa mundo, magiging payak ang pananaw mo sa buhay. Doon mo makikita at malalaman alin at sino ang mas mahalaga sayo kasi iyong ibang mga bagay hindi mo na maiisip.

Paminsan-minsan kapag ako nalang mag-isa. Wala nang kausap, at payapang nagmumuni-muni, binubusog ko nalang ang sarili ko ng masasaya at positibong pananaw, ng pag-asa, ng paniniwalang marami-rami pang milagrong darating ang ipagkakaloob ng Panginoon sa buhay ko. Sinisiguro kong sa bawat araw ay masabi ko ang mga bagay na dapat kung sabihin at ibig kong iparating. Sinisikap kong tapusin ang mga bagay na dapat kong tapusin araw-araw. Sinisikap kong mamuhay sa araw araw na para bang ito na ang aking huli dahil alam kong lahat tayo walang alam ano ang mangyayari bukas. Mahirap. Lalo na malayo ako sa mga mahal ko sa buhay. Tumatawag ako, nag-iiwan ng mensahe, nagt-text. I love you dito, iloveyou doon kahit sa mga friends ko. Dati na naman akong vocal, hindi ako nahihiyang magpahayag ng damdamin pero lalo na ngayon. Kahit medyo may tampo ako sa iba, basta sinasabi ko mahal ko sila.

Gusto kong paniwalaan ang sinabi Albert Einstein. Kung dalawa lang ang pagpipilian, siyempre dun na ako sa mamuhay ng parang milagro araw-araw, para mas may kabuluhan ang buhay at patuloy na may saysay. Magalak na tayo at buhay pa. Ibig sabihin, nandoon pa ang pag-asa. Di ba?

Gintong Mithiin

* Upang pahalagahan ang papel na ginagampanan ng mga kapwa ko Pinoy Expats at OFW's sa kabuuang pag-unlad ng ating bansa, ninais kong mag-ambag sa pakontest ng PEBA (Pinoy Expats Blog Award) sa tema na "OFW's/Pinoy Expats: Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo". Napasok pang #20 and entry ko na pinamagatan kong GINTONG MITHIIN.




Mabuhay ang lahat na mga masisipag nating OFW's at Expats!

Nitong mga nakaraang araw lang, sa isang talumpati para sa panlimang Ambassadors, Consuls General and Tourism Directors Tour (ACGTDT) sa taong ito, na ginanap sa Malacanang's Ceremonial Hall, pinuri na naman at pinasalamatan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga milyon-milyong overseas Filipino workers dahil sa patuloy na pagtulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas lalo na ngayong nakikibaka tayo sa pandaigdigang hamon.

Ibinalita ng Presidente na ang remitances ng OFW's noong nakaraang taon ay umabot ng 0.4 bilyon, katumbas ng sampung porsyento ng gross domestic product (GDP).

“So far this year, they are already 2.5 percent higher than last year, thanks to your unswerving dedication, our far-flung heroes,” ang sabi ng Pangulo.

Nakakatuwang malaman na palaki ng palaki ang tulong na naibabahagi ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ating bansa.

Ang Pilipinas ay isa sa mga pinakamalaking labor service provider sa mundo. Tinatayang may halos labin-tatlong milyong mga manggagawa (o' baka higit pa ngayon) sa ibang bansa na nagkalat sa buong mundo, handog ang kani-kanilang talento, talino, sigasig, pawis at dugo. Maraming OFW's at Expats sa iba't-ibang bahagi ng Asya, Gitnang Silangan, Kanlurang Europa, Amerika at sa malayong sulok ng mundo. Nakikipagsalaran at nagbabakasakali. Bitbit ang mga gintong mithiin. Ang positibong paniniwala, pag-asa, at baong pagmamahal ng pamilya ang siyang nagsisilbing gintong liwanag na umiilaw sa pusong namamanglaw.

Lagpas dalawang dekada na ang lumipas mula nang unang ihayag ng Pangulo ng Pilipinas na ang mga OFW's/ Pinoy Expats ay mga pag-asa ng bayan. Sa isang talumpati, noong 1988, sa isang grupo ng mga OFW's (na dating tinatawag na OCW's - Overseas Contract Workers) sinabi ni Presidente Cory Aquino sa kanila;

"Kayo po ang mga bagong bayani" ♥ .

Ito ay dahil sa hindi maikakailang benepisyo ng dollar remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats sa ekonomiya ng Pilipinas. Mula noon, ang mga Overseas Filipino Workers ay kinilalang "Bagong Bayani". Sa katunayan, kabilang sa mga pinaka-publicized ng Administrasyong Aquino ay ang Proclamation No. 276, na nilagdaan noong Hunyo 21, 1988, na naghahayag na ang buwan ng Disyembre ay "Ang Buwan ng mga Overseas Filipino."

Naalala niyo pa ba ang Philippines 2000 na isinulong ng sumunod na pangulo ng bansa na si Presidente Fidel V. Ramos? Ang Philippines 2000 na dati'y nakikitang nakasulat maging sa mga bubong ng mga paaralan, ay kanyang programa para sa pang-ekonomiyang kaunlaran. Maging si Presidente Fidel V. Ramos ay nagsabing;
"Our Overseas Contract Workers are the new heroes of the Philippines" dahil ang remittances mula sa overseas Filipino workers ay isa pa rin sa malaking pinagkukunan ng kita ng pamahalaan.

Si Presidente Joseph Estrada naman ay minsang nanawagan at nagsabing; "the OFWs should continually remit their hard-earned dollars here to help prop up the heavily battered economy..." tanda ng kahalagahan ng kanilang mga kontribusyon sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kani-kanilang remittances, pagbili ng mga ari-arian at paglikha ng mga negosyo.

Samantala, sabi naman ni President Gloria Macapagal-Arroyo;

"OFW's are heroes of the new millennium whose dollar remittances have helped stabilize the Philippine economy".

Subalit, kasabay ng bansag na "bagong bayani" ay ang mga kutya ng mga makabagong indio, ang mga taong mapagmataas na humihila sa mga OFW's at Pinoy expats pababa at walang agam-agam na nambabato ng putik at masasakit na salita na siyang nagpapaigting ng kalungkutang tinatamasa ng karamihan. Bilang mga (kapwa) Pilipino, nasa bawat isa sa atin ang ating lakas, nasa bawat isa rin sa atin ang ating kahinaan. Kung tulong-tulong tayo, itulak paitaas ang bawat isa at hindi pababa, natitiyak kong abot-kamay ang tagumpay. Tandaan po natin, "United we stand, divided we fall".

Isa pang paalala, hindi ang mga OFW's at Pinoy Expats ang kusang nagbansag ng titulong "bagong bayani" kundi ang mga Pangulo ng ating bayan, na siyang higit na nakakaalam sa estado at istatistika ng ating ekonomiya.



Ngayon nga, sa Admistrasyong Arroyo, ilang beses nang naipahayag ang kahalagahan ng mga OFW's at Pinoy Expats sa kaunlaran ng ating bayan. Naniniwala akong marami sa ating mga masisipag na mga OFW's ang taim-tim na nangangarap na umuwi at bumalik na sa tinubuang-bayan upang manatili at tumira kasama ang mga mahal sa buhay at makitang lumaki ang mga anak sa piling nila, subalit napipilitang magtiis sa labas ng bansa at patuloy na iginogol ang oras sa pagtatrabaho para mabigyan ng mas komportabling pamumuhay ang pamilya at makatulong sa bayan.

Bawat taon, mahigit sa isang milyong Pilipino ang umaalis para magtrabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga ahensiya at ibang mga programa, kabilang na ang mga sponsor ng gobyerno.

Sa malawak na papawirin ng cyberspace, mababasa natin ang mga nakakasigla at nakakalungkot na kuwento ng mga manggagawa sa ibang bansa, ang kani-kanilang hirap, pagod, kalungkutan, saya at pakikipagsapalaran. Dahil sa patuloy na pag-imbulog ng pangmasang midya, marami na sa ating mga OFW's at Pinoy expats ang may mga blogs na pumapaksa sa iba't ibang anyo, hugis, kulay, at galaw ng buhay. Binibigyang pakpak ang kani-kanilang expresyon, ideya, tuwa, pagkadismaya, at ang pang araw-araw na pakikibaka. Karamihan sa kanila ay naglilibang, lumalaban sa kalungkutan, naghahanap ng positibong magawa sa pusod ng disyertong mapanglaw, sa gitna ng iba't-ibang mukha at cultura. Natitiyak kong inyong ikalugod ang katapangan at katatagan ng mga OFW's at Pinoy Expats na nakikipag-konek sa kapwa Pilipino at isinusulong ang pagkakaisa. Kahit na malayo sa Pilipinas, ang kanilang sakripisyo at pag-aalay sa kanilang pamilya, ang kanilang pag-ibig at pagpapalawak ng kultura at mga pag-aalala para sa kinabukasan ng ating bansa ay hindi matatawaran.

Iba-iba man ang kwento, magkahawig naman sa dusa't himutok ng puso. Madalas mang sakbibi ng lungkot ang diwa, kapag sa mukha ng mga minamahal tuwa ay nakikita, at pasasalamat ang siyang sambit ng mga labing may ngiti, ang lahat ng lungkot ay napapawi, sakripisyo't luha ay langit nang inaari.

Nakakamangha ang salamin ng buhay OFW's at Pinoy Expats. Sa grupong KaBlogs pa lang, Blogs ng mga Kababayang OFW at Expats, kapansin-pansin na halos lahat sa ating mga OFW's at Pinoy Expats ay magagaling at binibigyang halaga ang pagiging Pilipino. Tunay na maipagmamalaki ng bayan.

E-play ang video sa baba at pakinggan ang mga sinabi ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo tungkol sa mga OFW's (Hongkong, SAR, 28 June 2009)

Presidential Citation Award to OFW Mildred Perez


Sa mga nagdaang taon, maging hanggang ngayon, ang remittances ng mga OFW's at Pinoy Expats ay isang mahalagang pinagkukunan ng kita ng bansa at tumutulong sa pagtaguyod ng ating ekonomiya. Hindi maikakailang ang ating mga masisipag na mga OFW's at Pinoy Expats ay mga "Pag-asa ng Bayan, Handog sa Mundo".

Bilang isang expat na katulad ng karamihan ay marangal at matapat na nagbabatak ng buto para sa pamilya at sa mga kadugong umaasa ng tulong, buong pagmamalaki at taas noo kong ipinagbubunyi ang lahat na mga masisipag na manggagawang Pilipino na buong tapang na humaharap sa hamon ng buhay saan mang sulok ng mundo.

Bigyang dangal po natin, igalang, at ipagmalaki ang ating mga OFW's at Pinoy Expats. At sana'y dinggin ng mga taong nasa posisyon at aksyonan ang matagal na nating hinihiling. Ating suklian ang mga biyaya na binibigay ng ating mga OFW's at Pinoy Expats sa bansa. Marami sa ating mga OFW's ang lubos na nahihirapan, inaabuso, hinaharass, at binabalewala lamang. Ipagkaloob na sana ang karagdagang benipisyo at proteksyon, legal na tulong at diplomatikong representasyon. Bigyang halaga at pakahulugan sana ng Gobyerno ang ibinansag nilang "bayani" at hindi gawing batobalani lamang na nakadikit sa pangalan ng mga masisipag nating manggagawa sa ibang bansa lalo na't halos lahat ng agensya ng ating gobyerno ay lubos na nakikinabang sa kanila. Pangalagaan natin ang siguridad ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa upang ang magandang pag-asa'y hindi manlabo. Sana rin mas palakasin, patibayin at paunlarin ng Gobyerno ang ating sariling Industriya sa Pilipinas para mabawasan na ang paglisan ng ating mga kababayan.

Sabay-sabay nating iangat ang Pilipinas. Ang tagumpay ay ating kamitin. Gintong mithiin ating abutin!


Tama Nang Enterpainment

Ayoko nang puro pain ng buhay ko ang ini-entertain ko. Nakiki-awit na nga ako...Ba Be Bi Bebing......sakay sa agos ng buhay. Ang dami kong pagsubok...sunod-sunod. Hay naku! Akala ko mamamatay na ako. Pero sabi nga, "What Doesn't Kill You Makes You Stronger". Kaya kasabay ang taimtim na paniniwala sa Panginoon at sa paniniwalang lahat ng nangyayari ay may mahalagang rason, eto ako o...nakikiblog pa rin.

Kapag kailangang magtrabaho, trabaho lang. Kapag kailangang mag-aral, aral lang. Magsunog ng kilay hanggang kaya. Kapag nasasaktan, iyak lang...hagolgol hanggang mapagod si mata sa kakaluha. Kapag pagod, tulog lang at magpahinga. Kapag nalulungkot, kinig lang ng musika at makikanta. Kapag gutom, sige kain, bigyang sustansya ang katawan at isipan. Kapag may pagkakataon, blog lang at makibasa sa mga blog ng mga kaibigan.

Hindi madaling mamuhay ng malayo sa mga taong mahal mo at mahalaga sa'yo. Hindi mo alam anong nangyayari sa kanila at hindi nila alam anong nangyayari sa'yo. Makwento niyo man sa isa't-isa, iba pa rin yong kayo'y magkasama at nagdadamayan sa panahon ng tag-ulan.

Pero hindi naman bulag ang Panginoon. Kulang pa ang X-ray machine kung ang puso't isip mo'y basahin. Kaya tama na ang enterpainment:)

Salamat sa Inyo


Marami pong salamat sa lahat ng kaibigan na nagpadala ng mensahe lalo na po sa lahat ng mga kaibigang nagsambit ng kaunting dasal. Medyo ok na po ako ngayon, kahit papaano'y nakapaggalaw galaw na po ako. Medyo bawal pa ang sobrang galaw pero kaya ko na. Taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong mga well wishes. Sabi nga nila, sa oras ng matinding unos nalalaman ang mga tunay na nagmamahal at nagmamalasakit. Thankful naman ako sa halos lahat sa inyo na bagamat hindi ko kilala sa personal na buhay ay hindi nag-alintanang magdasal para ako'y magkamalay at gumaling.

Babawi nalang po ako sa mga susunod pang mga araw. Kailangan ko nang magpahinga ulit. Salamat po talaga sa mga malasakit at pagmamahal. Sadyang Mabait talaga ang Panginoon. Pagpalain sana kayong lahat.

Kahit Sino Pa

Michael JacksonKahapon habang nanonood ako ng TV news, napag-alaman kong dali-daling isinugod si Michael Jackson, isa sa pinakamagaling at pinakasikat na entertainer sa buong mundo. Ipinakita sa TV na ang legendary King of Pop ay nasa sasakyang pang medikal emergency. Hindi ko lang masyadong pinansin, dahil akala ko, lalabas siyang buhay sa ospital na pinagdalhan sa kanya. Live na nakatutok iyong estasyong pinapanood ko. Mga 28 minutes later, sabi ng news anchor, idineklara siyang patay. At isa ako sa mga fans na nagulat. Akala ko kasi, lalabas siyang buhay sa ospital na iyon. Pabalik-balik na ipinakita ng stasyon ang kanyang nakaraan mula umpisa ng career niya, hanggang sa tumada na at nagkaroon ng kontrobersya sa buhay niya. Iba't-ibang angulo at video ang pinapakita. Iyon na ang pinaka-balita magdamag.

Marami siyang alalay sa buhay. May taga bitbit pa ng payong sa tabi, palagi. At hindi naman maikakaila na ibayong tagumpay ang kanyang natamasa. At ibayong yaman ang napagdaanan. Paulit-ulit..

Pero nang inilabas na siya sa ospital na iyon, matapos ideklarang patay, ang live na eksenang iyon ang nagtatak sa aking isipan.

Papuntang Helicopter, balot siya ng puting kumot at apat na tao ang may karga sa kung saan siya nakahiga, walang alalay na nakasunod at walang tagapayong. Parehong eksena sa mga ordinaryong tao. Ibang-iba sa mga videong ipinakita, sa tagumpay na natamasa.*

Kawawa naman ang naiwang anak ni Michael Jackson. Tiyak magiging circus ang mga susunod na araw, para sa pagdedesisyon kung kanina mapupunta ang tatlong anak niyang tagapagmana. Siguradong pagkakaguluhan at pag-aagawan ang mga batang ito.

Ang tao talaga, gaano man kayaman, pagdating sa kamatayan, nagiging pantay-pantay. Wala talagang madadalang kayamanan sa huling hantungan. Ang katotohanang ito ay hindi naman ligid sa kaalaman ng tao. Kaya hindi ko pa rin maintindihan kung bakit marami pa rin ang umaastang sila'y nakalalamang at kung magtrato ng kapwa'y akala mo kung sinong hindi namamatay. Kahit sino ka pa, pagdating sa libingan, ikaw at ikaw lang din ang maiiwan. Kung ang katawan nga hindi madadala, kayamanan pa?

*Magulo man ang personal niyang buhay, hindi maikakaila ang napakalaking impluwensiya at tagumpay niya sa musika. Isang malaking pagpupugay para kay Michael Jackson.

Paalam MJ. Sumalangit nawa.

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

pagkaing pagpag, pag-pag
Nagulat ako at naawa nang makita ko ang videong ito. Ito ay bahagi ng katotohanan at isa sa mga salamin ng kahirapan sa Pilipinas. Medyo napa smile lang ako ng bahagya nang makita kong nakatawa pa rin at masasaya ang mga tao sa video. Mabuti nalang likas tayong mga Pinoy na masayahin at mapagbiro. Mas lalo tayong nagiging matibay sa buhay dahil sa kagawiang ito.

Hindi ko rin alam ano ang pagkaing pagpag. Ni hindi ko pa ito narinig dati. Dito ko na lamang sa video nalaman. Sa nalalapit na eleksyon, sana ang nasasalaming kahirapan ng videong ito ay masama sa isipan at adhikain ng mga gustong maglingkod sa bayan.

Ito ay video ng Sine Totoo ng GMA. E-play po lang po ninyo. Pakinggan pong mabuti ang sinasabi sa pinakadulo ng video at naway maging gabay natin ang mga binigkas na salita ni Hawie Severino.

Pagkaing Pagpag: Pantawid-Gutom?

Kundi Ba Naman Bastos...

Kausap ko kanina sa yahoo messenger ang isang taong mahalaga sa akin. Siya iyong dahilan ng mga malulungkot kong kwento nitong mga nakaraang buwan. Pero syempre tinago ko na ang ilan sa mga posts na iyon, masyado na kasing personal. At ngayong may mga bisita na rin ang blog na ito, ipinasya kong mag cool na at huwag masyadong magkalat ng kalungkutan sa mundo. Kasi karamihan sa mga bisita ko'y nagbabasa at ayoko namang maramdaman nila ang emotion ko na palagi nalang malungkot at galit. Ganun ako magbasa ng mga blogs. Nararamdaman ko at naiintindihan ang emosyon ng nagsulat, parang naeexperience ko rin ang mundo niya, kaya nga enjoy ako sa pagbabasa ng iba't ibang blogs.

May ilang mga buwan na rin na madalas kaming magtalo sa mga personal na bagay. At dahil malayo kami sa isa't isa, kahit magkatabi lang ang bansa namin, nahihirapan kaming ayusin ang problema. Habang nagch-chat kami at nagtatalo, bigla nalang may nagtype na galit, naunawaan ko naman agad na hindi siya kasi biglang nag-iba ang tema at biglang nagtagalog, eh bisaya kaming pareho. Nainsulto ako. Kundi ba naman siya bastos, bakit biglang nakikisawsaw sa may usapan? Hindi naman niya ID at lalong hindi siya ang kinakausap ko. Eh hindi ko nga alam na nandoon siya. Halerrrr? Biglang nang-agaw ng keyboard at nagtype???? Tapos nagtapang-tapangan, nang-away....WTF (wat the fish...lolz!) Hindi daw ba ako nakakaintindi ng tagalog? Eh tagalog nga mga sagot ko sa mga message niya. Nang-insulto? . Tapos nag eenglish-english. Iningles ako. Ha ha ha ha.



Na provoke ako. Bastos na, nakikisawsaw sa usapan, tapos nang-insulto, nagmagaling pa. Tinawag pa akong loser. Hahahahahaha. Tapos nagtaka siya bakit ako tawa ng tawa. Sino kayang loser sa aming dalawa? Ay pinatulan ko na, inunahan ako e. Patawarin ako ni Lord, pag ako inunahan, Juice ko Day!!!! Mabait ako sa mga mababait sa akin, kapag magsasalbahe ka lang, huwag sa akin. Kasi mabait ako eh..... huwag subukan. Hik hik Hik!

Respect Begets Respect.
Kung gusto mong igalang ka, matuto kang gumalang at lumagar ng tama.

Tabi-tabi po.

Ito pa...ibubulong ko...
Mag-ayos ayos!

Hik Hik Hik!

O di ba ginawan talaga ng blog...kasi sumisilip yata yon dito e. Dis is eyspesyali por hir and ol dat ar layk hir. Hikhikhik!

Ay downt layk pipol ho ar bit ches bat ay lav beach.

Quote of the day: Maging wais na pusa, siguradohing tumahol sa tamang puno, dahil ang punong santol ay nambabato rin ng nagmumurang-kamatis....at mais


Wahahaha...
Get's niyo?

Mga Sagot sa Tanong Ni Ano

Mapangahas na mga tanong ni Ano (ayaw niyang pangalanan siya...siguro may utang o' hinahanap ng batas). Sinagot ko naman, natyempong wala akong magawa at nakikichikka lang din (utuin din). Sige basahin niyo, hindi ko na kasalanan kung maantok kayo, mainis, masuka, magutom at iba pa. Kilalanin daw si Ako. (Updated: January 06, 2010)



1. Sino si Bing?

Simpleng tao. Tahimik na madaldal. Seryosong mapagbiro.

2. Pwedi bang dagdagan? Sobrang iksi, yong mas malinaw.
Isa akong lisensyadong guro sa Pilipinas na dating nagtuturo sa Pinas ng Mathematics at Physics sa Highschool. Nagtutor din ako sa mga estudyanteng nasa kolehiyo at elementarya noon. Six ako nang mag-grade 1. Nineteen ako nang matapos sa kolehiyo, 20 ako noong magsimulang magturo sa isang napakalaking unibersidad sa amin.

3. Huh? 20 nagturo ka na?
OO maaga akong naggrade 1.

4. More pa...
Tama na yun.

5. Saan Ka Ngayon?
Nandito ako ngayon sa US. Matagal-tagal na rin ako dito. Mga ilang taon na, pero nami-miss ko pa rin ang Pilipinas, ang mga mukha ng mga taong nagmamahal sa akin, mga kapitbahay na kahit tsismosa ang iba, totoong may pakialam naman at malasakit ang karamihan, ang mga pagkaing gulay at prutas na mga paborito ko, ang mga natural na magandang tanawin. Ang jeepneys nag-iingay ng teeeettttttttttttt..tettt...tettt... Busina dito at doon, kahit obvious nang traffic at walang mapagdaanang iba. Hahaha. Lahat ng iyon, miss ko. Totoong ibang-iba ang Pilipinas at ibang-iba ang mga kaugaliang Pilipino. Mas namiss ko at mas naging makabayan nang malayo ako.

6. Ano ang Ginagawa mo jan?
Nagt-trabaho. Nagb-blog. Nag-gagarden din ako. Nag-aaral, balik-estudyante ako. This time sa linya ng Medisina naman. Sana matapos ko.

7. American Citizen ka na?
OO. Filipino at American Citizenship.

8. Edad?
Secret. Huluaan mo kaya? Nasa kalendaryo pa ang numero ko.

8. Status?
Civil. Lolz.

9. Maganda Ka.
Tanong yan?

10. Hindi... Ano ang maganda para sa'yo?
T.Y kung ganon. Ang kagandahan ng tao ay nasa tumitingin nito. Para sa akin ang kagandahan ng tao ay ang kabuuan nito; ang pisikal, moral, intelektwal, social at iba pa. Tamang timpla lang. Tamang asal, tamang galaw, tamang pag-iisip, tamang pilosopiya, tamang matapang, tamang duwag, linis sa katawan, tamang daldal, tamang tahimik at tamang biro. Kung ano ang timbang ng "tama", depende na sakin. Katulad mo, may mga criteria ka rin kung ano ang maganda at ano ang tama sa paningin mo.

11. Pilosopo Ka Ba?
Parang naririnig ko ang mga friends ko nagsasabing Mismo! Hahahaha. Sige na nga.... Oo, pero hindi ako namimilosopo. Makikinig lang ako at mag-iisip, baka mabago mo ang isip ko, kung hindi naman, okay lang. Lahat tayo may kanya-kanyang pananaw sa buhay. Kung hindi ako sang-ayon sa iyo, irerespeto pa rin kita at hindi ako makikipagtalo sa'yo. Syempre opinyon mo at paniniwala mo iyon. Lahat tayo may sariling paninindigan, pero hindi natin kailangang mamilosopo at manlait sa tao para lang maipakita nating mas magaling tayo. Ang tunay na magaling, talsikan man ng putik, magaling pa rin..kusang kikinang ang powers..LOlz!

12. Ano ang ayaw mo sa tao?
Ayoko ng maarte, nagmamagaling, sobrang plastik, at walang respeto sa kapwa. Tama na iyon kung dadagdagan ko pa, baka magmukha na akong nagmamarunong, hindi rin naman ako perfect. May mga shortcomings din ako. Basta importante sa tao ang balanse. Tamang timpla lang.

13. Masama ka Bang Kaaway?
Hindi ako nang-aaway.

14. Hindi.... Masama ka Bang Kaaway?
Hindi nga ako nang-aaway. Lolz..

15. Eh! Paano kung awayin ka?
Ano yan bata? Lolz...Kasalanan na nila iyon. Basta hindi ako nang-aaway. Pag inunahan ako at inapak-apakan, ibang usapan na yan. Tamang mabait lang ako...hindi santo. Kung away ang gusto di sige pagbigyan. Hahahaha. Mabait ka na nga, aawayin ka pa? aba'y naghahanap na talaga ng gulo yan.

16. Ikaw ba palagi kang nakatawa?
Madalas. Hindi naman sumasakit ang aking panga. Mababaw lang kaligayahan ko eh, minsan drama na ang palabas nahahanapan ko pa ng funny something. Kung gaano ako kabilis tumawa, ganun din ako katagal magalit. Galit na silang lahat, ako cool lang. Lolz...hindi ako pikonin e. Kaya ayokong magalit o' makiaway kasi pag galit ako, galit na talaga yon.

17. Nakakahawa yang hahahaha mo eh, parang hagalpak.
El o' el nalang.

18. Kelan ka nagiging seryoso?
Kung kinakailangan.

19. Describe mo ang mga kaibigan mo?
Malawak e. May propesyonal, may tambay, may mayayaman, may mga pulubi. May mga disente, meron ding hindi. May mga kaibigan akong mga katulong, magbobote, mga doktor. Iba-iba. Pwedi ako kahit sinong kasama basta di masamang tao.

20. Anong common nila?
Siguro ugali.

21. Yun pwedi. Matagal ka na sa Blogospero?
Mag-aapat na taon na rin. Marami-rami akong blogs, pinagkakakitaan yong ibang mga english. Ilang beses nakong sumubok ng personal blog pero nagiging commercial din later kasi ayoko ng masyadong personal. Ok na ako dito. Ang buhay ko paikot ikot lang, hindi masyadong interesting. Kalokohan ko marami, siguro thoughts nalang, hindi too much personal stuffs.

22. Madalas may mga gropo-gropo sa blogosphere. Wala kang ka groupo?
Wala iyong close talaga. Meron sa commercial blogs na linking and nagbibisitahan talaga, parang for business sake lang...networking din yon e. Dito sa babebibebing na blog nag-iikot ako sa mga nasa listahan ko at minsan nagagala din ako sa iba. Nag eenjoy ako magbasa at makicomment sa mga Ka-Blogs, minsan tahimik lang ako di na nakikisali sa comment pero nagbabasa talaga ako.

23. Bakit?
Interesting kasi malalaman mo anong trip niya o' mood o' iniisip niya sa mga panahong iyon. Basta enjoy.

24. Iyong social networking talaga na close meron ka?
Wala. Siguro dahil hindi ako masyadong open sa personal life ko. Hindi katulad ng iba. Nagsusulat ako ng damdamin at mood ko sometimes pilit na pilit pa yan.

Dati napasok ako sa mga pinay din na nasa America. May mga nakilala rin naman ako online na mababait, mga online journal talaga blogs nila, daily lives nila. Nawala ako dun siguro masyado nang malaki ang group, tapos nakikisali ako sa kanila pero hindi naman ako nagsasabi ng personal stuffs about me, so wala rin masyadong connection.

Ngayon dito ako sa KaBlogs nagb-bloghopping and gusto ko siya kasi iba-ibang personality malawak ang nakukuha kong impormasyon.

25. Paano ka napunta sa Ka Blogs?
Napadpad ako sa blog ni Marlon Perspektib. Nagenjoy ako kakabasa, tapos nagandahan ako sa ID niya. After Marlon, napaclick ako kay LordCM. Gusto ko iyong thoughts niya. Adhikain niya. Palagi akong bumibisita doon at nakikibasa. Tapos napunta ako kay Hari ng Sablay, naaaliw ako dun. Hanggang napadpad na rin ako sa ibang mga blogs. Tapos nandiyan si Jettro nakikicomment din ako dun. Hindi talaga ako mahilig magcomment kasi parang close mga tao dun pero nakikicomment na rin ako pagtagal. Nagsasanay pa akong makisali sa commenting.

26. Bakit hindi ka mahilig magcomment?
Kasi hindi ko sila kilala. Pero kapag gustong-gusto ko ang post, nakikicomment nalang. Pilit pa yan. Hindi naman ako mahiyain talaga, hindi lang ako sanay na ako iyong unang mag-effort. Ako iyong mag-aantay lang, even in real life pag may mga bagong tao, nasa isang tabi lang ako mag-aantay pansinin.

27. Nagbabasa Ka Ba Talaga ng mga binibisita mong Blogs?
Ay OO. Binabasa ko talaga mga iyan. Kahit hindi ako nagco-comment, nagbabasa akong talaga. Minsan nga nakakalimutan kong mag-iwan ng message sa cbox nila kasi busy din naman ako. Nagmumulti-tasking lang. Pag libre ako, ayon bilis basa ng mga blogs. Totoong enjoy ako and iyon ang importante. Kasi pagod ka na nga di ba? iyon na palipas oras ko ngayon.

28. Ano ang paborito mong blogs?
Marami eh. Lahat naman magagaling, iba iba lang ng style. Magagaling tayong mga pinoy talaga at matatalino.

29. Alam mo bang yong gulo sa iba nating mga ka-blogs at kay Mike Avenue?
OO. Natyempong busy ako ng mga araw na iyon noong unang dinig ko hindi ako nakikicomment pero nabasa ko at nalaman ang gulo later na.

30. Ano ang opinyon mo tungkol sa pangyayaring iyon?
Masakit sa kapwa ang mga binitawan niyang salita. Masakit malaman ganun kaliit at kasama ang tingin sa kapwa niya Pilipino na totoong nagsasakripisyo at kumakayod ng husto para sa pamilya. Wala siyang karapatang manghusga. Kung may kilala man siyang mga OFW na ganun ang dahilan at ginagawa (base sa mga description niya), siguradong iilan lang sila. Hindi tamang mag-generalize lalo't hindi naman sigurado. Kaya nga may salitang "iilan" at "some" sa english dahil hindi naman lahat ng tao pareho. Masyadong masakit iyong sinulat niya at natural lang na masaktan at maoffend ang iba. Masakit eh, nakakainsulto. Totoong malaya tayong magpahayag ng ating mga saloobin at koro-koro pero kailangan din nating maging responsable. Hindi nga ba't kasabay ng higit na kapangyarihan kagaya ng pagsusulat ay ang mas malaking responsibilidad?

31. Gusto mo bang baguhin ng style ng Ba Be Bi Bebing?
Walang style ang blog ko. Dati kasi seryoso to, walang nagbabasa. Lahat ng kalungkutan at frustrations ko, dito ko binubuhos. Kung mababasa mo lang ang mga luma kong entry baka isipin mong magpapakamatay na ako. Lolz. Kasi tago tong blog nato dati eh and noong time na iyon nagkaproblema kami ng isang taong napakaclose sakin, bestfriend. Hanggang ngayon may tampuhan pa rin, malayo kasi kami sa isa't isa mahirap ang communication. Ngayon may mga napapadpad na dito, kailangan kong itago ang mga lumang super personal na mga bagay bagay. Hindi ko pa alam anong style ang pokos ko sa Ba Be Bi Bebing. Hinahanap ko pa ang aking comfort zone. Ok na sa akin na andyan lang ang blog na ito at nakakapaglibot ako sa iba, kasi dun naman ako enjoy, sa pagbabasa. Baka isang araw, makapagdesisyon din ako kung ano talaga ang gusto ko sa blog na ito. Naglalaro lang ako. Palipas oras, pawala ng pagod. Pansin mo naman siguro iba-iba nilalagay ko. Anik anik lang...wala sa ayos ng tema...kasi wala pa akong tema.

32. Wala ka bang naging BF na OFW? Mukha kasing malapit talaga kami sa puso mo?
Actually noon bago pako dito sa Tate, nasa mga Pinoy forums ako and marami akong naging kaibigan na mga OFW rin kaya kahit papa'no alam ko ang hirap at sakripisyo nila. Hindi madali. Hindi naman malayo ang buhay ko sa mga OFW.
35. May OFW na bang minsan nagpatibok ng puso mo?
Meron.

36. Hahaha. Sino?
Isang tutubi. Isang guy na may pagkahawig sa una kong bf ang ugali.

37. Sino naman ang maswerteng iyon?
Hindi ko na nakakausap now. Sa maiksing panahon na nagkausap kami, parang nakita ko sa kanya yong unang BF ko, kaya siguro nawindang ako sandali. Sandali lang yon. Alam kong nawindang talaga ako dun kasi nagawan ko iyon ng tula sa isang upuan lang. Parang buhos na buhos ang damdamin. Sa buhos e nawala rin agad. Hahahahaha. Kaloka!

38. Ba't wala na?
Nauntog kami pareho. Lolz. Pareho lang yata kaming bored noon and found each other.

39. Ano ang type mong guy?
Iyong mahal na mahal ang kanilang nanay at mga kapatid na babae. Malaking plus yon. Tamang prinsipyo. Ayoko ng masyadong matapang, o masyadong duwag. Ayoko ng masyadong seryoso o' masyadong mapagbiro. Balance lang sa panloob at panlabas na kaanyuan. Nagiging pangit lang ang tao sa paningin ko kung ang ugali nito'y negatibo.

40. Bakit Ba Be Bi Be Bing?
Kasi tawag nila sakin sa bahay Bebing, yong ibang pinsan ko tawag Bingkay. Medyo personal naman ng konti ang blog kaya yon na title ko. Madali kasing tandaan parang abakada lang.

41. Hindi naman personal ang Ba Be Bi Be Bing mo ah. Wala masyadong personal details.
OO nga eh. Ito nalang mga tanong mo ilalagay ko dun para may "konting" details tungkol sa akin.

42. Sige. Konti Lang?
Oo. Ayoko ng sobra. Shy ako. Pribadong citizen ako, hindi ako importanteng tao. Wala naman akong mga fans eh. Hindi ako magaling makipagkaibigan. Kung naging lalaki ako, patay! hindi ako magkakanobya. Hahaha.

43. Other Blogs?
I actually have a lot of sites but I kept my other blogs in an anonymous writer, so I don't link them all. Well I do, but hidden.

44. Kita kong meron kang Inspirational Quotes site?
Oo, sa nasabi ko na po, medyo marami rami akong sites online. Ilalantad ko rin silang lahat kapag ka ayos na masyado o' establish na masyado.

45. That's a lot of quotations compiled. You must really like Quotations.

I do. I love reading different quotations for power. Its a ball of light in my hand, keeping me sane and guided by the wisdom and humor of the wise and funny, and lessons from individuals with different experiences in life. Inspirational Quotes helps me in actively pursuing a dream and attaining satisfaction in it. I compilled them there, there are a lot of them that I was not able to post. I can't manage to post every quotations I read.

46. Nice naman. Sabi mo marami kang blogs/websites. Kumikita ka ba Online?
Opo. It started in 2006 as libangan, bored, walang magawa. Until nagsimula na akong kumita, so tinodo ko na. Haha! Nag eenjoy na ako, kumikita pa. Hindi kalakihan sa simula, pero palaki ng palaki. Lalo na iyong mga sariling domain name ko, iyong mga dot com at dot net, or dot info.

47. Paano ka Natuto gumawa ng websites at sa mga codings? Nag-school ka?
Hindi po. I read a lot, self study. Puro lang ako self study. Kahit sa iyong ibang mga languages na nauunawaan ko at alam kong bigkasin, self-study lang din. Naghihiram po ako ng mga libro sa public library.

48. Paano ba iyong sinasabi mong self-study?
Basa lang po ng mga libro, o' kaya sa online . Tapos subok-subok lang. It works naman sa akin kasi ganun na ako, nakasanayan ko na pong ganun. Iyong pag may gusto akong gawin, subok subok lang until matuto. Madali akong mabored, kaya marami akong ginagawa palagi, iba-ibang field, sabay sabay so para lang akong naglalaro. Nag eenjoy akong ganun.

49. Ano naman pinag-aabalahan mo? Iyong sinasabi mong sabay sabay?
Naku marami. Nag-gagarden ako, gumagawa ng fashion jewelry, candles, blogs, work pa, self study pa ng ibang fields. Siguro kasi, di mapakali utak ko, palaging maraming gustong gawin. Malikot. Ang mga blogs ko ganun din, iba -ibang themes. Ito lang Ba Be Bi Bebing, palipasan lang talaga ng oras, wala monetization.

Pwedi end na? Hehehe...haba na kasi masyado.

50. Wow! Galing naman! Ok.
Thank you.

Mamuhay ng may Kabuluhan



Handa na o hindi, darating ang araw na ang lahat ng ito ay matatapos. Hindi na sisikat ang araw, walang minuto, oras o' linggo. Ang lahat ng mga bagay na iyong inipon, pinahalagahan man o' kinalimutan, ay maipasa sa ibang tao.

Ang iyong kayamanan, katanyagan at kapangyarihan ay pilipisang matigang sa kawalanng halaga. Hindi mahalaga kung ano ang iyong paga-ari o' kung ano ang iyong taglay. Ang iyong poot, galit, inggit, sisi at pag-aalinlangan ay tuluyang mawawala.

Maging ang iyong inaasahan, mga ambisyon, plano, at mga nakalistang gawin ay lilipas. Ang lahat ng tagumpay at pagkatalo na minsan ay mahalaga sa'yo ay maglalaho.

Hindi mahalaga kung saan ka nagmula. Hindi mahalaga kung ikaw ay maganda o' hindi, may kislap o' wala. Kahit na ang iyong kasarian at ang kulay ng iyong balat ay walang saysay.

Ano ang mahalaga? Paano susukatin ang kahalagahan ng natitira mong mga araw?

Hindi ang mga bagay na iyong binili, kundi kung ano ang iyong binuo; hindi kung ano ang meron ka, kundi kung ano ang iyong ibinigay.

Hindi importante ang iyong tagumpay, kundi ang iyong kabuluhan.
Hindi importante kung ano na iyong mga natutunan, kundi kung ano ang iyong mga itinuro.

Ang mahalaga ay ang iyong bawat pagkilos ng may integridad, pakikiramay, tapang o' pagpapakasakit na magbibigay inspirasyon, kapangyarihan at paghihikayat sa iba na tumulad sa iyong mga halimbawa.

Hindi mahalaga ang iyong mga kakayahan, kundi ay ang iyong katangian,
Hindi mahalaga kung gaano karaming mga tao ang kilala mo, kundi kung gaano karami ang mangungulila at manghinayang ng iyong pangmatagalang pagkawala kapag ikaw ay hindi na makikita.

Hindi mahalaga ang iyong mga alaala, kundi ang mga alaala na maiiwang buhay sa mga taong nagmamahal sa'yo. Ang mahalaga ay kung gaano ka katagal na maala-ala, kung sino at sa kung ano.

Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay hindi aksidente. Ito ay hindi isang bagay na bigla na lamang dumating o' mangyayari. Ang pamumuhay ng may kabuluhan ay isang bagay na ating pinipili.

Piliing mamuhay ng may kabuluhan.

Mabuhay ang mga Tatay

Gusto ko lang batiin ang mga masisipag kong mga kablogs na mga pogi at may mga tsikiting na. Happy Father's Day sa inyong lahat. Sanay pagpalain pa kayo ng Maykapal at bigyan ng malusog na pangangatawan. Nawa'y maabot niya lahat ng inyong mga pangarap para sa inyong pamilya. Sana rin mas pahalagahan kayo at mahalin ng mga taong malalapit sa inyong puso, lalo na ng inyong mga inspirasyon.

"I Love You Pa. Alam ko nandiyan ka lang palagi nakabantay at patuloy na nagmamahal. E-hello mo nalang ako sa mga anghel na nagbabantay rin sa akin. I'll see you soon in Heaven, say me Hi to God"

Palit Na Naman



Nagsawa yata ako sa dati kong template at eto, pinalitan ko na naman. Walang magrereklamo at magsasabing sawain ako dahil noon ko pa alam yan. Hik hik hik! Pwera biro, hindi ko naman pinagsawaan, napagtripan ko lang gawing tatlo ang column para mas maluwag.

Juice Ko Day! Nakakabaliw na ang temperatura.
Sobrang initttttttttttttttttttt. 100 °F ( 37.778 °C) ! Bukas pa magsisimula ang summer pero naku mainit na masyado.

Panalangin ko: Sana maging maayos na at payapa ang kaguluhan sa Iran. Kawawa naman ang mga inosenteng nadadamay, nasasaktan at nasusugutan. Sana PEACE na. Sana. Sana. Ipagpanalangin po natin ang kapayapaan.

Ano ang Patis?

Madalas kong mamiss ang lutong Pinoy. Dahil dito, kapag may nakikita akong mga Filipino recipes, sinusubukan ko ito. Sa Pilipinas, sanay akong may nagluluto ng masarap na pagkain, dito nasanay na akong kumain ng sarili kong lutong Pinoy. Hehehe. Hindi ako kagalingan magluto dati. Dito nalang ako natuto, kung kelan malayo sa mga magagaling sanang magturo.

Noong nakaraang lingo, may nakita akong video na nagtuturong magluto ng Pininyahang manok. Nilista ko ang mga sangkap para mabili ko ang mga kulang. Hindi ko napansin na kailangan din pala ng Patis. Pinagsasabay sabay kasi ang gawain, multi-tasking, ayon nabingi yata ako at hindi ko narinig ang Patis. Binili ko ang mga sangkap at nagluto na nga ang kawawang bata.

Bitbit ko pa ang laptop sa kusina, pinanood ko iyong video at sinabayan ko sa pagluluto. Pause muna kapag nabibingi na naman o' nabibilisan. Tapos biglang sabi ng nagtuturo sa video; "Ang panimpla po natin...patis lang"

Nagulat si ako. "Huh! Ano ang Patis?". Dali dali akong naghanap sa mga sauce ko. Meron akong soy sauce, vinegar, rice vinegar, worcestershire sauce, oyster sauce, apple cider vinegar. Ano kaya sa bisaya ang patis? Yay! nahiya ako sa sarili ko, ayan kasi magaling lang kumain, walang pakialam sa sangkap. Mabuti nalang hindi pa luto ang manok, may oras pa akong mag google. Nagtype...Patis in English. Scan ng scan sa mga resultang binigay ng google...basa..basa...walang makuhang info. Nagdial sa telepono (hindi naman sa 911, ano ka! ), tawag ako sa kaibigan ko. "Dith, alam mo ba ano ang patis sa english?". Sumagot, hindi. Bisaya rin siya. Alam niya ano ang patis, describe pa niya ang lasa. Tumawa nalang kami pareho. At binaba ko na ang telepono, bumalik sa luto ko.




Minagic ko nalang, nilagyan ko ng konting toyo at rice vinegar. Syempre iyong ibang sangkap pa ayon kay Kuya Chef (iyong pinoy sa video na nagtuturo). Hindi ko alam ano ang pangalan niya.

Tinikman ko na. Aba! milagro, masarap pa rin. Medyo oily ng konti kasi yong chickeen ko may skin pa, dapat konting oil lang nilagay ko pero pwedi na rin. Masarap din naman. Unang subok ng pininyahang manok => Pwedi na (+80 points)



Habang hinihintay kong maluto ang magic pinanyahang manok ko, nagbasa pa ako online at ayun! Patis, fish sauce. Ay sus! Fish sauce lang pala ang english ng Patis. Hindi kasi mahilig ng patis si mommy sa bahay. Siguro meron din kami niyan dati, baka bisayang name lang kaya hindi ko alam. O talaga lang wala akong pakialam sa kusina dati. (Either...or. )

May mga patis sa Asian store dito. Kahapon namalengke ako, bitbit ko na ang fish sauce. Kailangan kong subukan uli para perpek ang lasa. Ako lang din naman mag-isa ang kumakain kaya wala rin namang magsusumbong sa pulis.

Metro Atlanta Nakakabaliw

Bumalik na naman ako sa Atlanta, Georgia noong June 12 para sa aking fingerprinting appointment ng U.S Citizenship. Masarap sanang mag side trip ulit at bumisita sa zoo. Kaya lang ayoko namang ma-late sa appointment ko.

atlanta

atlanta1

Nakakainis magmaneho sa Atlanta, traffic masyado lalo na ngayon na maraming construction sa daan at kapagka nagkamali ka ng liko sa highway, iikot ka pa.

garmin-gps

Buti nalang, hindi ako ang nagmamaneho duling duling sana ako sa daan. Akala ko hindi ako sasamahan lalo't hindi rin naman pinapapasok sa opisina ang mga hindi aplikante. Ilang beses na akong bumisita dito at palagi nalang may improvement, lalo na sa daan. Hayyyzzz..nakakabaliw sa hi-way. Siguro sanayan nga lang, mahirap nga naman iyong biglang lipat sa lane, para maka liko agad.

atlanta3

atlanta4

atlanta5

Lagpas dalawang oras ang byahe pasulong Atlanta galing sa bahay, another two hours pabalik. Ang appointment ko sa loob ng opisina hindi man lang inabot ng 30 minutes. Mas matagal pa ang byahe kaysa appointment talaga, pero nasanay na rin ako dahil ganun din naman sa mga naunang appointment ko dito noong nakaraang mga taon.

Tiyak balik na naman ako ulit kapagka doon pa rin ang venue ng interview ko at oath taking. Pero di bale, dalawang step nalang at matatapos na rin ako sa byaheng ito.

Adik Sa'yo

Adik Ka Ba? Sa mga palabas sa TV. Hindi ako masyadong adik sa mga teledramas pero nanonood din ako kapag may nagustuhan. Eto kinaaaliwan ko ngayon ang Adik Sa'yo.



Tamang Tayming ko naman sa bagong GMA Telebabad na palabas na pinamagatang Adik Sa'yo. Trip ko ang tema. Very light. Romantic Comedy. Nakakasawa na rin ang puro drama. Tawa ko ba naman ng tawa sa show na ito. Noong Lunes lang yata to nag umpisa sa Pinas. Marami-rami rin namang magagandang palabas hindi ko nalang pinapanood kasi hindi ko naumpisahan, mahirap na sundan ang estorya.

May nag-uupload ng mga episodes nito sa youtube, pwedi niyo ring mapanood sa pinoychannel.tv.

Anak To The MaKs

poverty, kahirapanNakakalungkot na masyado ang kahirapan sa Pilipinas. Sa matrapik na daan pa lang, makikita mo ang mga batang pinagnakawan ng kamosmosan, nasa lansangan, namamalimos, natututong magloko, magnakaw, mangupit, umaakting, manloko sa kapwa . Ano ang nangyari sa mga binansagan ni Dr. Jose Rizal na pag-asa ng bayan?

Ang pamilya ang pinakamaliit at pundamental na panlipunang grupo sa lipunan. Dito nagsisimula ang pag-aalaga ng buhay. Nandiyan si nanay, si tatay, at anak o' mga anak. Si anak ang bata, lumaki, nagkapamilya at nagkaanak. Tapos sa susunod na henerasyon, ganun ulit ang takbo ng buhay, hindi man lahat ang nagkakanak, patuloy ang pagsulong ng henerasyon ng tao.

Alam kong walang karapatan ang sino man na manghusga sa kapwa dahil lahat tayo, sagana man ang buhay o' hindi dito sa mundong ating ginagalawan, pantay-pantay tayo sa mata ng nag-iisang Diyos. Hindi ko lang maintindihan kung bakit marami pa ring mga nanay at tatay na lubog na nga sa kahirapan, gumagawa pa rin ng anak...to the maks.

Sabi ng mga depensibong magulang, wala raw tayong pakialam, buhay nila iyon at hindi tayo ang nagpapakain sa kanila. Hanggang kailan ba tayo magbubulag bulagan na ang kanya kanyang kahirapan ay sobrang nakakaapekto sa pag-unalad ng bayan? Nandiyan ang kaawa awang mga walang tahanan at walang makain. Iyong iba nagiging salot na lipunan, umaabuso sa droga para kahit sa ilang oras o minuto man lamang ay makatakas sa hirap at kalungkutan. Iyong iba pa nagnanakaw, pumapatay para mabuhay.

poverty, kahirapan


Hanggat patuloy na nag-aanak ng higit pa sa kayang buhayin, pagpapaaralin, at gabayan ng tama, lalo lang lalala ang kahirapan. Kung sa pamilya pa lang, may kakulangan na ng mga karaniwang bagay tulad ng pagkain, pananamit, tirahan, ligtas na inuming tubig, at ang lahat na ng kailangan sa pang araw araw na pamumuhay, ang kalidad ng buhay sa pakikipagsalaran sa lipunan ay mas mahirap na, kumpara sa ibang pamilya. Maraming mga pag-asa ng bayan ang hindi nabigyan ng tamang edukasyon na siyang isa sa mga pinakamahalagang paraan sa pagtakas mula sa kahirapan.

Maraming mga pilosopo ang nagsasabing hindi na sila mag-aaral dahil marami rin namang nakapag-aral ang walang trabaho at mahirap pa rin.
Bagamat may katotohanan din ang salitaing ito, huwag nating maliitin ang dulot ng ibayong pag-aaral lalo't higit natin itong kailangan ngayon sa naghihingalong Republika ng Pilipinas. Bitbit ng mga nakapag-aral ang mas maliwanag na pag-asa. Sabi nga, ang katalinuhan ng tao ay hindi nananakaw ninuman, hiwain man ang ating mga ulo at pagtatadtarin ang ating utak, mamamatay tayong bitbit ang ating kaalaman.

Palaki ng palaki ang numero ng ating populasyon kada taon, hindi naman lumalaki ang area ng lupa sa Pilipinas. Pasikip ng pasikip, patrapik ng patrapik, pahirap ng pahirap.

Nasaan na ba ang ating mga "sintido common"? Bawat isa sa atin ay mahalaga sa kaunlaran ng bayan. Lalo na ang bawat pamilya na pundasyon sa lipunan. Ang mga nanay at tatay ang nag-aaruga, gumagabay at nagpapalaki sa mga pag-asa ng bayan. Nasa kanila ang mahalagang susi ng pagpapabuti sa pamumuhay lalo na sa mga susunod na henerasyon.

Ibuhos po natin ang ating pagmamahal sa kapwa at maging responsableng mga magulang po sana tayo. Huwag sana tayong mag anak ng anak... To The MaKs. Kawawa naman ang mga bata. Kung mahirap lamang kayo, gusto mo bang maranasan din ng anak mo ang kahirapang pinagdaanan mo?

Magpakatatag Ka Puso

Mapagbiro rin ang talaga ang tadhana. Sa dami ba naman ng mga pusong nag-aantay din na mahalin at pagtuonan mo ng pansin, madalas doon pa tayo nahuhumaling sa taong magpapaiyak lang pala sa atin. Minsan magtataka ka nalang, anong nangyari. Bakit? paano? saan? Parang bigla nalang isang araw, nagising kang wasak na ang mundong dati punong-puno ng saya, mga magagandang pangarap na sabay na binoo, mga pangakong akala mo'y hindi na magbabago.



Minsan buong tapang kang nakatayo, bitbit ang pag-asang lilipas din ang lahat. Minsan naman, gusto mo nang maglaho nang matapos na ang lahat ng hirap at kirot na nararamdamin. Bakit nga kaya may mga taong walang pakialam sa damdamin ng iba? Minsan kung sino pa iyong mabait naman sa kapwa at walang ginagawang masama, siya pang nagdurusa at nasasaktan.

Gusto mo, ayaw mo. Magulo. Minsan ayaw mo na talaga, nakakapagod din kasi ang umunawa at palaging nagpapakumbaba. Minsan naman gustong gusto mo pang ipaglaban at ipakita sa iba na nalampasan mo ang bagyong pilit na nagpapatumba. Kaya nga lamang, hindi lang naman ikaw ang pinagkukunan ng lakas. Paano kung ikaw lang ang matapang? paano kung ang isang panig ng partidong nasa kabilang bahagi ng mundo ay bulagta na sa lupa, mahinang mahina at nawawalan an rin ng pag-asa?

Minsan magtatanong ka sa iyong sarili, kaya mo pa ba puso? Kakayanin mo pa ba? Hanggang saan ang iyong pasensya? Hanggang kailan ang iyong tatag?

Punong puno ng katanungan ang iyong isip. Mga tanong na hindi agad masasagot ng panahon. Punong-puno ng kirot at pait, mga sugat na hindi agad mapaghilom ng panahon. Kung wala ang salitang "maybe" o' "baka", paano pa kaya magpapatuloy ang puso na makibaka at makisakay sa agos ng buhay? Totoo ngang ang pag-asa nalang ang tanging pag-asa para bumangon at makisaya, ipagpatuloy ang buhay.

Magpakatatag ka puso. Darating din ang araw na mauunawaan mo at magiging malinaw sa iyo ang lahat. Mabait ang Panginoon. Kahit kailan naman hindi ka Niya pinabayaan. Sige lang...antay lang...Sasaya ka rin ulit. Hindi nga ba palaging may isang bahaghari pagkatapos ng ulan?

Comments system

Disqus Shortname



Labels